PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dalawang weekly programs, nanganganib magpaalam sa ere

Dahil sa budget o dahil sa ratings?
by PEP Troika
Published Mar 20, 2023
blind item production
PHOTO/S: Shutterstock by gnepphoto

GORGY RULA

Dalawang weekly shows ang nanganganib magpaalam sa ere.

Wala pa namang sinasabi kung matsutsugi na ang unang show, pero halos isang buwan na silang hindi nagti-taping. Nakatengga ang mga artista at hindi nila alam kung babalik ba sila ng taping o magbababu na.

Matagal na ang programang ito at okay naman ang ratings. Hindi lang alam kung ano ang decision ng mga bossing. Kailangan na bang palitan o i-reformat?

Ang tsika ng ilang napagtanungan namin, tila napapagod na raw ang main star ng programang ito. Minsan ay hindi na raw siya sumasali sa ilang segments nila, at hinahayaan na niya ang mga mas batang artista na gumawa.

Alam naman na ng cast ng pangalawang show na malapit na silang magpaalam. Sinabihan na raw silang ilang episodes na lang ang iti-tape nila.

Tantiya nila, baka bandang Mayo ay magpapaalam na ang weekly program na ito.

Ang ilang artista kasama sa cast ay kailangan talaga ng trabaho, kaya kawawa rin kung mawawalan sila ng programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ganun talaga! Asahan na lang na mapapasama sila sa ipapalit na programa.

NOEL FERRER

Malakas ang loob mag-streamline ng network ngayon na hindi lang talaga ratings ang consideration (dahil wala naman talaga silang kalaban) kundi kailangang kumikita rin ito talaga.

Kasama kaya sa naka-red alert itong toprated show na dapat guest ang isang talent ko na na-pack up nang dalawang beses dahil nagpapa-approve pa ng bagong budget?

Sana, huwag naman itong maging candidate sa chopping board dahil maganda ang programang ito na itinuturing nang institusyon sa larangan ng comedy.

Basta kailangan, tulung-tulong tayo sa pagsuporta ng mga magandang panoorin lalo na sa TV.

Teka, ganito rin ba ang rason kung bakit tila pinull-out na si Emil Sumangil sa GTV daily show na Dapat Alam Mo?, at inilipat indefinitely sa 24 Oras para matapatan ang presensiya nina Kabayan Noli de Castro, Henry Omaga-Diaz, Karen Davila, at Bernadette Sembrano na dati’y sinasangga lamang nina Mel Tiangco at Vicky Morales (habang naka-medical leave si Mike Enriquez)?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito naman, hindi cost-cutting measure ito, ha?! Dagdag-budget actually!

Sana, makatulong talaga sa pag-angat ng viewership ito sa primetime news.

JERRY OLEA

Kapag kumikita ang isang programa, keri lang na patagalin iyon. Pero kapag hindi na, kailangang mag-adjust sa budget at mga bagay-bagay upang mapatagal pa iyon sa ere at huwag maglaho na parang bula.

Kaya nga may mga weekly program na nagre-replay para makatipid.

Iyong Maalaala Mo Kaya? (MMK), tumiklop dahil nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.

At least, tuluy-tuloy pa rin ang mga Kapamilya sa paghahatid ng mga bagong palabas. Ewan lang kung mangangahas pa silang mag-fantaserye matapos ang pagtitipid sa special effects ng Mars Ravelo’s Darna.

Iyong isa pang weekly program sa kuwentong ito, noon pa natin naulinigan na tatapusin na. Na-stretch na nang lubos ang istorya niyon. Pigang-piga na.

Iyong producer niyon ay binigyan ng timeslot para mag-produce ng bagong sitcom. Ano kayang timeslot ang inilaan para roon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Shutterstock by gnepphoto
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results