PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga artistang magpaseksi sa MMFF parade?

Ano kayang gimik ang gagawin ng mga artistang kalahok sa 1st Summer MMFF?
by PEP Troika
Published Mar 21, 2023
1st summer mmff entries
The eight official entries to the 1st Summmer MMFF

NOEL FERRER

Napakasaya ng naging pagpupulong ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa walong producers ng official entries sa pinakaunang Summer MMFF.

Pinag-usapan ang malaking suporta ng TikTok at Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa marketing ng entries.

Napakalaking pasasalamat ng producers sa marketing grant na ibibigay ng pamunuan ni FDCP Chair Tirso Cruz III.

Napagpasyahan din kanina ang theater pairing sa mga pelikula.

Nagbunutan na rin sa magiging order ng Parada sa April 2, Palm Sunday:

1. Yung Libro Sa Napanuod Ko

2. About Us But Not About Us

3. Here Comes The Groom

4. Love You Long Time

5. Single Bells

6. Apag

7. Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

8. Unravel

Magsisimula ang Parada Ng Mga Bituin sa Villa Beatriz sa Quezon City papuntang QC Memorial Circle.

Inaasahang makakausap ng media ang mga artista bago sila umakyat sa float.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

And since kauna-unahang Summer MMFF, susubukan nating i-achieve ang isang picture ng lahat ng mga kasapi ng unang batch ng entries nito bago tumulak ang parada.

Read: 1st Summer Metro Manila Film Festival official entries announced

GORGY RULA

Nakapag-presscon na ang Yung Libro Sa Napanood Ko.

Nagpa-press screening na ang About Us But Not About Us at ang Kahit Maputi na Ang Buhok Ko.

May interview naman si Direk Brillante Mendoza para sa Apag ngayong Martes, March 21, 2023.

Next week ay sunud-sunod na ang media conference ng ilang entries, pero so far wala pa kaming balita sa ilang pelikula.

Itotodo na lang kaya ni Alex Gonzaga ang pagpu-promote ng Single Bells sa programa niyang Tropang LOL?

Pero dapat itodo na ang promo next week, at sana tulungan na rin nating i-promote ang ibang hindi pa gaanong nag-iingay. Kagaya ng Love You Long Time ni Carlo Aquino at ng baguhang si Eisel Serrano na kailangang ipakilala sa entertainment press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bongga ni Gladys Reyes, dahil kasali siya sa dalawang entries, ang Apag at Here Comes The Groom.

Nagtatanung-tanong na siya kung saang float ba siya dapat sumampa. Pero karamihan sa nagsa-suggest sa kanya ay sinabing hatiin na lang niya dahil hindi naman magkasunod.

Si Aljur Abrenica rin ay may special participation sa Kahit Maputi… pero leading man naman siya sa Single Bells.

Iilan lamang ang entries na maraming artistang involved kaya dapat may pakulo ang iba para dagsain sila ng mga taong nakaabang sa kalye.

Ito nga ang inaalala ni Romnick Sarmenta na dalawa lang daw sila ni Elijah Canlas sa float ng About Us But Not About Us.

Since summer naman ito, dapat feel na feel ang summer sa parada pa lang.

Bakit hindi magpa-sexy ng suot si Bela Padilla since siya lang ang big star sa float ng Yung Libro Sa Napanood Ko?

Pati ang masasayang cast ng Here Comes The Groom, magpa-abs na diyan si Enchong Dee.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mas bongga kung pati sina Gerald Anderson, Aljur Abrenica, at iba pang hunks na naka-topless lang sa float, di ba?

Ang saya-saya niyan!

Yan ang kaibahan ng parada ng Summer Metro Manila Film Festival sa MMFF ng December!

JERRY OLEA

Nabalitaan ng PEP Troika na bawat official entry ng 1st Summer MMFF ay may 34 or 35 cinemas sa first day, April 8, Black Saturday.

Ironic na iyong Apag ni Direk Brillante Mendoza na kinunan sa ilang bayan ng Pampanga ay wala yatang sinehang nakuha sa first day of showing.

May provision naman na puwedeng kausapin ang private or special theaters, like iyong mga Director’s Club.

Sa Parada ng mga Bituin, keri bang magpa-sprinkler para bawas-init? If ever, may pa-topless din sana si RK Bagatsing o Carlo Aquino!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The eight official entries to the 1st Summmer MMFF
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results