PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tolentino and Dizon Join Casts

Anong role kaya ang gagampanan ni Lorna sa Batang Quiapo?
by PEP Troika
Published Mar 22, 2023
lorna tolentino sunshine dizon teleserye
Lorna Tolentino (kaliwa) muling makakasama si Coco Martin sa FPJ's Batang Quiapo pagkatapos ng Ang Probinsyano; Sunshine Dizon (kanan) mapapanood na sa Mga Lihim Ni Urduja simula ngayong March 22, 2023.
PHOTO/S: @lornatolentinofernandez on Instagram / GMA Network

JERRY OLEA

Si Lorna Tolentino, na galing din sa FPJ’s Ang Probinsyano, ang bagong dagdag sa cast ng FPJ’s Batang Quiapo.

Nag-meeting na sila ni Coco Martin nung Martes, March 21, 2023, kasama ang iba pang direktor ng naturang teleserye.

Ipinaliwanag kay Lorna ang role na gagampanan at gustung-gusto niya ito. Hindi lang niya maidetalye kung ano ang role dahil isa raw yun sa aabangan, pero type na type niya ito.

“Buti na lang, hindi lola!” bulalas ni LT.

Sinabi kasi ni Lorna sa mga nakaraang interviews na kung aalukin siya ni Coco na sumali sa FPJ’s Batang Quiapo, kaagad daw niyang tatanggapin kesehodang lola pa ang role.

Gusto niyang makatrabaho uli ang Hari ng Telebisyon dahil talagang ramdam daw nilang binibigyan silang importansiya na mga veteran actors.

Read: Lorna Tolentino, ayaw munang magkontrabida pagkatapos ng Ang Probinsyano

Napagkasunduan na nila kung ano ang mga babaguhin sa kanya na dapat ibang-iba ang look kay Lily ng FPJ’s Ang Probinsyano, kaya pinaghahandan na ito ni Lorna bago siya magsimulang mag-taping next week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, lalong umiinit ang mga kaganapan sa toprating primetime series na napapanood Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Nakalaya na si Tindeng (Charo Santos) mula sa pagkakabilanggo pagkatapos siyang piyansahan ng apo niyang si Tanggol (Coco Martin).

charo santos allan paule batang quiapo

Dahil kulang-kulang ang kanyang pera, naging desperado si Tanggol na makaipon ng pera na pampiyansa sa kanyang lola. Napilitan siyang nakawan ang hitad na si Roda (Joel Lamangan), ang abusadong landlord na kaaway ni Tindeng. Nangako na si Tanggol sa kanyang sarili na titigilan na niya ang pagnanakaw pero mukhang mahihirapan siyang tuparin ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Miserableng-miserable na kasi siyang makaipon para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya ngunit lalong lumalaki ang hidwaan niya sa mga magulang niyang sina Marites (Cherry Pie Picache) at Rigor (John Estrada).

Itotodo na ni Ramon (Christopher de Leon) — ang totoong ama ni Tanggol — ang paghahanap niya sa nag-iisa niyang anak.

Pinapalakas na ni Ramon ang kanyang mga ilegal na negosyo dahil plano niya itong ipamana lahat kay Tanggol kapag nagkrus na ang kanilang mga landas.

May pag-asa pa kayang magbagong-buhay si Tanggol? Magtatagumpay ba si Ramon sa plano niya kay Tanggol?

coco martin batang quiapo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gabi-gabing tinututukan ng mga manonood ang FPJ's Batang Quiapo pagkatapos itong makakuha ng 289,337 live concurrent views sa March 21 episode.

Nakapagtala ang teleserye ng mahigit 44M total online views para sa pilot week noong Pebrero.

GORGY RULA

Mahigpit namang katapat ng FPJ’s Batang Quiapo ang Mga Lihim ni Urduja sa GMA-7 Telebabad.

Mas may pressure kay Kylie Padilla ang takbo ng kuwento, pero ang isa sa aabangan ngayong gabi ay ang pagpasok ng karakter ni Iris Dayanghirang, na gagampanan ni Sunshine Dizon.

sunshine dizon mga lihim ni urduja

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Iris Dayanghirang dito ay ang misteryosang ina nina Gem (Kylie), Crystal (Gabbi Garcia), at Onyx (Vin Abrenica).

Bale ito ang pagbabalik-GMA ni Sunshine Dizon, at sana, tuluy-tuloy na siya.

Read: Sunshine Dizon, kumpirmado na ang pagbabalik sa GMA-7

Samantala, sabi ni Gabbi sa nakaraang interview ng Kapuso Girl, hindi gaanong ma-pressure sa kanya ang role niya rito bilang si Crystal. Hindi kasi siya nag-aaksyon dito, kagaya ng kay Kylie, kaya mas may pressure pa nga ito kay Kylie.

Pero pinaghandaan naman daw mabuti ni Gabbi ang karakter niya rito bilang si Crystal Posadas.

“As Crystal Posadas, hindi kasi siya masyado sa action scenes. Mas si Gem, yun ang character ni Kylie.

“So, more on the physical, siguro mas emotional yung preparation ko for Crystal.

“In character wise, kasi si Crystal… we are both kikay in a way, dun siguro yung similarities namin. But the way we express, medyo magkaiba kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, emotionally and character-wise, yun ang kailangang ko talagang paghandaan at aralin nang maige. Kasi, may comedic timing din si Crystal, e, na kailangan swak para mag-work siya sa eksena.

“So, talagang nag-acting workshop ako with Ms. Ana Feleo, my acting coach. And also, I was constantly in touch with Sir Jojo [Nones] our headwriter, our director, si Direk Jorron [Monroy]. So, I was really hands on when it comes of building my character,” pahayag ni Gabbi.

NOEL FERRER

Talagang nakatutok si Coco Martin sa FPJ’s Batang Quiapo, pero tutulong daw siya sa promo ng 1st Summer MMFF entry niyang Apag.

Natutuwa si Direk Brillante Mendoza kay Coco dahil ang laki na raw ng ipinagbago ng pagdidirek nito sa Batang Quiapo kung ikumpara sa Ang Probinsyano.

“Sinabi ko naman yan nung nagpunta ako sa kanila, at tinext ko naman siya. Sinabi ko na parang pelikula na, parang big production na. Kasi yung mga camera works niya, iba na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya kasi, ang gusto na niyang treatment, parang pelikula. Ayaw na niya na parang TV.

“Maganda yan kasi nagle-level up siya,” pahayag ni Direk Brillante.

Excited ako kasi sa magkatapat na programa nina Coco at Kylie, may the best program win; tapos sa pelikula naman, may the best film win.

Saan mo mang anggulo tingnan, winner na sila pareho, dahil pareho silang may magagandang projects na inihahain sa publiko!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino (kaliwa) muling makakasama si Coco Martin sa FPJ's Batang Quiapo pagkatapos ng Ang Probinsyano; Sunshine Dizon (kanan) mapapanood na sa Mga Lihim Ni Urduja simula ngayong March 22, 2023.
PHOTO/S: @lornatolentinofernandez on Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results