GORGY RULA
Luma ang litratong kumalat sa Twitter na pumirma si Sunshine Dizon sa GMA-7!
Kinumpirma mismo sa PEP Troika ng manager ng aktres na si Perry Lansigan ng PPL Entertainment, Inc, at ang Senior Vice President ng GMA-7 na si Atty. Annette Gozon-Valdes na bumalik si Sunshine sa GMA-7 bilang freelance actress, at hindi exclusive sa isang network.
Read: Sunshine Dizon on criticism about her Kapuso comeback: "I can work with anyone I want to work with."
“Wala naman new signing event. Baka old photo yung nagre-resurface,” bahagi ng text ni Ma’am Annette sa PEP Troika.
Nasa caption kasi ng tweet na yun na dalawang taon daw ang pinirmahang kontrata ni Sunshine, worth P100 million. Kaya tumaas ang kilay ng ibang taga-showbiz pati ang ilang Kapuso stars na sandaling nakatsikahan ko.
Sabi naman ni Perry, wala silang na-burn na bridges kaya welcome ang premyadong aktres kung gusto niyang bumalik sa GMA-7 o kahit sa ABS-CBN.
Text ni Perry na ipinadala sa PEP Troika, “Yes it is true that Sunshine will be doing another project with GMA at happy at excited, and looking forward to it si Shine, at kami.
“Ang maganda kasi dito, hindi naman kami nag-burn bridges with GMA or ABS-CBN. Kaya we are open to working with any station na sa tingin namin ay may magandang project and offer.”
Napag-alaman naming pagkatapos palang gawin ni Sunshine ang Marry Me, Marry You sa Kapamilya Channel, balak sana siyang kunin para sa The Fake Life ng GMA-7. Pero hindi lang daw nagtugma ang schedule.
“She’s a very good actress and she has already proven herself to be effective in any role given to her,” dagdag na text pa ni Ma’am Annette sa PEP Troika.
NOEL FERRER
Medyo hindi lang maganda yung paglabas ng fake news tungkol sa diumano'y pirmahang naganap at sa sinasabing talent fee doon.
May discomfort at cringe effect lang kasi ang pag-uusap ng talent fee at numero in public.
Yes, go where the work is, and do it well! Huwag na lang haluan ng iba ng fake news.
JERRY OLEA
Magkakasunod na nag-over da bakod ang mga Kapuso na sina Lovi Poe, Janine Gutierrez, at Sunshine Dizon.
Bida si Janine sa umeere nang Kapamilya teleserye na Dirty Linen, samantalang si Lovi ang leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Batang Quiapo na this February mag-uumpisa.
Nag-tweet ang GMA Drama nitong Pebrero 2, Huwebes ng 8:50 p.m., “CONFIRMED: Sunshine Dizon, nagbabalik sa Kapuso Network! (heart emoji)
“Mapapanood siya sa upcoming Primetime Megaserye na #MgaLihimNiUrduja ngayong Pebrero!”
Kalakip ng tweet ang apat na BTS (behind the scene) photos ni Sunshine sa set ng Kapuso series na pagbibidahan nina Gabbi Garcia, Kylie Padilla, at Sanya Lopez.

Take note na sina Gabbi, Kylie, at Sanya ay gumanap na Alena, Amihan, at Dayana sa reboot ng telefantasyang Encantadia (Hulyo 2016-Mayo 2017), samantalang si Sunshine ang Pirena sa orig na Encantadia (2005). Avisala!
