GORGY RULA:
Hindi brother-in-law, kundi brother pala ni Kylie Padilla si Vin Abrenica sa Mga Lihim ni Urduja.
Naalala namin sa mediacon ng Kapuso prime-time series na sinabi ni Kylie na dapat malaman natin kung ano ang konek nila ni Vin dito sa Mga Lihim ni Urduja. Iyun daw ang isa sa aabangan sa drama series na ito sa GMA Telebabad.
Ayun na nga! Nung Huwebes, March 23, 2023, lumabas ang karakter na si Iris Dayanghirang na ginagampanan ni Sunshine Dizon.
Si Iris ang naghayag na kapatid ni Gem (Kylie Padilla) at Crystal (Gabbi Garcia) si Onyx (Vin Abrenica).
Umepek sa televiewers ang rebelasyong ito ni Iris. Kaya mataas ang combined ratings nito na umabot ng 11.9%.
Bahagya niyang nataasan ang combined ratings ng FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin na 11.3%.
Sa totoo lang, sobrang na-pressure si Kylie sa taping ng Mga Lihim ni Urduja dahil sa kanya halos nakatutok ang kuwento.
Kaya tuluy-tuloy ang taping niya, at hindi pa siya makapag-focus sa promo ng Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Unravel: A Swiss Side Love Story kasama si Gerald Anderson.
Meron ding entry si Coco sa 1st Summer MMFF, ang Apag, kasama sina Jaclyn Jose, Lito Lapid, Gladys Reyes, Gina Pareño, Mercedes Cabral, Julio Diaz, at iba pa.
Kaya hindi lang sa primetime ratings ang bakbakan nina Kylie at Coco, kundi maging sa takilya.
READ: The Write One pilot episode, trending sa Twitter; Batang Quiapo, naungusan ang Mga Lihim Ni Urduja
JERRY OLEA:
Ngayong linggo ay balik-taping na si Gabbi Garcia sa Mga Lihim ni Urduja.
Nakauwi na siya mula sa taping ng Unbreak My Heart sa Switzerland, kaya mas kay Crystal na nakatutok ang mga susunod na episodes.
Proud si Gabbi dito sa Mga Lihim ni Urduja na napapanood pa ngayong buwan ng Marso na Women’s History Month.
Sabi ni Gabbi, inspiring ang serye nila lalo na sa mga babae at kabataan na naglalarawan ng katatagan ng kababaihan.
"The fact that three amazing, empowering characters are on your screen every night GMA Telebabad is such an empowering feeling.
"Important po kasi yan, yung representation, that we can see on our screen, lalo na for the younger girls, parang may representative for them. They can see themselves.
"Merong isang medyo siga pero astig na may pagka-feminine din. Merong super kikay, merong isang queen. So, talagang all of us, we have that in us, e.
"Minsan meron tayong mood na kikay, minsan may empowering feeling tayo, meron tayong astig moments sa life. So, important yun na may nakikita tayong representation on screen," pahayag ni Gabbi.
NOEL FERRER:
Okay iyan at nagpapagalingan at nagpapagandahan ng mga produkto.
Partida, ha, walang franchise, pero humahataw ang FPJ’s Batang Quiapo.
Si Urduja naman is getting its act together. Basta maayos ang inihahain mo sa tao, tatangkilikin nila ang pasok sa kanilang panlasa.
Katulad ng sinasabi ko, huwag lang magiging personalan, okay ang tapatan… pagandahan… dahil tayong audience ang panalo riyan!
More hot stories on PEP.ph:
