PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ang kuwento sa likod ng "Walang Kapalit" song ni Rey Valera

Si RK Bagatsing ang gaganap na Rey Valera.
by PEP Troika
Published Mar 26, 2023
RK Bagatsing plays Rey Valera in Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)
Si RK Bagatsing (R) ang gaganap na Rey Valera sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Swak sa pagmamahalan nina Jojo (Empoy Marquez) at Marie (Alessandra de Rossi) sa pelikulang Walang KaParis ang kanta ni Rey Valera na "Walang Kapalit."

Inawit nila ang refrain niyon bilang hibik ng kani-kanyang puso:

“At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahon/ Na ako ay mahalin mo rin/ Asahan mong di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan/ Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin…”

Streaming ang Walang KaParis sa Prime Video umpisa noong Marso 23, 2023, Huwebes.

Tampok din ang kantang "Walang Kapalit" sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera, na isa sa walong official entries ng 1st Summer MMFF, na gaganapin mula April 8 to 18, 2023.

Kahit Maputi na ang Buhok (The Music of Rey Valera)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isiniwalat ni Rey Valera sa mediacon nitong Marso 25, Sabado, sa Gloria Maris restaurant ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City, na ang "Walang Kapalit" ay sinulat niya para sa mga bakla.

Ni-request iyon sa kanya ng namayapang comedian-host na si Ike Lozada, na ginampanan ni Ricky Rivero sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera.

Sa premiere screening na naganap din sa Gateway Mall right after the mediacon, pinalakpakan ng audience ang pagganap ng dalawang Machete na sina Gardo Versoza at Aljur Abrenica kaugnay sa Walang Kapalit.

Nagbida si Gardo sa Seiko movie na Machete II (1994), at leading ladies niya roon sina Rosanna Roces at Snooky Serna, sa direksiyon ni Mauro Gia Samonte.

Pinangunahan naman ni Aljur ang Kapuso telefantasyang Machete (Enero-Marso 2011), sa direksiyon nina Don Michael Perez at Gina Alajar. Co-stars dito ni Aljur sina Bela Padilla, Ryza Cenon, at Kris Bernal.

Ang unang Machete ng local showbiz ay si Cesar Montano sa pelikulang Machete: Istatwang Buhay (1990), na idinirek din ni Mauro Gia Samonte para sa Seiko Films. Ang co-stars dito ni Cesar ay sina Rita Avila, Joel Torre, Vivian Foz, Toby Alejar, at Rina Reyes.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera, ang papel ni Aljur ay isang stuntman na nangangarap sumikat bilang artista, at nakaagapay sa kanya si Gardo bilang baklang nagmamahal nang walang hinihintay na kapalit.

Iyong ganoong dynamics ay reminiscent sa characters nina Phillip Salvador at Nora Aunor sa pelikulang Bona (MMFF 1980), na idinirek ni Lino Brocka, ganoondin sa characters nina Renzo Cruz at Frank Rivera sa pelikulang Babae Sa Bubungang Lata (1998) na idinirek ni Mario O’Hara.

Ang gumanap na Rey Valera sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera ay si RK Bagatsing.

Idinirek ito ni Joven Tan para sa Saranggola Media, at nasa cast din sina Rico Barrera, Gelli de Belen, Josh de Guzman, Christopher de Leon, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Biboy Ramirez, Arman Reyes, Ariel Rivera, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang pa sa Rey Valera songs na itinampok sa pelikula ang "Maging Sino Ka Man," "Kung Kailangan Mo Ako," "Pangako," "Ako Si Superman," "Mr. DJ," "Tayong Dalawa," "Malayo Pa Ang Umaga," at siyempre, "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko."

GORGY RULA

Present sina (L-R) Direk Joven Tan, Dennis Padilla, Lloyd Samartino, Rey Valera, Shira Tweg, Rosanna Roces, RK Bagatsing, at Eric Nicolas sa mediacon.

The cast of Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Rey, “Malaking bagay ito hindi lang sa akin. May statement na ginawa si Direk dito—na ang buhay ng isang nerd o isang introvert, puwede palang gawing pelikula.

“Hindi lang si Asiong Salonga o si Ben Tumbling. Kaya Direk, masasabi ko, thank you so much at napaka-intellectual ng movie na ito.

“Pag-uwi ko, saka ko na-realize ang hirap na ginawa mo para balansehin lahat. Hindi isang maliit na bagay. Hindi madali. Kaya dun ko na-appreciate lahat yun.”

Sa mga kanta ni Rey, paborito ni RK ang "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" at "Tayong Dalawa."

Pahayag ni RK, “Ako naman po kasi, kumbaga puwedeng sabihin na old soul. Kasi mahilig talaga ako sa classics, e. Matagal na akong nakikinig ng mga ganun. Nasa playlist ko iyan.

"And ever since, growing up, pag bumibisita kami sa lola ko… or pag Sunday, di ba, naririnig mo yung mga classics? So naririnig ko iyan. And ngayon, simula nung ginawa ko yung pelikula ni Sir Rey, meron na akong playlist talaga sa Spotify. Pag nagmamaneho ako, kahit ano. Kasi lahat naman po ng mga kinanta ni Sir Rey ay natutugma sa mga pinagdadaanan mo ano man yun. So naka-ready iyan sa playlist ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinanood ni RK ang mga performance at interview ni Rey online bilang paghahanda sa pagganap niya sa karakter nito.

Lahad pa ni RK, “Maraming materials online talaga na pinanood ko lang at isinapuso.

And tulad ng sinabi ko before, pag nakikinig ka ng mga music niya, in a way parang napapasok ka na sa mindset niya.”

Ang biggest challenge ni RK sa pagganap bilang Rey ay iyong wig.

“Kasi ang init talaga nung suot kong wig! Saka meron kaming isang shooting day na sobrang init, ang sakit ng ulo ko the whole time na nagsu-shooting kami,” saad ni RK.

“Sa bawat eksena, kailangang kalimutan ko yun at gawin ang mga pinapagawa sa akin.

"Pero other than that, sobrang nag-enjoy ako sa set. Kasi ang saya-saya ng buong production, saka si Direk Joven. And para lang akong naglalaro, sa totoo lang.

“Dahil kumbaga parang in-on ko lang ang radio at nakikinig ako ng mga musika ni Sir Rey. In-enjoy ko lang bawa’t araw na nandun ako sa set.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ibang klase ang paggamit ng musika sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera.

I won’t be surprised if the whole theater will be turned into a big videoke venue dahil ganoon ang feels ng pelikula.

Nakakabilib kung paano napagsama-sama ang mga artistang nabanggit. Sana—maliban kay RK—meron pa sa kanilang sumama sa parada sa April 2.

Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko ni Rey Valera joins the ranks of I Doo Bi Doo ng APO na ang catalogue ng isang OPM icon ay nagiging pelikula.

Pero di tulad ng APO, hindi pa nagiging theater piece ang mga kanta ni Rey Valera. Ibang grupo raw ang nakakuha ng rights noon, ayon sa produksiyon.

Di ba’t maganda rin kung ang Rak Of Aegis at Huling El Bimbo, aside from being hit Pinoy musicals, ay maisapelikula rin? Ang saya nun!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si RK Bagatsing (R) ang gaganap na Rey Valera sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results