Is Aljur Abrenica’s “greatest catch” post alluding to AJ Raval?

by Bernie V. Franco
Sep 5, 2022
aljur abrenica aj raval
Netizens assume that Aljur Abrenica's cryptic sweet post on Instagram is referring to his rumored girlfriend AJ Raval, who recently celebrated her 22nd birthday.
PHOTO/S: @ajabrenica @ajravsss on Instagram

Umani ng iba't ibang reaksiyon ang cryptic post ni Aljur Abrenica, 32, sa Instagram nitong September 3, 2022.

Ibinahagi ni Aljur ang short video niya na tila kuha mula sa isang event performance.

Nakasuot ang aktor ng dark brown leather top at may hawak na mic.

Pero hindi ang video ang nakaagaw ng pansin ng netizens, kundi ang caption niya.

Sabi ng aktor: “I risk a lot of shots in life and you are my greatest catch."

Kung pagbabasehan ang caption, nagpapahiwatig ang aktor na nakatagpo siya ng espesyal na tao sa kabila ng mga isinapalaran niya.

Walang inilagay na pangalan si Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkataon namang ibinahagi ni Aljur ang nagsabing mensahe sa mismong birthday ng napapabalitang girlfriend niyang si AJ Raval, 22.

Maliban dito, nag-post din si AJ ng kanyang picture na may hawak na bouquet of flowers sa parehong araw.

Tanging caption ng aktres ay ang numerical date ng kanyang birthday at simpleng “Thank you” na may red heart with arrow emoji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, hindi nakaligtas sa mga mapanuring netizens ang post ni Aljur.

Sunud-sunod ang puna ng netizens sa aktor, partikular ang pagkakaugnay niya kay AJ.

May mga nakapansin ding ginawa ni Aljur ang post sa kaarawan ni AJ.

Komento nga ng ilan, “low key” greeting ito ni Aljur kay AJ.

May mga nagkomento rin na ang ni-risk daw ng aktor ay ang kanyang pamilya.

Hiwalay na si Aljur sa asawa niyang si Kylie Padilla, kung saan mayroon siyang dalawang anak na lalake.

May ilan ding supporters si Aljur na ipinagtanggol siya mula sa mga bumabatikos.

Narito ang ilan sa mga bumatikos:

aljur abrenica

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

aljur abrenica basher

aljur abrenica basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

aljur abrenica basher

Hindi kaila na matagal nang nali-link sa isa't isa sina Aljur at AJ.

Bagamat naging vocal sila sa isa't isa sa espesyal na pagtitinginan noong una, naging matipid sila kasunod ng matitinding batikos sa social media.

Read:

AJ Raval on relationship status with Aljur Abrenica: “Masaya kami sa mga situation namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aljur Abrenica on Leyte trip with AJ Raval: "Trabaho po yun."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens assume that Aljur Abrenica's cryptic sweet post on Instagram is referring to his rumored girlfriend AJ Raval, who recently celebrated her 22nd birthday.
PHOTO/S: @ajabrenica @ajravsss on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results