PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tropang LOL: Network Transfer After TV5

Saang network kaya mapapanood ang Tropang LOL?
by PEP Troika
Published Mar 29, 2023
tropang lol hosts
Ayon sa ilang sources, pursigido ang Brighlight Productions na ituloy pa rin ang Tropang LOL pagkatapos ng last episode nito sa TV5 sa April 29, 2023.
PHOTO/S: Tropang LOL Facebook

GORGY RULA

May naririnig kaming posibleng ilipat ang noontime show Tropang LOL sa ibang istasyon.

Read: Tropang LOL, magpapaalam na sa ere sa April 29 — sources

Ayon sa ilang napagtanungan ng PEP Troika, pursigido ang Brighlight Productions na ituloy pa rin ang Tropang LOL, lalo na ngayong napapansin at nagustuhan na ito ng advertisers.

Nagsisimula na raw silang bumawi dahil naintindihan nilang dapat mahaba ang pisi para mapatagal ang ganitong klase ng programa. Pero dahil sa maganda ang rating at puno naman ng commercial loads, ng Tropang LOL, wala sa isip nilang isara na ito. Kaya tuluy-tuloy talaga sila.

Pero naisipan ng TV5 na ibalik ang Face to Face, ang dating maingay na programa ni Amy Perez.

Gusto nila ang dating timeslot nitong alas-onse ng umaga, at iakyat na sa alas-dose ng tanghali ang It’s Showtime.

Dahil dito, nawalan ngayon ng oras ang Tropang LOL.

Nagsimula naman talaga ito sa tanghali, at mahirap sa kanilang ilipat sa ibang timeslot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan daw ng mga taga-Brighlight na huwag galawin ang timeslot ng Tropang LOL, pero napagdesisyunan na ng TV5 management na ibigay ang timeslot nito sa Face to Face, na ihu-host nina Karla Estrada at Alex Calleja.

Gusto pa rin daw nilang ituloy ang noontime show na ito, kung makahanap lang ng tamang venue. Posible kaya sa NET25?

Wala pang sagot sa amin ang taga-Brightlight kung ano ang kanilang plano. Pero marami raw possibilities na dapat nating abangan.

Bukas ang PEP Troika sa paliwanag ng TV5 kaugnay sa isyung ito.

Read: Bayani Agbayani, thankful at no regrets sa pagpaalam ng Tropang LOL

JERRY OLEA

Ang daming posibilidad.

Naglalaro ang iba’t ibang what if sa kapalaran ng Tropang LOL.

Nakaabang din tayo sa mga kaganapan sa Eat Bulaga!.

Sa rebranding ng programa, andoon pa rin ba sina Tito, Vic & Joey? Kung waley na, pangungunahan ba iyon nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Allan K, plus Kuya Kim Atienza?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre, malabong lumipat sa ALLTV ang Tropang LOL.

E, kung makipag-collab ang GMA-7 sa Brightlight Productions?! Ma-imagine ba ninyo ang Tropang LOL na nasa Kapuso Network, sa GMA man o GTV?

NOEL FERRER

Ang daming nangyayari, ang init pa!

Basta tayo, abangers lang susunod na kabanata. Mangyayari ang dapat mangyari.

At nandoon lang tayo at nakasuporta sa mga taong patuloy nagsisikap para mapabuti ang trabaho at sarili!!! All the best!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa ilang sources, pursigido ang Brighlight Productions na ituloy pa rin ang Tropang LOL pagkatapos ng last episode nito sa TV5 sa April 29, 2023.
PHOTO/S: Tropang LOL Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results