PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miles Ocampo Open to Kissing Scenes

Miles Ocampo, mas type ka-kissing scene si Kaladkaren kesa kay Enchong Dee?
by PEP Troika
Published Mar 30, 2023
miles ocampo boyfriend elijah canlas
Kung si Miles Ocampo ay dumalo sa special screening ng pelikula ng boyfriend niyang si Elijah Canlas, ang About Us But Not About Us, dumalo naman ang aktor sa special screening ng pelikula ni Miles na Here Comes The Groom. Parehong entries sa 1st Summer MMFF ang mga pelikula ng magkasintahan.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Pa-sweet ang image ni Miles Ocampo kaya marami ang nagulat sa rape scene niya sa pilot episode ng FPJ’s Batang Quiapo.

Read: Na-manifest ni Miles Ocampo na mapapasali siya sa “Batang Quiapo?”

Payanig na naman si Miles sa Here Comes The Groom na isa sa walong official entries ng 1st Summer MMFF (April 8-18, 2023).

Parang hayok na hayok ang karakter niyang si Yumi! Hindi lang si Junior (Enchong Dee) ang nakahalikan niya kundi pati si Wilhelmina (Kaladkaren)!

“Ilang beses na pong nangyari sa akin, like may io-offer, tatawagan ako,” lahad ni Miles sa mediacon noong Marso 29, 2023, Huwebes ng gabi, sa SM Megamall.

“Pagka-end po ng call, tatawag ulit. ‘Ah, may kissing scene pala ito, ha?’ Parang ako, iniisip pa rin nila na hindi ako puwede.

“Matanda na po ako. Ha! Ha! Ha! Ha! So, kung OK talaga for the story, kung kinakailangan talaga at hinihingi, game naman po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Saka fan po ako ni Direk Chris Martinez. Parang napanood ko po yung mga pelikula niya, lalo na yung Here Comes The Bride.

“In-explain pa lang po ni Atty. Joji Alonso na para itong Here Comes The Bride, gusto ko pong sabihin, ‘Attorney, huwag mo na pong i-explain! Yes na po ako!’

“Pero ayun… sobrang nakakatuwa na naisip po nila ako para sa role nung bride.”

Kumusta iyong pakikipaghalikan kay Enchong?

Napangiti si Miles, “Kay Enchong?! Sakto lang. Dun ako kay Karen, charing! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Charot lang! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Ano ang naramdaman ni Kaladkaren sa halikan nila ni Miles?

Sey ni Kaladkaren, “Kung paano si Enchong dun kay Yumi, ganung-ganun ang feeling ko! ‘Paano ko kaya gagawin ito?!’

“Parang I never kissed a girl in my life! Pero yun nga, sorry, ha… ano, ha, Miles, ako talaga ang nahalikan mo sa big screen!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero I’m very thankful na si Miles yun kasi very generous din siya na sabi ko, ‘Teh, iki-kiss kita mamaya!’ ‘Oo, teh, kaya natin ‘yan!’ OK, go! Uhm! Laban! Nilaban namin!”

Anim na beses daw inulit nina Miles at Kaladkaren ang kanilang kissing scene.

“Pero nag-enjoy naman ako, ano! Nag-enjoy ako! Parang… ahhhh!!!” tili pa ni Kaladkaren.

NOEL FERRER

Nagsusuportahan talaga ang magkasintahang sina Miles Ocampo at Elijah Canlas kahit “magkalaban” ang kani-kanyang pelikula sa 1st Summer MMFF.

Dumalo si Miles sa special screening ng pelikula ni Elijah na About Us But Not About Us noong Marso 14 sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City. Um-attend naman si Elijah sa premiere night nitong Here Comes The Groom.

Read: Magkasintahang Elijah Canlas at Miles Ocampo, "magkalaban" sa 1st Summer MMFF

Nang usisain si Elijah kaugnay sa kissing scenes ni Miles sa movie ay napangiti ang premyadong aktor at sinabing OK lang iyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bakas kay Elijah na proud siya sa girlfriend, “Miles Ocampo yan! Mahusay!”

Bukod kina Miles, Enchong at Kaladkaren, nasa cast ng Here Comes The Groom sina Gladys Reyes, Awra Briguela, Maris Racal, Eugene Domingo, Tony Labrusca, Xilhouete, Nico Antonio, Iyah Mina, Fino Herrera, at Kim Atienza.

GORGY RULA

Nakikita naman ang suportahan ng magkasintahang Elijah at Miles, lalo na ngayong may pinagdadaanan ang aktres.

Hindi lang namin nakuha ang buong detalye, at ayaw ko naman siyang pangunahan. Na kay Miles ito kung gusto niyang ibahagi sa publiko.

Pero sa ganitong pagkakataon, malaki ang maitutulong ni Elijah para suportahan siya.

Ang latest lang na nabalitaan namin, okay na ngayon si Miles. Hintayin na lang natin siguro ang panahong handa na siyang ikuwento ito sa atin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung si Miles Ocampo ay dumalo sa special screening ng pelikula ng boyfriend niyang si Elijah Canlas, ang About Us But Not About Us, dumalo naman ang aktor sa special screening ng pelikula ni Miles na Here Comes The Groom. Parehong entries sa 1st Summer MMFF ang mga pelikula ng magkasintahan.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results