PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

1st Summer MMFF entries, pabonggahan ang gimik sa Parade of Stars

Film producers, kinakabahan sa sasapitin ng mga pelikula sa takilya.
by PEP Troika
Published Mar 31, 2023
1st summer mmff entries

GORGY RULA

Nakakalungkot ang resulta sa takilya ng pelikulang Working Boys 2: Choose Your Papa na nagbukas sa mga sinehan nung Miyerkules, March 29, 2023.

Hindi ko na isusulat kung magkano ang first-day earnings nito dahil talagang nakakadismaya.

Hindi tuloy maiwasang kabahan ng mga producer na may entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival (April 8-18) kung ganun kababa ang kinikita ng mga pelikula natin.

Pagkatapos ng MMFF 2022 nung nakaraang December, wala pa talaga tayong pelikulang masasabing certified blockbuster hit.

Pero iba naman ang Black Saturday (April 8) na opening day. Talagang malakas ito bago magka-pandemic kaya malalakas na foreign films ang madalas na binu-book sa playdate na iyon.

Sana, ganun pa rin ito kalakas kahit ang daming nabago pagkatapos natin dumaan sa pandemic.

First time itong Summer MMFF, pero kaabang-abang naman ang walong pelikulang kalahok.

Ngayon pa lang ay talagang itinotodo na nila ang promotions.

May mall shows at TV and radio guestings ang ibang entry, kagaya ng Love You Long Time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Here Comes The Groom ay may event sa Enchanted Kingdom sa Sabado, April 1.

Ang Unravel: A Swiss Side Love Story ng Mavx Productions ay may pagimik daw sa parada sa Linggo.

Sabi naman ni Enchong Dee ng Here Comes The Groom, naka-beachwear silang lahat sa parada, kaya paseksihan sila niyan sa karosa.

Aalamin pa namin kung ano naman ang aabangan nating pakulo ng iba pang entries kagaya ng Apag, Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera, Single Bells, Yung Libro Sa Napanood Ko, at About Us But Not About Us.

Pagkatapos ng Parade of Stars sa April 2, Palm Sunday, magkakaroon muna ng break dahil sa Semana Santa.

Read: Mga artistang may entry sa 1st Summer MMFF, magpaseksi kaya sa Parade of Stars?

NOEL FERRER

Katatapos lang ng guesting nina Gladys Reyes, Keempee de Leon, at Eisel Serrano sa aming radio program na Level Up sa Radyo Katipunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaasam tayo na sana, lumabas at pumunta sa sinehan ang mga tao para manood ng mga pelikulang lahok sa 1st Summer MMFF.

Sabi ni Eissel, parang Panagbenga ang magiging float ng Love You Long Time dahil ang kabuuan ng pelikula ay na-shoot sa Baguio.

Sabi naman ni Keempee, parang beach flamenco ang magiging theme ng float nila nina Gladys sa Here Comes The Groom.

Tapos sabi naman ni Gladys, isang mahabang mesa naman na puno ng Kapampangan food ang float nila sa Apag.

Exciting na kahit sa float ay handa nang magpabonggahan ang mga entries. Sana, pati sa takilya rin!!!

JERRY OLEA

Sa Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix, nangunguna pa rin ang Partners In Crime at Labyu With An Accent na parehong kalahok sa MMFF 2022.

Ang sumunod na tatlo ay ang mga pelikula ni Keanu Reeves na John Wick: Chapter 3 — Parabellum, John Wick, at John Wick: Chapter 2.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa Box Office Mojo, umabot na sa $157M ang worldwide gross ng John Wick: Chapter 4. Ito na ang pangatlong pinakamalakas na pelikula so far this year.

Ang top 2 sa globe gross this year as of now ay Ant-Man and the Wasp: Quantumania ($470M) at Creed III ($249M).

Noong Marso 22 nag-open sa local cinemas ang John Wick: Chapter 4 at nagkalasug-lasog ang sumagupa rito na Baby Boy, Baby Girl at D’ Aswang Slayerz.

Read: John Wick 4, "pinagtulungan" ng dalawang Tagalog movies sa takilya

Ramdam nating malakas pa rin sa takilya ang John Wick: Chapter 4 kahit nagbukas sa local cinemas nitong Marso 29 ang Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves, Working Boys 2: Choose Your Papa, Simulant, Ditto, at The Unseen.

Hindi ako nagulat sa sinapit ng Working Boys 2: Choose Your Papa sa takilya.

At any rate, excited tayo sa mga pasiklab ng 1st Summer MMFF with the theme “Tuloy-Tuloy Ang Saya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapana-panabik ang parada sa Linggo ng Palaspas, 4:00 pm na mag-uumpisa sa may Villa Beatriz, Commonwealth Avenue, Quezon City, at magtatapos sa Quezon Memorial Circle.

Sa fluvial Parade of Stars ng MMFF 2021 sa Pasig River, matatandaang nag-topless sa ferry boat ng Nelia ang Bench Body model na si Juan Carlos Galano.

Sa pagtatapos ng parada ng mga bituin ng MMFF 2022 noong Disyembre 21, nag-topless naman si Jake Cuenca na bida sa My Father, Myself.

Dito sa Parade of Stars ng 1st Summer MMFF… posible kayang magpa-abs o magpa-yummy sina Enchong Dee, Aljur Abrenica, Gerald Anderson, Carlo Aquino, at RK Bagatsing?! Abangan!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results