PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Enchong and AJ Dee's Summer Beach Trip

Enchong Dee, walang balak manirahan sa abroad.
by PEP Troika
Published Apr 1, 2023
enchong dee brother aj dee
Balak dalhin ni Enchong Dee ang kanyang pamilya sa beach ngayong summer lalo na't nagbabakasyon sa Pilipinas sa kasalukuyan ang kanyang kuya na si AJ Dee.
PHOTO/S: Jerry Olea / @ajdeeiii on Instagram

GORGY RULA

Isa sa ikinae-excite ni Enchong Dee sa nalalapit na 1st Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) ay ang pagdating ng Kuya AJ Dee niya kasama ang dalawa niyang pamangkin galing Norway.

Read: AJ Dee finds success as businessman in Norway after leaving showbiz

Nandito na raw sa pilipinas ngayon si AJ para magbakasyon, at tamang-tama raw na may pelikula si Enchong para sa 1st Summer MMFF. Bukod pa riyan ay makaka-bonding pa raw niya ang kanyang mga pamangkin.

“Masaya ako kasi nakabalik sila ngayong summer. So, balak namin mag-beach, yung mga ganun. Kaya nag-iipon ako para may pang-beach kaming pamilya,” napangiting sabi ni Enchong nang mag-promote siya ng pelikula niyang Here Comes The Groom sa programa namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes, March 31, 2023.

Okay na raw ang buhay ng Kuya AJ Dee niya sa Norway.

Pero kung si Enchong ang tatanungin, wala siyang balak na manirahan doon o kahit sa ibang bansa. Gusto pa rin daw niya ang Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng Kapamilya actor, “Sobrang mahal ko talaga ang Pilipinas. Alam mo yung hindi mo siya hahanapan ng dahilan kapag mahal mo yung bansa, iyon yung nararamdaman.

“Kaya sabi ko, kung ano yung maliliit na bagay para makatulong sa ikagaganda ng Pilipinas. Iyon na lang siguro yung ambag ko bilang isang Pilipino.

“Kaya masayang-masaya ako na kahit papaano maayos yung trabaho natin, maayos yung takbo ng karera natin para mag-stay ako talaga dito sa Pilipinas,” saad ni Enchong.

NOEL FERRER

Bukod sa pag-aartista, proud si Enchong sa mga nasimulan niyang negosyo. Nakapag-invest siya sa ilang maliliit na negosyo, at bukod pa riyan, may tatlong branch na siya ng Peri-Peri sa Metro Manila.

Okay na raw siya sa ganung buhay kasama ang pamilya niya, kahit hindi naman daw talaga sila yung sobrang yaman.

“Alam niyo naman ang pamilya ko po na hindi naman kami sobrang yaman o magarbo, pero kumportable.

“Basta sama-sama, and natutuwa nga ako kasi kahit ano man yung occasion, basta ang importante salu-salo kami, okay na po yun, relax lang po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Basta walang may nagkakasakit, masaya na po kami,” pahayag ni Enchong.

At magaganda ang mga proyekto ni Enchong ngayon, ha!

Aside from Here Comes The Groom, kasali rin siya sa GomBurZa na isa na namang prestige project.

Good things really happen to good people. Go lang nang go, Enchong!!! Stay blessed.

JERRY OLEA

First time ni Enchong gumanap bilang lalaking nasapian ng transgender woman sa Here Comes The Groom. Hindi pa siya nakakapag-portray ng gay role.

Sa tinagal-tagal niya sa showbiz, bakit ngayon lang siya “bumigay” sa ganitong klase ng karakter? Iniwasan ba niya iyon dati?

Read: Enchong Dee on gender-swapping role in 'Here Comes The Groom': "Ang hirap maging babae!"

“Ahhmm, bale ang nangyari po kasi, may mga pangyayari sa buhay natin na unexpected,” pagtatapat ni Enchong sa mediacon noong Marso 29, Miyerkules, sa SM Megamall.

“Na akala ko, kapag merong nangyari sa buhay ko at akala ko pag nawala yung mga bagay na yun, I will be broken. I will be shattered.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero na-realize ko na, ‘Ahhh when things started to change, when things started to fall, it wasn’t that bad.’

“And na-realize ko na OK, since nandito na ako sa sitwasyon na ito ngayon, lalo na sa taon na ito ngayon… I want to surprise my audience.

“I want to do something new to my audience that they will appreciate my craft.

“They will look at me as an actor, not as someone who’s holding on to you know the past, the reputation, whatever happened from the past. I want to look forward.

“So whatever is holding me from the past, let it hold on to me pero whatever is going to happen on the future, nasa sa akin yun.

“Kontrolado ko yun. Hindi ko hahayaan na masira just because something happened from the past.”

Abangan ang pasiklab ni Enchong at co-stars niya sa Here Comes The Groom sa 1st Summer MMFF Parade of Stars this April 2, Palm Sunday, 4:00 p.m., sa Commonwealth Avenue, Quezon City!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Balak dalhin ni Enchong Dee ang kanyang pamilya sa beach ngayong summer lalo na't nagbabakasyon sa Pilipinas sa kasalukuyan ang kanyang kuya na si AJ Dee.
PHOTO/S: Jerry Olea / @ajdeeiii on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results