PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maja Salvador Leaves 'Eat Bulaga!' Show

Rebranding ng Eat Bulaga! sa April 17, hindi na matutuloy.
by PEP Troika
Published Apr 13, 2023
maja salvador eat bulaga
Crown Artist Management on Maja Salvador's exit from Eat Bulaga!: “Crown Artist Management would like to announce that with Maja Salvador’s upcoming wedding, and with all the uncertainties surrounding Eat Bulaga, she will be leaving the noontime show for the time being. Becoming a Dabarkads in Eat Bulaga was a dream of Maja that came true one and a half years ago, but for now, we have to give it a pause."
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

JERRY OLEA

Naibalita natin dito sa PEP Troika noong Marso 12 na may pa-mediacon ang Eat Bulaga! sa Abril 15, 2023, Sabado, kaugnay sa pinag-uusapang rebranding or relaunch ng nasabing noontime show by April 17, Monday.

Read: Eat Bulaga relaunching, nakatakda sa April 17?

Early this week ay naulinigan nating baka maudlot ang rebranding, at mananatili pa rin umano sa programa sina Tito, Vic & Joey, at ang Dabarkads kabilang ang staff at crew — pero may cost-cutting.

Ngayong Abril 13, Huwebes, ay naglabas naman ang Crown Artist Management (CAM) ng official statement sa social media kaugnay sa pamamahinga ni Maja Salvador sa Eat Bulaga!.

Pahayag ng CAM: “Crown Artist Management would like to announce that with Maja Salvador’s upcoming wedding, and with all the uncertainties surrounding Eat Bulaga, she will be leaving the noontime show for the time being.

“Becoming a Dabarkads in Eat Bulaga was a dream of Maja that came true one and a half years ago, but for now, we have to give it a pause.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“This decision was already communicated to their management, so we’re hoping for your utmost understanding.

“Maja wishes Eat Bulaga, its hosts and staff, all the best!

“Maraming salamat Dabarkads!”

maja salvador statement

Ang isa pang Dabarkads na si Maine Mendoza ay balitang ikakasal na kay Congressman Arjo Atayde sa Hulyo rin.

“Magpapahinga” rin kaya muna si Maine sa Eat Bulaga!?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Maine Mendoza-Arjo Atayde, Maja Salvador-Rambo Nuñez weddings, gaganapin sa July 2023?

GORGY RULA

Ayaw pa rin ako sagutin ng ilang Dabarkads na tinanong ko kung totoong status quo ang napagdesisyunan pagkatapos ng meeting ng Tito, Vic & Joey sa mga anak ni dating Congressman Romeo Jalosjos.

Kung ganun ang napagkasunduan, may rebranding pa kayang mangyari? Wala na bang relaunching sa April 17?

Hindi pa rin daw nila alam. Basta, naghihintay lang daw sila kung ano ang susunod na ipagagawa sa kanila.

Pero mas naririnig naming wala na raw mangyayari sa April 17. Maaaring tuloy pa rin ang dati nating napapanood sa Eat Bulaga!.

Noong Marso 23 na pag-welcome ng Crown Artist Management kay Marvin Agustin, may pahaging na si Maja na mas magpo-focus na siya sa preparation ng wedding, kaya kailangan niya talagang umalis sa Eat Bulaga!.

Read: Maja Salvador, sasama kahit saan pumunta ang Dabarkads sa gitna ng isyu ng 'Eat Bulaga!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa riyan, kailangan na talagang mag-cost cutting ang naturang noontime show. At kung hindi ako nagkamali, mataas talaga ang talent fee ni Maja.

Abangan na lang natin kung may susunod pang magpapaalam.

Ang dinig din kasi namin, pagkatapos ng wedding nina Arjo Atayde at Maine Mendoza, baka gusto na munang mag-focus ng actress-TV host sa pagiging Mrs. Atayde at kailangan niyang i-let go ang Eat Bulaga!.

Ilan lamang iyun sa mga haka-hakang nasagap namin na ayaw namang sagutin ng mga EB Dabarkads.

Ilang beses na rin naming kinulit ang TVJ kung puwede na silang magsalita, hindi raw muna sa ngayon.

NOEL FERRER

Understandable naman ang hakbang ni Maja lalo pa’t kailangan niyang tumutok sa nalalapit na kasal nila ni Rambo Nuñez sa Hulyo.

Naniniwala tayo na you don’t kill the goose that lays the golden eggs, kaya mukhang OK na status quo na lang muna at tuloy ang Eat Bulaga! at ang Dabarkads.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kung walang bagong earthshaking na balita sa kanya ay OK na rin, kasi tuloy lang ang buhay, mula Aparri hanggang Jolo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Crown Artist Management on Maja Salvador's exit from Eat Bulaga!: “Crown Artist Management would like to announce that with Maja Salvador’s upcoming wedding, and with all the uncertainties surrounding Eat Bulaga, she will be leaving the noontime show for the time being. Becoming a Dabarkads in Eat Bulaga was a dream of Maja that came true one and a half years ago, but for now, we have to give it a pause."
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results