PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla, Lani proud kay Inah

Inah Revilla, tinapos ang Law at kumuha ng Bar Exam kahit tatlo na ang anak.
by PEP Troika
Published Apr 14, 2023
bong revilla lani mercado daughter inah
Inah Revilla-del Rosario, the eldest daughter of Senator Bong Revilla and Congresswoman Lani Mercado-Revilla, is one of the 3,992 aspiring lawyers who passed the 2022 Bar Exam.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Hindi napigilan ni Senator Bong Revilla na maging emotional nang mag-Facebook live siya nitong Biyernes ng hapon, April 14, 2023.

Masaya niyang ibinahagi sa kanyang followers na nakapasa sa 2022 Bar Exam ang panganay na anak na babae nila ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla na si Inah Revilla-del Rosario.

Read: Inah Revilla, Tippy Dos Santos among 2022 Bar Exam passers

Pahayag ni Bong, “Nagpapasalamat po ako sa lahat po na nagdasal for my daughter, Inah. Pumasa na po siya sa Bar. Abugado na po ang aking anak na si Inah.”

Hindi napigilang maiyak ni Bong nang nagbigay siya ng mensahe para sa anak.

“Kaya, Inah… Atty. Inah del Rosario, my God! Anak, I’m very, very proud of you. So, proud of you, anak.

"Thank you, Lord. Thank you. Thank you.

“Anak, iba ka, iba! Alam ko, naka-focus ka sa anak mo, nakuha mo pa ring mag-abugado.

“Para sa akin, no, inalay mo yan. Thank you, anak! Very, very proud of you. Thank you, anak. I love you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Bong nang tinawagan ko, iba ang kanyang feeling habang hinihintay niya ang resulta ng Bar Exam.

“Akala mo, ikaw ang kumuha ng Bar, e. Ganun pala yun? Kasi grabe ang hirap ni Inah diyan para makapagtapos lang siya nga abogasya.”

Nakausap ko rin si Lani Mercado, na sobrang saya rin. Ito raw ang magandang regalong natanggap niya sa kanyang kaarawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagdiwang ni Lani ang kanyang 55th birthday nung Huwebes, April 13, at panalangin nilang lahat na makapasa ang kanyang panganay.

Sabi niya, “Kasi alam mo, gusto ng papa ko na mag-abugado ako. Tinupad ni Inah yung wish ng lolo niya.

“This is the best birthday gift na na-receive ko. Thank you Lord talaga.”

Nag-pre-Law si Inah sa Ateneo de Manila, pero natigil siya ng ilang taon dahil nagpakasal siya kay Vince del Rosario.

Read: Tears flowed at Inah Revilla-Vince del Rosario wedding

Nanirahan sila sa Davao, at doon daw itinuloy ni Inah ang Law course sa Ateneo de Davao.

“Pursigido talaga siya kasi kahit nabuntis siya, may tatlong anak, tinapos niya talaga.

“Tapos naaksidente pa siya, di ba?” dagdag na kuwento ni Lani.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakatakda nang kumuha ng Bar si Inah nang mag-ice skiing siya sa Niseko, Japan nang magbakasyon sila nitong nakaraang New Year.

Pero kahit naka-brace ang paa niya at kailangan niya magpa-rehab, itinuloy pa rin niya ang pagkuha ng Bar Exam.

“Grabe ang hirap para matapos niya, makapag-Bar. Thank you Lord talaga, binigay Niya ito kay Inah,” sabi pa ng actress-politician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Bago matapos ang buwan ng Abril ay sisimulan na ni Bong ang sitcom niya sa GMA-7. Hindi pa kumpirmado kung Tulume ang title, pero gagamitin nila ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Kumpirmadong si Beauty Gonzalez ang gaganap na misis niya sa sitcom na ito. Ilan pa sa makakasama nila ni Beauty ay sina Max Collins, Kate Valdez, Kelvin Miranda, Niño Muhlach, at Mae Bautista.

May special participation ang isang sikat at magaling na komedyante. Nagpapasalamat si Bong na pumayag itong komedyante na maging bahagi ng kanyang bagong sitcom sa GMA.

NOEL FERRER

Buti na lang, active ulit sa paggawa ng showbiz project si Senator Bong Revilla.

Kung may sitcom na siyang sisimulan na, meron na kayang pelikulang kasunod? Hindi ba’t lagi siyang may handog na pelikulang pambata at pambuong pamilya kapag Pasko?

Sana, makagawa ulit si Bong ng pelikula soon, at pamunuan na rin ang pagpapababa ng admission price natin sa mga sinehan. Sana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inah Revilla-del Rosario, the eldest daughter of Senator Bong Revilla and Congresswoman Lani Mercado-Revilla, is one of the 3,992 aspiring lawyers who passed the 2022 Bar Exam.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results