JERRY OLEA
Pwetmalu si Gold Aceron sa excerpt night ng DickTalk nitong Pebrero 21, Martes ng gabi, sa Dengcar Theater ng Mowelfund, Ilang-ilang St., Quezon City.
Ipinatikim ni Gold ang hugot, hagod, at haplos ng karakter niya bilang 16-anyos na si Jun-jun.
Sa umpisa ng kanyang monologo, nakasando siya at boxer short. Nakatalikod siya sa audience.
Ibinaba niya ang kanyang short kaya tumambad ang kanyang wetpaks. Umupo siya sa silya at nagsariling-sikap.
Sa paghulagpos kunwari ng kanyang mainit at malapot na dagta ay itinaas niya ang kanyang short, at ibinahagi ang malaking problema niya sa kanyang pagkalalaki — baluktot ang kanyang ari.
Read: How far can Gold Aceron go when it comes to daring scenes?
Isa si Gold sa limang bida sa DickTalk, na inspired ng episodic play ni Eve Ensler na The Vagina Monologues (1996).
Ang apat pang tampok sa DickTalk ay sina Jake Cuenca, Archie Adamos, Mikoy Morales, at ang transman na si Nil Nodalo.

(From left) Nil Nodalo, Gold Aceron, Jake Cuenca, Mikoy Morales, and Archie Adamos
Ang papel ni Jake ay 35-anyos na callboy na si Peter North Teves. Ang mga magulang niya ay namayagpag sa mga penekula noong 1980s sa mga huling taon ng rehimeng Marcos — sina Hardick Teves at Puquita Diaz.
Sa sukdulan ng patikim ni Jake, nakaharap siya sa audience at ibinaba niya ang kanyang pantalon. May suot siyang itim na underwear kaya hindi nag-hello ang kanyang kaluwalhatian.
Inurirat ko ang direktor ng dula na si Phil Noble kung sa sampung pagtatanghal ng DickTalk sa Abril 15-23 sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC, Makati City, ay may mga panggulat pa maliban sa butt exposure ni Gold noong gabi ng pagpapatikim.

Mahiwaga ang ngiti ni Direk Phil, “Meron po kaya lang masyadong malapit ang audience, medyo na-tense po ako. Gold, ikaw muna…”
Singit ni Jake, “You were the chosen one!”
Pagpapatuloy ni Direk Phil, “Meron, meron, meron. But hindi kasi madaling gawin. You know, you are in theater and you are telling a story.
“And maybe, you are presenting… yung isang story, presenting one individual in the audience whatever.
“So, ako bilang direktor, I am so careful about… We will do that. We will show things here. But we need to choreograph…
“Para akong nanay kay Gold kanina. Sabi niya, ‘Kailangan ko po ng face mask?’ ‘Anak, bakit kailangan mo ng face mask?’ ‘Magpaplaster po ako.’
“Sabi pa niya, ‘Ang gagawin po natin…’ Sabi ko, ‘Hindi! Huwag mo nang ipakita, gawin mo na lang!’ So, it’s like that.
“Poprotektahan mo ang artista mo, e. Although gusto mong ipakita yung puwet ni Gold, pero kailangan, in what… bakit? Bakit? Dahil… dahil nagdy*dy*k*l siya. Ganun.
“Ngayon ko lang po nasasabi nang totoo ang mga salitang ito. Nasanay na kami. Dahil nagdy*dy*k*l siya. Oo nga naman, bakit mo ipapakita ang ganyan, ganyan et cetera.
“And then, sabi niya, ‘I’m willing naman to do it.’ Sabi ko, ‘Oo, but I need to protect you. Because ayokong maka-offend ng audience. And at the same time, I don’t want to offend you as a person, as an individual.’”
GORGY RULA
Malapit sa audience ang entablado ng Dengco Theater. Napaka-intimate. Kaya understandable na nagplaster si Gold sa excerpt night.
Malaki iyong Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC. Magpaplaster ba muli roon si Gold sa batibot scene? O haharap siya nang buong igting at taginting?
“Ahhmm, sa ganyan, hindi ko pa alam yung mangyayari, kung ano ang hihingin ni Direk sa akin,” pahayag ni Gold.
“Pero ako, para mas mapaganda lang lahat, go ako kung ano yung sabihin ni Direk.”
Nakasalalay pala sa mga kamay ni Direk Phil kung mag-o-all the way si Gold o hindi?!
Napabungisngis si Direk Phil, “Kanina nga, plaster lang yung suot niya, e. Ha! Ha! Ha! Ahhmm, pagdating sa RCBC, kasi doon magiging kumpleto na ang elements.
“We have props, we have hand props, we have lights, and of course everything na kailangan sa eksena. And tulad nga ng sinabi ni Gold, game naman siya.
“Interview pa nga lang namin sa Zoom, aba’y ipapakita na niya?! Sabi ko, ‘Wait! Wait! Wait! Wait!’ Hindi ganyan ang usapan.
“Anyway, when we go to theater, ahhhmm… kung go si Gold, of course gagawin ko, why not? But going back to what I’m saying, I have to protect him not as Gold but as a human being na maraming nanonood.
“Puwede namang hindi siya magplaster dun whatever. I should do it artistically. I mean, with all the lights and everything.
“And it’s not only Gold.”
Ang DickTalk ay produced ng V-Roll Media Ventures at Trifecta Brand Lab. Ang concept creators ay sina Edwin Vinarao at Christian Clemente, at ang writers ay sina Ara Vicencio at Benj Cruz Garcia.
Ang tiket ay mabibili na sa Ticketworld, at nagkakahalaga ng P2,000 for Balcony, P2,500 for Lodge, P3,050 for Orchestra Side, at P3,650 for Orchestra Center.
NOEL FERRER
From The Vagina Monologues, dati’y may Penis Talks din na nagka-Part 2, tapos heto na ang DickTalk — a phallic fete that promises two hours of intellectual orgasms and experiential afterglows.
Nasa kamalayan na natin ang mga ganitong pagtatanghal, kasi pati dinner theater dati ay may ganito.
Ang aabangan natin ay hindi lang yung ano ang pisikal nilang ipapakita, kundi ano ang sinasabi ng play sa kahalagahan ng pagkalalaki.
I guess they are all up to the challenge kaya, when the DickTalk, will a lot of us listen? Harinawa!
