PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur Abrenica Vindicated in 2023 MMFF

Total gross ng 2023 Summer MMFF, hindi umabot ng P50 million?
by PEP Troika
Published Apr 18, 2023
aljur abrenica elijah canlas romnick sarmenta summer mmff
Maituturing na vindicated si Aljur Abrenica (kaliwa) dahil nominated siyang best supporting actor para sa Single Bells, gayong ang pumalit sa kanya sa Apag na si Coco Martin ay hindi na-nominate; parehong miyembro ng LGBTQ community ang ginampanang papel nina Elijah Canlas at Romnick Sarmenta (kanan) sa best picture winner na About Us But Not About Us.
PHOTO/S: Ermarc Baltazar / Sany Chua

JERRY OLEA

Ngayong Martes, Abril 18, 2023, ang huling araw ng 1st Summer Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bukas, Abril 19, ay mistulang may filmfest na naman sa pagbubukas ng pitong bagong pelikula sa local cinemas, kabilang ang The Super Mario Bros The Movie, AIR, Voltes V: Legacy, Adik Sa ‘Yo: Hinahanap-hanap Kita, The Pope’s Exorcist, One True Loves, at Ride On.

Ang ilang bagay-bagay na kumintal sa aking diwa kaugnay sa unang edisyon ng Summer MMFF…

Vindicated si Aljur Abrenica.

Nominado siyang best supporting actor para sa Single Bells. Nag-back out si Aljur sa Apag. Sinalo ni Coco Martin ang role na inayawan ni Aljur. Hindi nominado si Coco.

Read: Brillante Mendoza considers Coco Martin replacing Aljur Abrenica in Apag a blessing in disguise

Love wins sa 1st Summer MMFF Gabi ng Parangal.

Ang roles na ginampanan ng best actor (Romnick Sarmenta, About Us But Not About Us), best supporting actor (Keempee de Leon, Here Comes The Groom), best supporting actress (Kaladkaren, Here Comes The Groom), at Jury Prize (Elijah Canlas, About Us But Not About Us) ay pawang kasapi sa LGBT community.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

2023 summer mmff winners

Gladys Reyes, Romnick Sarmenta, and Kaladkaren

Humakot ng sampung awards ang About Us But Not About Us kung saan sa loob ng halos isa’t kalahating oras ay magkausap lamang habang magkaharap sa isang restaurant ang gay professor (Romnick Sarmenta) at queer student (Elijah Canlas).

Ang sumunod na may pinakamaraming award, ang Here Comes The Groom na nakaapat na tropeyo, ay bading na bading ang sensibilidad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tigdalawa ng awards ang Apag at Love You Long Time.

Ngangey ang Unravel: A Swiss Side Love Story, Yung Libro Sa Napanood Ko, Single Bells, at Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera.

Suwerte ba kay Kaladkaren ang pakikipaghalikan niya kay Miles Ocampo? Kung nakipaghalikan si Enchong Dee kay Tony Labrusca, siya kaya ang tanghaling best actor?

Read: 2023 Summer MMFF Gabi ng Parangal: Romnick Sarmenta and Gladys Reyes win top acting honors

Hindi naghalikan sina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas pero kapwa sila pinarangalan.

May bahid din ng kabadingan ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera kaugnay sa istorya ng kantang "Walang Kapalit." Tampok sa segment na iyon ang dalawang Machete, sina Gardo Versoza at Aljur Abrenica.

gardo vesoza aljur abrenica kahit maputi na ang buhok ko

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gardo Versoza and Aljur Abrenica

Sa dinami-dami ng artista sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera, ang na-nominate lang ay si Ariel Rivera bilang best supporting actor.

Apat sa walong pelikula ng 1st Summer MMFF ay tumalakay sa mental health or suicide.

Andiyan ang karakter ni Marcus sa About Us But Not About Us, na parehong ginampanan nina Romnick Sarmenta at Elijah Cruz.

Sina Gerald Anderson at Kylie Padilla sa Unravel: A Swiss Side Love Story na nagsyuting sa Switzerland kung saan legal ang Assisted Voluntary Death (AVD). Sa title pa lang, ayan na ang “Swiss Side.”

kylie padilla gerald anderson unravel

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kylie Padilla and Gerald Anderson

Si Lorna Tolentino sa Love You Long Time.

At si Epy Quizon sa likod ng kantang "Kung Kailangan Mo Ako" sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera.

Naabot ng 14-day MMFF 2022 ang target gross na P500M. Itong 11-day Summer MMFF, totoo bang hindi umabot sa P50M ang kabuuang kita?

Facebook shoutout ni Direk Roman Perez Jr. noong Abril 16, Linggo ng gabi, “E kung Babaan ang Bayad sa Sine? Manunuod kaya sila?”

Isa sa mga nagkomento roon si Direk Jason Paul Laxamana, “Cinema-going has lost its thrill. Pag pumapasok ako sa sinehan these days, napansin ko, hindi na ako as excited as before. Dati kasi, pag manonood ka ng sine, you expect to be transported to an alternate world with your fellow audience member.

“Pero dahil may streaming na, may iba nang way para makuha itong transporting experience, mas mura, mas may control ka (pause, rewind, etc), at the comfort of your own home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Cinemas/theatrically released movies should find ways to prove themselves na worthy sa cost na sinisingil sa mga tao.”

Susog ng scriptwriter na si Gina Marissa Tagasa, “Palagay ko po, talagang malaking factor ang singilan sa Cinemas. Sa streaming kasi sa mababang subscription fees, ilan na ang makakapanood. Competitive ba yung 300 plus sa sinehan? Just asking.

“Yan talaga ang reklamo ng iba — ang mahal na raw ng sine. Wala nang pang-Jollibee after ang midclass. Haay. Action plan?”

GORGY RULA

Huwag na natin asahang maglabas ng figures ang pamunuan ng Summer Metro Manila Film Festival, dahil hindi talaga maganda ang resulta.

Pero maganda pa ring natuloy ang naturang filmfest dahil ginagawan ng paraang mapalakas lalo ang ating local movie industry. Lahat na lang, ginagawan ng paraan para tuloy pa rin ang paggawa ng pelikula.

May ilang film producers akong nakausap at ang iba ay cool lang sa resulta ng Summer Metro Manila Film Festival. Aware silang hindi lang sa box office dapat umasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May iba pang platforms na puwede pa ang kanilang pelikula, para maibalik ang puhunan. Kaya kung meron pa raw susunod na filmfest, sasali pa rin sila.

May iba namang natakot na, at huwag naman daw sanang dumating ang araw na magsasara na ang mga sinehan.

Pero tuloy pa rin ang laban!

Sana, ituloy pa rin ang Summer Metro Manila Film Festival para makasanayan na ng mga tao na may mga magagandang local films silang mapapanood pagkatapos ng Semana Santa. Dati namang malakas ang playdate na ito.

Sisikapin na lang ng MMFF na maibalik ang dating sigla nito sa mga sinehan. Sana talaga.

NOEL FERRER

While talking to the stakeholders ng ating industriya, aminadong magandang event pa rin ang Sunmer MMFF para ma-promote at bigyan ng all-Filipino alternative content ang mga tao.

Kaiba sa December MMFF, magaganda ang naging pelikula at hindi ito ang usual franchise films.

The film producers have a lot to learn from the new standards set in comedy by Here Comes The Groom, drama by About Us And Not About Us and Unravel: A Swiss Side Love Story, at romcom/drama sa Love You Long Time at Yung Libro sa Nabasa Ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Even experimental films like Apag may be referred to as an accessible Brillante Mendoza film; Single Bells may be considered as Alex Gonzaga’s better film; and Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, a rare singing experience in the theater.

In terms of ticket sales, kailangan pang masanay ng mga taong manood ng mga pelikulang Filipino sa Summer MMFF. Apektado pa rin tayong lahat sa mataas na admission prices.

Katulad ng na post ni Atty. Joji Alonso sa kanyang FB, hindi ko alam kung ano pa ang impact kapag inilibre na thru the Amity Card ang Presidente, VP, at cabinet secretaries pati na lahat ng senador at congressmen sa panonood ng sine.

Sana, tumulong ang mga ito sa pagpapababa ng admission prices para matapatan naman natin ang mga monthly subscription fee ng mga streaming platforms.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maituturing na vindicated si Aljur Abrenica (kaliwa) dahil nominated siyang best supporting actor para sa Single Bells, gayong ang pumalit sa kanya sa Apag na si Coco Martin ay hindi na-nominate; parehong miyembro ng LGBTQ community ang ginampanang papel nina Elijah Canlas at Romnick Sarmenta (kanan) sa best picture winner na About Us But Not About Us.
PHOTO/S: Ermarc Baltazar / Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results