PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tabing Ilog cast members, may reunion sa iba't ibang proyekto

Kaye, nag-guest sa sitcom ni John Lloyd; Paolo, Patrick, at Kaye may movie.
by PEP Troika
Published Apr 21, 2023
tabing ilog cast
This 2023, fans of Tabing Ilog will be seeing the reunion of some its stars in different projects: John Lloyd Cruz (left, top) and Kaye Abad (left, bottom) will be reunited in the actor's Kapuso sitcom Happy ToGetHer; Paolo Contis and Patrick Garcia (right) will star with Kaye in a movie to be produced by Mavx Productions.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

GORGY RULA

Nakakatuwa ang bonding na ginagawa ngayon ng ilang cast ng dating ABS-CBN youth-oriented series na Tabing Ilog.

Nauna nang nag-bonding sina John Lloyd Cruz at Kaye Abad.

Nag-guest si Kaye sa sitcom ni Lloydie sa GMA-7 na Happy ToGetHer. Mapapanood ang episode na ito sa Mayo 7.

Natuwa ang ibang kasamahan nila sa Tabing Ilog kagaya ni Paolo Contis dahil matagal na raw nilang napag-usapang mag-reunion na sila.

Si Jodi Sta. Maria ang pinaka-busy sa kanila, kaya hindi pa nila inaasahang mabubuo silang lahat.

Pero exciting daw ang binubuong movie project ng Mavx Productions na pagsasamahan nina Paolo, Kaye, at Patrick Garcia.

Nag-usap-usap daw silang mas mabuting magkita muna sila, mag-catch up bilang paghahanda na rin sa kanilang pagsisimula ng trabaho. Nung kamakalawa lang ay nag-lunch sina Paolo at Patrick para bonding na rin at magkakumustuhan dahil sobrang tagal na raw nilang hindi nagkikita.

Ipinost ito ni Patrick Garcia sa kanyang Instagram account na may caption na “Filming soon!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpapasalamat sila sa Mavx dahil naisip nilang mag-reunion sila sa isang magandang movie project na ito. Hinihintay lang daw nila ang pagbabalik ni Kaye mula Cebu para mag-bonding daw sila uli.

Hindi pa nila maibigay ang detalye ng project. Wala pang title, pero gandang-ganda sila sa kuwento na kukunan ang karamihang eksena sa Patagonia, Chile.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Onay Sales ng pelikulang Doll House ang nagsulat nito at ididirek ni RC delos Reyes.

Nakatakda na silang mag-look test bago matapos ang buwang ito, at doon na raw nila mapa-finalize lahat.

NOEL FERRER

Maraming salamat sa mabait na producer ng Mavx Productions na si Lucky Blanco na hindi sumusuko sa pagtulong sa ating industriya.

Tinapos lang nila ang run ng Unravel: A Swiss Side Love Story at heto, gagawa na ulit sila ng mga pelikulang mahusay at maayos na nilang na program from one country to another.

Exciting ang pelikula nina Kaye Abad, Paolo Contis, at Patrick Garcia.

Alam ko, may magaganda silang proyektong naka-lineup sana sa isang sikat na singer, at meron pang isa para sa biggest star ng Kapuso network.

Kaabang-abang ang lahat ng ito lalo pa’t mabait at maayos kausap ang Mavx. Sana, kumita rin ang pelikulang ipapalabas nila this summer with Paolo Contis and Joross Gamboa na Pangarap Kong Oscars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Maging si Baron Geisler ay umaasam na magka-reunion project silang mga taga-Tabing Ilog. Ibang-iba na siyempre ang dynamics nila this time.

Oktubre 2003 nagtapos sa ere ang Tabing Ilog, kaya malapit nang magdalawang-dekada nang magtapos ang drama series ng magkakaibigang sina Eds, Badong, Rovic, Corrine, James, Fonzy, Anne, at George.

Si Caridad Sanchez na gumanap bilang lola ni Rovic ay magna-90 years old na sa Agosto 1.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This 2023, fans of Tabing Ilog will be seeing the reunion of some its stars in different projects: John Lloyd Cruz (left, top) and Kaye Abad (left, bottom) will be reunited in the actor's Kapuso sitcom Happy ToGetHer; Paolo Contis and Patrick Garcia (right) will star with Kaye in a movie to be produced by Mavx Productions.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results