PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA-7 sitcom nina Bong Revilla at Beauty Gonzalez, kasado na

Excited magpatawa si Beauty!
by PEP Troika
Published Apr 22, 2023
Max Collins
Bong Revilla
Beauty Gonzalez
Naka-schedule nang magsimula next week ang taping para sa GMA-7 sitcom na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na pinagbibidahan nina (L-R) Max Collins, Bong Revilla at Beauty Gonzalez, at marami pang iba.

GORGY RULA

Nakatakda nang mag-taping next week ang bagong sitcom ng GMA-7 na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Napabalita na ring si Beauty Gonzalez ang gaganap na si Gloria, ang matapang na Bisayang misis ni Tolome (karakter ni Sen. Bong).

Nabanggit na dati ni Beauty na sobrang tuwa niya nang siya ang napiling gaganap na matapang na misis ni Sen. Bong dahil, "iso-showcase ko pagka-Bisaya ko."

Nagkaroon ito ng story conference ngayong araw ng Sabado, April 22, na ginanap sa rest house ni Sen. Bong sa Cabangaan sa Silang, Cavite.

Dumalo sina Beauty, Max Collins, at ang magka-love team na sina Kate Valdez at Kelvin Miranda.

Dumating din ang ibang cast na sina Ronnie Ricketts, Niño Muhlach, Maey Bautista, bagong Sparkle talent na si Angel Leighton, at ang Little John ng Voltes V: Legacy na si Raphael Landicho.

Nag-Facebook live sandali si Sen. Bong nang magsimula ang storycon at doon pa lang ay nagpa-sample na si Beauty na nagbi-Bisayang tinatalakan si Tolome.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Beauty Gonzalez 
Bong Revilla

Feel na feel na ni Beauty ang role niya rito kung saan ina-ander niya ang asawa niyang pulis.

Mas excited si Sen. Bong dahil babalik siya uli sa telebisyon pagkatapos ng successful two seasons ng Agimat ng Agila.

“Eto, makaka-act uli tayo sa harap ng kamera, at makikita nila ulit si Bong Revilla sa telebisyon,” pakli ni Bong nang magpa-lunch siya sa ilang miyembro ng entertainment press bago mag-Semana Santa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang tantiya nila ay sa June ang airing nito at balak nila sa Linggo ng gabi ang timeslot.

NOEL FERRER

Suportado ni Congresswoman Lani Mercado ang sitcom na ito ni Sen. Bong.

Nakadalawang pelikula rin sila nitong Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na parehong box-office hit.

Si Cong. Lani ang matapang na misis sa original movie version, kaya tinanong siya ng ilang press kung pina-approve pa ba sa kanya ang gaganap na misis para sa sitcom.

“Ang GMA naman ang mag-a-approve, hindi ako. Basta go lang nang go. I support the projects of Bong Revilla.”

May maipapayo ba siya kay Beauty na gaganap na misis sa sitcom na ito?

“Mahusay na leading man si Sen. Bong. Tapatan na lang niya ang galing. Collaboration naman iyan, e. Basta pag ano, talagang team effort naman ang success ng isang show.

“Sana, suportahan natin,” pahayag ni Lani.

Sana, kapag ok na ang sitcom na ito, pelikula naman na ulit… hindi lang kay Senator Bong pero pati kay Cong. Lani din na napakagaling sa My Other Woman. Sana soon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Meron kayang showbiz celebrity na peg ni Beauty sa kanyang role? That we have to find out.

Beautiful ang ratings ng mga TV program ni Beauty, kaya lagi siyang nabibigyan ng assignment. Magaan at propesyonal siyang katrabaho.

Naikukumpara tuloy sa kanya ang ibang aktres.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naka-schedule nang magsimula next week ang taping para sa GMA-7 sitcom na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na pinagbibidahan nina (L-R) Max Collins, Bong Revilla at Beauty Gonzalez, at marami pang iba.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results