PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diaz Disapproves Wives in Contest

“Di dapat, Universe na lang, huwag nang Miss. Kasi, hindi na Miss yon, di ba?”
by PEP Troika
Published May 1, 2023
gloria diaz miss universe
Gloria Diaz: "My personal opinion — which is not to be taken in the negative way — dapat may sarili silang contest. May Mrs. Universe, may Lesbian Universe, may Tranny Universe. There is room for so much. Oo, mga category na ganoon, ganyan. Tapos, kasi even sa Mrs. Universe, andaming magaganda diyan na nanganak na. OK lang yon!”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Welcome na ang mga nanay at may-asawa sa 72nd Miss Universe na gaganapin sa Disyembre sa El Salvador.

Ano ang masasabi rito ng unang Pinay Miss Universe na si Gloria Diaz?

“Di dapat, Universe na lang, huwag nang Miss. Kasi, hindi na Miss yon, di ba?” sabi ng 72-anyos na si Miss Gloria sa storycon ng pelikulang Lola Magdalena nitong Abril 30, 2023, Linggo, sa Max’s restaurant, Sct. Tuason St., Quezon City.

“Dapat ‘Universe’! Hindi, I think they even include transvestites. Siyempre, going with the times, no?

“Pero my personal opinion — which is not to be taken in the negative way — dapat may sarili silang contest. May Mrs. Universe, may Lesbian Universe, may Tranny Universe.

“There is room for so much. Oo, mga category na ganoon, ganyan. Tapos, kasi even sa Mrs. Universe, andaming magaganda diyan na nanganak na. OK lang yon!”

Pakiwari ni Miss Gloria, nag-umpisa ang malalaking pagbabago sa Miss Universe nang imungkahi na puwede nang maging Miss Universe ang 28-anyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Before 2016 ay 18-26 years old dapat ang mga kandidata.

“Kasi actually, pag 28 ka na, dapat may career ka na, hindi ba? Dapat mga… like during my time, from 17 or 18 hanggang 23, ikaw na ang pinakamatanda,” lahad ni Miss Gloria.

“In fact noon, pag may 23 years old, sasabihin nila, ‘And the oldest candidate, 23 years old…’ Ganyan, no? Bukod-tanging ikaw ang pinakamatanda.

“Pero ngayon, nakaka-28 na yata, puwede pa rin, e. It’s hard. It’s a very new idea na sa akin… not very acceptable.”

Dapat talaga, bukod ang timpalak para sa mga misis, may-asawa, diborsyada, nanay, buntis, lesbian, bisexual, o transgender?

“Dapat kanya-kanya! O sige, di at least it gives people more chances, di ba?” sambit ni Miss Gloria.

“Kasi, you’re representing this country. E, kung may mas magandang babae, o mas magandang tranny… mas mahirap kalaban ang tranny.

“Kasi I’ve been a judge sa Super Sireyna. Ang gaganda talaga nila! At talagang palaban! Kaya nilang magsirku-sirko diyan, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa sigurado si Gloria kung makakadalo sa Miss Universe Philippines 2023 na gaganapin sa Mayo 13 sa SM Mall of Asia. Baka kasi may shooting pa siya ng pelikulang Lola Magdalena sa Bulakan, Bulacan.

Bida si Gloria bilang 70-anyos na si Dalena Lola Magdalena. Kung araw, albularyo at manghuhula si Dalena sa harap ng simbahan. Kung gabi, siya ay prosti.

Gaganap bilang kapwa pokpok niya sina Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran, at Sunshine Cruz.

Kasama rin sa cast sina Angel Guardian, Carlo San Juan, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Harlene Bautista, Dorothy Gilmore, at Joonee Gamboa.

Ang direktor ay si Joel Lamangan. Ang scriptwriter ay si Dennis Evangelista. At ang executive producer ay si Amelia OJA Zuniga ng Hiro Hito Film Production.

JERRY OLEA

Pinayagang sumali ang mga transgender woman sa Miss Universe noong 2012. Sa 2018 edition ng Miss U, openly transgender ang kinatawan ng Spain na si Angela Ponce.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang naramdaman niya noon na meron na ngang transgender woman sa Miss Universe?

“Ahhh… parang it’s not… hindi kuwan… hindi too acceptable sa akin,” pag-amin ni Miss Gloria.

“Kasi dapat may sarili silang contest. Not that I’m ostracizing them, but they’re good in some things, e. Kung sa talent portion lang, e, the regular Miss Universe does not really have talent, di ba?”

And for the record, hindi homophobic si Miss Gloria.

“Love! Love ko sila!”

Sa Miss U 2019, ang kandidata ng Myanmar na si Swe Zin Htet ang unang openly lesbian woman na lumaban sa timpalak.

Noong 2021, ang kinatawan ng Pilipinas na si Beatrice Gomez ang unang openly bisexual (and LGBT) contestant na nakapasok sa Miss Universe semifinals.

Pahayag pa ni Miss Gloria, “Hindi ba ngayon ang isyu, yung transvestite kuno na athlete, sasali sa competition ng babae? Di ba, that’s a big issue ngayon?

“Parang you can never be, you can never be. You’ll always be stronger. So, siya nga ang nanalo sa swimming. Hindi ba that’s all over the internet na it’s unfair?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang lakas niya, at ang wingspan, ang laki! And then it’s very uncomfortable being in the dressing room with them, di ba? Yon.”

NOEL FERRER

Kailangan yata tayong lahat ay sumailalim sa reorientation sa mga usaping ganito. Itong mga pagbabago na ganito ay reflective ng mas dynamic at nagbabagong pananaw ng mga tao tungkol sa kasarian at sekswalidad.

May discomfort or may pagkagulat o sa iba, may pag-aalangan o pagiging asiwa pa, pero kailangan lang ng kabukasan ng isip at ang pagiging inclusive — which goes beyond the snappy quips and colorful punchlines.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gloria Diaz: "My personal opinion — which is not to be taken in the negative way — dapat may sarili silang contest. May Mrs. Universe, may Lesbian Universe, may Tranny Universe. There is room for so much. Oo, mga category na ganoon, ganyan. Tapos, kasi even sa Mrs. Universe, andaming magaganda diyan na nanganak na. OK lang yon!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results