GORGY RULA
Medyo kabado ako sa Face 2 Face ni Karla Estrada na nagsimula sa TV5 nitong Lunes, Mayo 1, 2023.
Read: Karla Estrada, "nahasa" na sa Face 2 Face dahil kay Daniel Padilla at iba pang mga anak
Hindi maiwasang maikumpara ito sa unang Face to Face ni Tyang Amy Perez, at kahit ang kay Gelli de Belen na mas maingay, mas buhay na buhay.
Read: Amy Perez, tinanggihang mag-host muli ng Face To Face sa TV5?
Malayo ito sa Face 2 Face ni Karla na parang hindi ka magkakainteres sa kasong pinag-usapan: tumawad sa panindang bilasa na raw.
Mas interesting pa rin kung relasyon ang pinag-aawayan. Yung puwede kang maka-relate sa mga taong involved.
Nakukulangan pa ako kay Karla. Parang kulang siya sa konek sa mga taong involved sa kasong pinag-uusapan. Nahahalata pa minsang nagpi-feed sa kanya ang writer.
Okay si Alex Calleja na co-host niya. Ang bilis ng utak niya dahil siguro magaling siyang magsulat.
Swak din ang kanilang Trio Tagapayo na sina Atty. Lorna Kapunan, Jun “Dr. Love” Banaag, at Dr. Camille Garcia. Balanse silang magbigay ng payo, at nakikita mong alam na alam nila ang kanilang sinasabi.
Sana, mas interesting pang kaso ang kanilang talakayin para mas nakaka-relate ang mga manonood.
Kapansin-pansin ding kulang pa ito sa commercial loads. Totoo bang hindi type ng mga advertisers ang ganitong format ng show?
Nakapagtala ng 1.3% ang rating ng pilot episode ng Face 2 Face nung Lunes.
Pagkatapos ng Face 2 Face ay diretso na sa It’s Showtime. Excited silang lahat na nalipat sila sa 12:00 noon na timeslot at head on na ang tapatan sa Eat Bulaga!.
Read: It's Showtime, balik-alas dose matapos magpaalam sa ere ang Tropang LOL
Medyo bumaba ang viewership nung araw na yun.
Naka-6.9% ang Eat Bulaga!, samantalang 3% naman ang combined ratings ng It’s Showtime na nasa bagong timeslot.
JERRY OLEA
Bahagya ring bumaba ang ratings ng mga panghapong programa ng GMA-7.. Maaring nasa bakasyon pa ang mga tao o nasa labas pa sila.
Ang Abot Kamay na Pangarap ay 9.4%. Sumunod ang Arabella na 9.1%, at ang Underage na nasa finale week na ay 7.6%.
Pagkatapos ng mga afternoon drama, sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na naka-4.8%. Bumaba sa 2.7% ang Game of Outlaws.
Pagdating ng Family Feud ay naka-7.5% ito.
Pagdating sa primetime, naka-15.6% ang 24 Oras. Ang Frontline sa TV5 ay 1%, at ang combined ratings ng TV Patrol ay 3%.
Ang Mga Lihim ni Urduja na nasa finale week na ay naka-10.4%, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 11.4%.
NOEL FERRER
Ang sabi, nasa TV pa rin ang key audience ngayon at far second ang mga social media /digital platforms.
Pero nasaan ang audience? I bet nasa bakasyon.
Does this mean television content is not compelling enough para dito magbabad ang mga tao ngayon?
Good that we continue offering new alternatives. That means new work for people.
Pero magandang pag-aralan, with these new numbers, TV pa rin ba ang medium ng info at entertainment ng mga Pinoy ngayon? Ano sa tingin ninyo?
