GORGY RULA
Isa sa nakakatuwang pinapanood namin ngayon sa TikTok ay ang mga post sa performance nina Sarah Geronimo at Billy Crawford sa nakaraang 2023 FIBA Basketball World Cup Draw na ginanap sa Araneta Coliseum noong Sabado, Abril 29, 2023
World-class ang performance ng dalawa na kahit ang taga-ibang bansa ay manghang-mangha sa kanilang production number.
Kapansin-pansin lang ang "Tala" number ni Sarah na ibang-iba ang version pati ang choreography.
Aba! Hindi na pala ang G-Force ang back-up dancers ni Sarah, at naintriga kami nang slight dahil iniba ang steps ng "Tala." Hindi na yung sikat na dance steps na ang tagal ding nag-viral.
Maganda naman ang bagong version, pero siyempre, hindi na namin nasasabayan ang bagong dance steps nito.
Lalo kaming nagduda dahil yung ilang taga-Viva na napagtanungan namin, ayaw sumagot kung bakit hindi na ang sikat na G-Force ang back-up dancers ni Sarah.
Totoo bang may tampuhan ngayon kina Sarah at Teacher Georcelle?
Gusto ko nang i-text si Teacher Georcelle kung ano ba talaga ang totoo. Kaya lang, hindi naman kami ganoon katsika kaya medyo takot pa akong magtanong.
Pero may nauulinigan kaming isyu sa dalawa. May alam ba kayo, mga ka-Troiks?
NOEL FERRER
Hindi ko alam kung tampuhan ngang masasabi yun pero work-related naman, ayon sa napagtanungan natin.
Gusto sana ni Sarah na maraming iba’t ibang dancers to fill up the Araneta Coliseum stage na ang laking space din kasi. Parang that didn’t sit well daw kay Teacher Georcelle.
So it was Teacher Georcelle's decision to pull out G-Force and herself from the concert totally.
That means lang daw na Sarah cannot use any of the G-Force dance steps sa concert. So, Sarah has to learn a different choreography for her signature fast songs.
Nalungkot ako sa falling out na ito ng sanggang dikit na magkaibigang Sarah at Georcelle.
Sana, sa trabaho lang ito, at maging ok pa rin sila sa personal dahil alam kong ang lalim na ng kanilang pinagsamahan.
JERRY OLEA
Sold-out ang 20th anniversary concert ni Sarah Geronimo, na gaganapin sa Mayo 12, Biyernes ng gabi, sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.
Magkatuwang sa pagdidirek nito sina Paolo Valenciano at Sarah Geronimo.
Nanabik ang Popsters kay Sarah G, kaya inaasahan na ang concert na ito ay isang “monumental evening.”
Sakaling may “misunderstanding” professionally sina Sarah at Teacher Georcelle, harinawang maayos pa rin sila personally.
Nagtatanong ang mga tao… kanino ba talaga ang rights ng dance steps? Nasa choreographer ba o sa Viva na siyang nag-commission at nagbayad sa choreographer sa trabaho niyang yun?
