Kumpirmado na ang pagtatapos ng TV5 noontime show na Tropang LOL. pagkatapos ng dalawang taon at anim na buwan sa ere.
Kinumpirma ito mismo ng isa sa main host ng show na si Billy Crawford matapos niyang mamaalam at magpasalamat sa kanyang mga co-host.
Sa Instagram ni Billy nitong Linggo, April 16, 2023, ibinahagi niya ang kuha nilang litrato matapos i-shoot ang huli nilang episode.
Kalakip nito ang kanyang pasasalamat at pagbabalik-tanaw sa samahang nabuo nila sa programa.
Ayon sa TV host-singer, malaking bagay na nagkaroon ng Tropang LOL dahil nagbukas ito ng oportunidad sa maraming taong nawalan ng trabaho noong pandemya.
Mababasa sa kanyang caption (published as is): “Super fun while it lasted!
"This show gave so many opportunities to people who had lost their jobs at a vulnerable time.
"2.5 years ain’t that bad, especially during the pandemic season and a time of uncertainty in our industry."
Pinasalamatan din ni Billy ang Tropang LOL head producer na si Bacolod City Mayor Albee Benitez sa pagbibigay nito sa kanya ng maituturing niyang pangalawang pamilya.
“[Albee Benitez,] thank you for giving us this venue to work for our families while having fun and being free, and also opening doors for others.
"I will miss the atmosphere of this show because it was so genuinely light, friendly, uplifting for everyone, and each person on the team worked so hard.
"No drama, no divas, no pulling anyone down. Walang naka-angat, at walang nagmamaliit.”
Read: Tropang LOL, tumaas ang rating sa bago nitong timeslot
Magtapos man ang kanilang programa, naniniwala si Billy na gagawa at gagawa ng paraan ang Diyos para muli silang pagsama-samahin at ituloy ang kanilang nasimulan.
Saad niya, “I just pray that, one day, God will be able to give us a new home to continue what we have started.
"But Father, Your will be done in Jesus’s name. No matter what happens, the relationship built on this show will be cherished forever.
"Lots of tears on the last day of taping, but also lots of freaking laughter cause that’s just who we are."
Sa huli, buong pusong nagpasalamat ang Danse avec les stars champion sa lahat ng tumutok, nagmahal, at sumabaybay sa Tropang LOL mula umpisa.
Aniya, "Thank you to everyone who watched and supported us since the beginning.
"To all my co-workers, it's not goodbye, it's see you soon. Love you all, Tropang LOL."
Noong October 2020 nagsimulang umere sa national television ang Tropang LOL.
Bukod kay Billy, kasama rin niyang host sina Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, KC Montero, Jeff Tam, Laboching, at JD Axie.
Read: Bayani Agbayani, thankful at no regrets sa pagpaalam ng Tropang LOL
Una nang iniulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong March 23, 2023, ang nababalitang pagsasara ng TV5 noontime show.
Read: Tropang LOL, magpapaalam na sa ere sa April 29 — sources
Ayon sa scoop na nakuha ng PEP.ph, sa April 29, 2023 ang huling telecast ng Tropang LOL sa TV5 at A2Z.
Read: Tropang LOL, posibleng ilipat sa ibang network pagkatapos ng last airing nito sa TV5
Papalitan ito ng Face 2 Face na iho-host naman ni Karla Estrada.
Read: Amy Perez, tinanggihang mag-host muli ng Face To Face sa TV5?
