PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maja Salvador, Tipid Sa Detalye Sa Kasal

Maja, busy sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Rambo sa July.
Published May 9, 2023
maja salvador vic sotto 24/7 presscon
Maja Salvador co-stars with Vic Sotto in the upcoming comedy series 24/7.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Tuwing weekend ay umaalis daw si Maja Salvador para ayusin ang mga dapat ayusin para sa nalalapit na kasal nila ni Rambo Nuñez.

Hanggang doon pa rin lang ang puwedeng maibahagi ni Maja dahil mas gusto niyang pribado na ito, at pakiusap ng aktres na ibigay na lang daw muna ito sa kanila.

Read: Maja Salvador at Rambo Nuñez, kumpirmadong ikakasal sa July 2023

“Na-share ko naman sa July,” nakangiti niyang pahayag.

Yung iba ay surprise na raw.

“Every weekend, iyon yung lilipad-lipad. May mga kailangang ayusin. Nag-fitting fitting, sa ano…

“Siyempre, once ka lang ikakasal, gusto ko maayos,” matipid na sagot ni Maja nang sandali naming nakatsikahan sa mediacon ng bagong sitcom nila ni Vic Sotto sa GMA-7 na Open 24/7 kahapon, May 8, 2023.

Sinundan namin ng tanong tungkol sa sinasabi niyang "lilipad-lipad," pero nagpa-cute na lang ng sagot ang aktres.

Binanggit naman ni Rambo sa nakaraang interviews na destination wedding daw ito. Pero hindi nila sinagot kung sa isang isla sa Pilipinas o sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi niya sinagot kung sino ang gumawa ng wedding gown, at pati sa entourage.

Sinabi naman ni Vic Sotto na magni-ninong siya kaya napa-oo na lang si Maja. Pero wala na siyang idinagdag na pangalang magni-ninong at magni-ninang o ilan pang bahagi ng entourage.

JERRY OLEA

Nilinaw na rin ni Maja na matagal na raw inalok at napag-usapan itong Open 24/7 at ang isa pa niyang game show sa TV5 na Emojination.

Ang Eat Bulaga! ang isinakripisyo niya para magkaroon siya ng sapat na panahon sa paghahanda sa kanyang kasal. Daily kasi ang Eat Bulaga!.

Pero pagkatapos ng wedding, malay natin, baka balik-Dabarkads siya sa Eat Bulaga!.

“Matagal na ito. Nauna na ito, even nung nagkita tayo…. a few days magkikita tayo ulit sa mediacon ng Emojination.

“Matagal na to. Yung Emojination, in-offer sa akin six months ago, last year pa. And then, itong M-Zet nung January pa.

“Pero first quarter pa, ma-check nyo naman sa Instagram ko lagi ako lumilipad-lipad kung saan saan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Iyon din… since mag-start na yung Emojination, yung 24/7… kailangan ko munang may isang mag… oo,” saad niya na kailangang i-let go niya muna ang Eat Bulaga!.

NOEL FERRER

Bukod sa Open 24/7, at Emojination, may bali-balitang may gagawin din daw siyang series sa Kapamilya network. Pero wala pang sagot diyan si Maja.

Natatawa na lang daw siya sa titulong ibinibigay sa kanya na "Queen of All Networks."

“Siguro thankful lang. Kung meron mang nakakatuwa, at least may freedom na… parang lahat, may collaborations na.

“May networks, like yung ABS and GMA, may mga collaborations na. So, at least magandang advantage din yun sa mga artista na nangangailangan din ng mga trabaho.

“At the end of the day, nagtutulungan.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador co-stars with Vic Sotto in the upcoming comedy series 24/7.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results