PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan bought by Prime Video for $2M?

Mga Kaibigan ni Mama Susan, mas pasok kesa sa ilang entries sa MMFF 2022.
by PEP Troika
Published May 12, 2023
mga kaibigan ni mama susan premiere
Regal Entertainment Inc. CEO Roselle Monteverde (left) wih Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan director Chito Rono (in blue) and cast members Joshua Garcia, Jewel Phiona, and Melissa Mendez during the movie's red-carpet premiere.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ewan kung agree ka sa akin, Sir Noel Ferrer, na mas pasok itong horror film na Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan sa Metro Manila Film Festival 2022 nung December.

Kung ikumpara sa ilang nakapasok sa walong pelikulang kalahok, may laban naman itong entry ng Regal Entertainment, Inc. at obra ni Direk Chito Roño.

Kung nagkataon, baka naging mahigpit na kalaban nito ang best picture winner at topgrosser na Deleter, dahil gusto talaga ng mga tao ang mga nakakapanghilakbot na pelikula.

Pero nag-decide ang CEO ng Regal na si Ms. Roselle Monteverde na ibigay ang Mga Kaibigan ni Mama Susan sa Prime Video, kaya hindi na mapapanood sa mga sinehan.

Medyo nanghinayang lang ako dahil mas maganda sana talaga ito kapag sa sinehan mo ito mapapanood.

Hindi naman lahat ng mga tahanan ay may mini-theater para mas ma-feel ang mga nakakatakot na eksena. Kaya iba talaga kapag nasa wide screen mapapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sabi nga ni Roselle, iba na ang gusto ng mga tao ngayon. Parang mas gusto nilang sa kanilang tahanan na lang sila manood at easy access ka, sabi naman ng bida ng pelikula na si Joshua Garcia.

Ani Roselle, “Nagbago na rin ang panahon after ng pandemya. Marami nang mga hobbies ang mga tao.

“After the pandemic, parang mas gusto na lang nila ng mag-stay sa bahay. And during the pandemic, naging malakas talaga ang digital format.

“Kaya nasa isip ko rin… ang audience kasi nito, mas malawak. Hindi lang siya sa Pilipinas mapapanood. Kaya naisip din namin na mas nakakabuti dito sa pelikula namin na mapanood din sa ibang bansa.”

Natawa si Roselle nang tinanong siyang baka totoo ang sabi-sabing binili ito ng Amazon Prime sa halagang US$2M.

Aminado si Ms. Roselle na mas mahal ang pagkakabili ng Prime Video kung hindi pa naipalalabas sa mga sinehan.

Umayon si Joshua sa mga pahayag ni Ms. Roselle. Parang mas gusto nga raw ng mga tao ngayon na sa bahay na lang nila sila manood ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tulad nga ng sinabi ni Ms. Roselle, ang laki na ng ipinagbago ng mga tao pagkatapos ng pandemic.

“Hindi na sila masyado nasa sine. Mas gusto nila sa platform tulad ng Amazon Prime. Siguro… easy access din kasi.

"Kahit nasa bahay ka, i-open mo lang yung TV o iPad mo, nandun, mapapanood mo na yung mga gusto mong pelikula.

“Dito with Prime Video, malaki rin ang pasasalamat ko kasi dito ipapalabas, tapos maraming makakapanood,” pahayag ni Joshua.

May panghihinayang si Direk Chito na hindi ito naipalabas sa mga sinehan. Pero mabuti na rin daw na hindi ito naipalabas sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Ani Direk Chito, “Well, pasalamat ako na hindi siya lumabas in the last two festivals.

“Although, totoo ka, nanghihinayang ako dahil hindi siya napanood sa big screen…. parang masaya din ako kung ipalabas siya sa big screen kasi hindi na masyado maano… maano yung mga tao. Hindi ko alam.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala naman akong say kung saan siya sa ipapalabas. Si Ma’am Roselle yan lahat.”

Kasama ni Joshua sa Mga Kaibigan ni Mama Susan si Angie Ferro na magaling bilang si Mama Susan. Kabilang din sa cast sina Kelvin Miranda, Melissa Mendez, Ricky Davao, Mon Confiado, Patrick Quiroz, Miko Gallardo, Jewel Phiona Raymundo, Ynigo Delen, at Soliman Cruz.

NOEL FERRER

Deleter nga ang naging kapanabayan ng pelikulang ito ni Direk Chito Roño.

Last four slots at isa na lang na horror ang pipiliin, at Deleter nga ang napili — na siya namang naging Best Picture at MMFF 2022 topgrosser.

Hindi na sinubmit ang Mga Kaibigan ni Mama Susan sa unang Summer Film Festival ng Regal.

Mother Lily and Roselle know best kung saang platform mas magiging successful ito. Katulad na rin ng nabalitaan nating plano nilang buhayin ang Shake, Rattle & Roll franchise Version 2023… aabangan natin ito!!!

JERRY OLEA

Kaabang-abang din sa Prime Video ang simula Hunyo 1 ang crime-thriller series na Cattleya Killer na pinagbibidahan ni 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor Arjo Atayde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang unang local series collaboration ng Prime Video at ABS-CBN na patuloy na nagsusulong sa talento ng Pilipino pati na ng kuwentong Pinoy sa buong mundo.

cattleya killer

Bukod kay Arjo, tampok sa six-episode series ng ABS-CBN International Production at Nathan Studios sina Jake Cuenca, Zsa Zsa Padilla, Jane Oineza, Ria Atayde, Ricky Davao, Nonie Buencamino, at Christopher de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We're excited to continue pushing the boundaries and to deliver world-class entertainment made by the best Filipino talents,” ani David Simonsen, director ng Prime Video Southeast Asia.

“We believe with its gripping storyline, dynamic characters, and stunning performances, Cattleya Killer will keep our audiences at the edge of their seats.”

Batay sa 1996 film na Sa Aking Mga Kamay ang Cattleya Killer sa direksiyon ni Dan Villegas, habang isinulat naman ni Dodo Dayao ang script.

Babalikan ng serye si Joven de la Rosa (Christopher de Leon), ang pulis na nakalutas sa kaso ng Cattleya Killer na ngayon ay NBI deputy director na.

christopher de leon cattleya killer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa mga top agent ng NBI ang anak ni Joven na si Anton (Arjo Atayde), habang ang panganay niyang si Benjie (Jake Cuenca) ay namamahala ng isang foundation para sa mga kababaihang nakaranas ng trauma.

Muli silang mumultuhin ng nakaraan matapos may isang bangkay ng babaeng natagpuan na may bulaklak ng Cattleya sa mukha na istilo ng ‘Cattleya’ serial killer na si Gene Rivera (karakter ni Aga Muhlach sa pelikulang Sa Aking Mga Kamay) na gumawa ng maraming karumal-dumal na pagpaslang sa Maynila 20 taon na ang nakalipas.

Available ang Prime Video sa bansa sa halagang P149/month.

Bukod sa Cattleya Killer, pwede ring i-stream sa Prime Video ang iba pang pelikulang Pilipino at serye tulad ng Ten Little Mistresses, Deleter, Family Matters, at Walang KaParis.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regal Entertainment Inc. CEO Roselle Monteverde (left) wih Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan director Chito Rono (in blue) and cast members Joshua Garcia, Jewel Phiona, and Melissa Mendez during the movie's red-carpet premiere.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results