PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kelvin Miranda Reunites with Kate and Beauty

Beauty Gonzalez, gaganap na ate ni Kelvin Miranda sa sitcom.
by PEP Troika
Published May 12, 2023
kelvin miranda pep
Kelvin Miranda on taping for the upcoming sitcom Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis: “Magaan lang ang taping. Hindi naman siya masyadong mabigat, kahit na maraming sequences. Natatapos namin na walang mainit yung ulo… lahat smooth lang.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ang saya ni Kelvin Miranda nang nakatsikahan namin sa birthday party ng veteran entertainment journalist na si Aster Amoyo na ginanap sa The City Club sa Makati nung Martes, Mayo 10, 2023.

Ang isa sa ikinatuwa niya ay ang pagpapatuloy ng tandem nila ni Kate Valdez sa bagong sitcom ng GMA-7 na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Maganda ang resulta ng KateVin tandem nila sa Unica Hija, kaya kinuha sila ulit sa sitcom na ito nina Senator Bong Revilla at Beauty Gonzalez.

Read: GMA-7 sitcom nina Bong Revilla at Beauty Gonzalez, kasado na

“Nabigyan nga po kami ng bagong opportunity na magtatambal kami ulit. So, mas madali na and, at the same time, kailangan naming pag-aralan kung papano namin madi-develop yung panibagong timpla… kung gusto ba ng masa.

“Kasi iba yung natapos namin na show, e. So, kailangan mag-create kayo ulit ng another noise para sa sitcom,” pakli ni Kelvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero excited din siya sa sitcom na ito dahil first time niyang makakatrabaho si Senator Bong.

“Siyempre, excited ako at natutuwa ko dahil makakasama ko sina Senator. Siya po kasi ang first time kong maka-work dun,” saad ni Kelvin.

Doon daw niya lalong hinangaan si Senator Bong dahil nakita raw niya kung gaano ito ka-professional sa trabaho.

“Si Senator Bong po kasi very manly na tahimik lang. Pero bungisngis po siya, e. Very professional po si Senator, Bong which isa po yun sa hinahangaan ko sa kanya kasi, pagdating sa work, work talaga siya,” sabi pa ni Kelvin.

JERRY OLEA

Natawa si Kelvin dahil kasama niya rin sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis si Beauty Gonzalez na love interest niya sa Kapuso teledramang Loving Miss Bridgette, pati na sa pelikulang After All na kinunan sa Bolinao, Pangasinan. Pareho iyong idinirek ni Adolf Alix Jr.

Dito sa Walang Matigas na Pulis Sa Matinik na Misis ay ate niya si Beauty.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang sarap maging bata, e…” makahulugan niyang ngiti.

“Inaasar ko kasi siya. So, pag nagkikita kami, tinatawag ko kasi siya na ‘ate.’ So, parang inaasar-asar ko lang.

“Okay naman kami. Masaya dahil parang reunion project na hindi naman as lovers. Hindi naman siya ganun kahirap.

“Meron pa po kaming pelikula, yung After All. This year na po siya ilalabas e,” saad ni Kelvin.

Bukod kina Bong, Beauty, Kate, at Kevin, kasama rin sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sina Max Collins, Carmi Martin, Niño Muhlach, Mae Bautista, Raphael Landicho, Angel Leighton, at Archie Alemania.

NOEL FERRER

Ngayong Biyernes, Mayo 12, ang pictorial nila.

Sabi ni Kelvin, makikita naman daw sa sitcom na ito kung gaano na sila ka-close. Kaagad na nagkakasundo raw silang lahat.

“Parang magkakabarkada po kami sa set. Lalo na yung mga kasama namin mahilig sa food. So, pag kumakain magsama-sama. Tapos mga biruan, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Magaan lang ang taping. Hindi naman siya masyadong mabigat, kahit na maraming sequences. Natatapos namin na walang mainit yung ulo… lahat smooth lang,” sabi pa ni Kelvin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda on taping for the upcoming sitcom Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis: “Magaan lang ang taping. Hindi naman siya masyadong mabigat, kahit na maraming sequences. Natatapos namin na walang mainit yung ulo… lahat smooth lang.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results