GORGY RULA
May ilang eksena ang pelikulang Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan na mapapatili ka dahil sa gulat factor nito. Iba pa rin talaga ang touch ni Direk Chito Roño pagdating sa horror film.
Read: Joshua Garcia, bida sa comeback movie ni Direk Chito Roño
Pero ang isang nagpatili sa fans pati sa kabadingan ay ang eksenang hinubad ni Joshua Garcia ang suot niyang T-shirt.
Wala namang abs na ipapakita si Joshua, pero ang lakas ng dating nito. Ang kinis ng balat, at may pa-kilikili reveal pa siya.
“Naku! Baka mawalan na ako ng career nito,” parang naaalangang pakli ni Joshua nang hiningan siya ng reaksiyon sa pa-topless niya.
Wala naman daw problema sa kanya ang eksenang yun dahil kailangan naman sa kuwento. Kaya hindi naman kailangang pilitin pa siya ni Direk Chito Roño.
“Hindi naman niya ako pinilit. Parang ginawa ko na lang siya kasi kailangan din yun.
“Takbuhan na kami nun, pawisan na kami, and kahit wala akong katawan na maipapakita…
“Kasi parang 2019 pa nun, ilang taon ako nun, 22 o 21? Parang ganun. Bagets-bagets pa ako nun, sarap kumain pa that time kasi,” sabi ni Joshua.
Simula Mayo 18, Huwebes, ay mag-i-streaming na ang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan sa Prime Video.
JERRY OLEA
First time ni Joshua na maidirek ni Chito Roño.
Magaling siya sa Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, pati ang ang gumaganap na si Mama Susan na si Angie Ferro.
Saad ni Direk Chito, “Gusto ko lang i-inform sa lahat. I think first time kami gumawa ng movie na parang found object siya [Joshua].
“Kasi if you read the novel, ang nobela hindi tapos. Nagtapos ang nobela, nung natsugi na siya. Dun natapos ang diary.
“Pero dito sa movie, binigyan namin ng konting ending pa. Sa nobela kasi… it ended with him reading the Latin, version of the book… always notebook na isinulat. Dun lang siya nagtapos.
“Nakakakilabot kasi ang dami mong palaisipan. Pero dito sa aming version of Mama Susan, Bob Ong’s version of Mama Susan, siya ang nagbigay ng ending talaga. May definite ending na siya.
“Sabi ko kasi, parang bitin yung novel.”
NOEL FERRER
Okey na simula itong Mama Susan na collab nina Joshua at Direk Chito. Pero sana, mabigyan pa sila ng muling pagkakataon para magkatrabaho dahil I’m sure marami pang puwedeng ibigay si Joshua bilang aktor at marami pa siyang matututunan sa master director na si Chito Roño.
Sana, panoorin ng mga tao at mag-number one din sa Prime Video ang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.
