GORGY RULA
Nagsisimula nang mag-training si Ruru Madrid ng pagmo-motor sa California Superbike School Philippines. Sinamahan pa siya roon ng girlfriend niyang si Bianca Umali.
Paghahanda ito ng "Kapuso Primetime Prince" para sa Kapuso action-drama series na Black Rider.
Tipid pa ang sagot ni Ruru tungkol dito nang nakapanayam namin siya noong Martes, Mayo 16, 2023, sa contract signing niya sa Goldshine Pharmaceuticals, Inc. bilang brand ambassador ng Jimm’s 3 in 1 Coffee.
Sabi ni Ruru, mas mabuting abangan na lang ang official announcement ng GMA Public Affairs.
Pero nabanggit na ito ni Matteo Guidicelli sa mediacon niya bilang hudyat ng pagbabalik niya sa GMA-7 noong nakaraang linggo, kaya napapangiti na lang si Ruru.
Sabi ni Ruru, sobrang tuwa niya nang sinabi sa kanyang magkasama sila ni Matteo sa action-drama series na ito.
“Actually, nagulat po ako na nagsabi na po si Mr. Matteo Guidicelli regarding po the project. Sinabi na po sa akin na makakasama ko siya sa isang proyekto.
“It’s an honor po for me, dahil siyempre, napapanood ko siya, simula nung nasa iba pa po siyang network. Ngayon na nasa Kapuso network na siya, very excited to work with him.
“I know kung gaano rin siya ka-passionate. Sobrang tinitingala ko rin siya when it comes sa mga nagawa po niya sa buhay.
“Like for example, nag-scout ranger siya. He’s doing a lot of things na ako, bilang tao, pangarap ko ring gawin yung mga ganung bagay.
"So, for sure, hindi lang basta katrabaho ang magiging dynamics namin dito, kundi hopefully sana maging maging kaibigan ko po talaga siya,” pahayag ni Ruru.
Kapag nabuo na ang casting ng Black Rider, sisimulan na ang taping sa susunod na buwan, at baka bandang October ang airing nito sa GMA Telebabad.
JERRY OLEA
Panibagong challenge na naman ito kay Ruru, matapos makilala siya bilang Lolong.
“Every project naman po na ipinagkakatiwala sa akin, challenge po siya e. Grabe po yung pressure na nararamdaman ko sa bawat proyekto na ipinagkakatiwa nila,” pahayag ni Ruru.
“Pero sabi ko nga, kung aksyon talaga, nangingibabaw yung excitement ko, e, kesa dun sa pressure, sa kaba. Kasi, ito yung pangarap ko. Kaya sobrang ini-enjoy ko at minamahal ko talaga.”
NOEL FERRER
Tuluy-tuloy ang pag-a-action ni Ruru, dahil pagkatapos ng Black Rider ay ikakasa na rin ang part two ng Lolong.
Hindi makakalimutan ni Ruru ang Lolong dahil ang laki ng nagawa nito sa kanyang showbiz career.
“Alam ko kasi na karamihan na gagawin ko is puro action po talaga. So, the moment na sinabi sa akin yung Lolong, naging lifestyle na siya for me.
“Like, dapat hindi nawawala sa akin yung mga trainings when it comes to mixed martial arts, at kung ano pa yung mga skills na gusto kong matutunan dahil, this is actually my dream na gumawa ng mga action na teleserye.
“Ayoko ko pong biguin ang tiwala ng mga tao sa akin. So, gusto ko pong patunayan sa kanila na deserving po ako sa bawat project na binibigay po nila sa akin,” saad ni Ruru.
We wish Ruru all the best! He deserves it!!!
