PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilbert Ross Rebrands, Stops Undressing

Wilbert Ross, nakuha sa wholesome project dahil sa 'Boy Bastos.'
by PEP Troika
Published May 19, 2023
wilbert ross ang lalaki sa likod ng profile
Wilbert Ross on his rebranding: “Eto, per Viva Artist Agency, so ito na po yung start ng rebranding ko. More on romance-comedy na po ako, rom-com. Galing na po sa kanila, e, na parang… hindi ako sure, ha… pero parang hindi na ako magse-sexy talaga.”
PHOTO/S: Puregold

JERRY OLEA

Bida si Wilbert Ross sa digital series na Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile, katambal ang Tiktok superstar na si Yukii Takahashi.

Labintatlong (13) episode ang serye, at mapapanood ang ikalimang episode nito sa Mayo 20, 202, Sabado ng 7:00 p.m., sa Puregold Channel sa YouTube.

“Walang sexy ito kahit konti,” sabi ni Wilbert sa mediacon nitong Mayo 18, Huwebes, sa World Trade Center, Gil Puyat Ave., Pasay City.

Naghubad at nakipagharutan si Wilbert sa Vivamax projects niyang Boy Bastos, 5 in 1, High (School) On Sex, at Stalkers.

Dito sa Puregold series ay nag-topless lang siya sa eksenang nagbibihis.

“Nakakatawa, nakuha ako ng Puregold because of Boy Bastos talaga,” pagtatapat ni Wilbert.

“Kasi napanood ni Direk Chris Cahilig [producer] at ni Miss Ivy ng Puregold, na marketing, na… napanood nila yung Boy Bastos at tawang-tawa sila sa akin.

“Kaya as in way, way back pa ito, e. Matagal na nila akong miniting. Tapos ayun, kinuha nila ako because of that. Kaya sobrang thankful ko sa Boy Bastos at sa Vivamax dahil sa opportunity, na-launch ako sa project na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wilbert Ross accepts "bold star" tag despite flaws in his body

Ang nagdirek ng comedy movie na Boy Bastos ay si Victor Villanueva, na siya ring direktor ng Ang Lalaki Sa Likod ng Profile.

Co-stars nina Wilbert at Yukii sa bagong retailtInment offering ng Puregold sina Kat Galang, Migs Almendras, Marissa Sanchez, Anjo Resurrecion, Moi Morcampo, Star Orjaliza, at TJ Valderrama.

Ang kanilang mediacon ay isa sa mga highlight ng unang araw ng Tindahan ni Aling Puring Sari-sari Store Negosyo Convention, na tatagal hanggang Mayo 20, Sabado.

ang lalaki sa likod ng profile

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Yuki Takahashi and Wilbert Ross

NOEL FERRER

Wholesome na si Wilbert sa digital series ng Puregold. Magbi-Vivamax pa rin ba siya?

“Eto, per Viva Artist Agency, so ito na po yung start ng rebranding ko,” pagbabalita ni Wilbert.

“More on romance-comedy na po ako, rom-com. Galing na po sa kanila, e, na parang… hindi ako sure, ha… pero parang hindi na ako magse-sexy talaga.”

Mas gusto niya iyon?

“Opo naman talaga.”

Kaibigan ko rin ang isa sa mga stars ng Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile na si Migs Almendras. Alam kong bilang taong teatro sa Ateneo, marami pa siyang maibibigay bilang aktor.

Sana, nakahanap din siya ng komunidad at support group sa team ni Direk Chris Cahilig. Mukhang tight naman silang lahat.

Good luck sa streaming project na ito!

GORGY RULA

Kinanta ni Wilbert sa mediacon ang theme song ng Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile titled "Sasabihin Ko Na," na siya mismo ang nagsulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinulat ko siya nung second day na nagte-taping kami noon… Bigla ko lang siyang naisip,” kuwento ni Wilbert.

“Bigla ko siyang nagawa, and then saktung-sakto, hindi pa nagagawa iyong Episode 7 pataas na script.

“Tapos parang sinabi ko kay Direk na, ‘Direk, baka puwede itong ilagay sa scene na ito.’ Nailagay naman.

“Ayun, sobrang happy ako. And sobrang involved ko din, I think, dito sa series na ito na may mga parts ng series na ito na talagang sobrang collab kami ni Direk.

“Nagtatanong si Direk Victor sa akin kung paano, ano ang magandang gawing eksena ganyan-ganyan.”

Swak na swak ang working relationship nila ni Direk Victor noon pa man sa pelikulang Boy Bastos.

“Kaya parang gusto kong maglagay na parang ano, e… parang impression na pag si Victor Villanueva at si Wilbert Ross, e, nagsama, it’s gonna be good!” bulalas ni Wilbert.

“Parang ganun. Kaya pag nagsama kami, talagang open na open kami sa isa’t isa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wilbert Ross on his rebranding: “Eto, per Viva Artist Agency, so ito na po yung start ng rebranding ko. More on romance-comedy na po ako, rom-com. Galing na po sa kanila, e, na parang… hindi ako sure, ha… pero parang hindi na ako magse-sexy talaga.”
PHOTO/S: Puregold
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results