GORGY RULA
Naging kampante si Max Collins na pag-usapan ang tungkol sa kanila ng asawa niyang si Pancho Magno nang nakatsikahan siya ng PEP Troika bago nagsimula ang mediacon ng bagong action-comedy series ng GMA-7, ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, na ginanap sa Seda Hotel, noong Biyernes, May 26, 2023.
Read: Max Collins on important marital lesson she learned: "Be brave enough to fight for what you want."
Naalangan kaming kumustahin si Max bilang misis dahil matagal nang pinag-uusapan ang tungkol sa diumano’y hiwalayan nila ni Pancho. Kaya kinumusta muna namin ang pagiging mommy ng napakaguwapo nilang anak na si Skye.
Pahayag ni Max, “It’s very difficult but fulfilling. I think, lahat naman ng nanay na nagtatrabaho, yun ang masasabi nila.
"It’s very fulfilling being a mother, but at the same time difficult, because siyempre yung anak mo ang laging nasa isip mo.
“You’re always worried, thinking about your child, but at the same time, I like having both worlds, e. Being able to get out of showbiz, and be a mom, and be a simple person.
"And then at the same time, when it’s time to work, I can have playing this character. So, I enjoy juggling both worlds."
Hindi man idinetalye ni Max ang tungkol sa kanila ni Pancho, pero masaya raw sila sa set-up nila ngayon kung saan ay co-parenting sila para kay Skye.
“We’re very okay. You know, we’re super okay… eto na, eto na,” napapangiting sagot ni Max dahil naramdaman niyang mapupunta na sa kanila ni Pancho ang usapan.
“I’m super happy. I’m super at peace. We are very good.
"We’re very good, and we have such a bright son, who is also very happy.
“And I know that Pancho is very happy as well.
"So, I think we’re both in a good place right now. That’s important."
Naiintindihan na raw ng kanilang anak ang sitwasyong ito kaya masaya sila sa ganitong set-up.
Saad ng Kapuso actress, “I think, sa ngayon pa lang, naintindihan na niya. Because he seems to have no problem with it, with our situation.
“So, I’m happy that he’s happy and we’re all good.”
Gumaganap si Max bilang Elize sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, na pinagbibidahan nila nina Senator Bong Revilla at Beauty Gonzalez.
Magsisimula itong umere sa June 4, Lunes ng 7:50 ng gabi, sa GMA-7.
noel FERRER
Sabi pa ni Max, hindi naman siya ang tipong ilalahad sa publiko ang nangyayari sa kanyang personal na isyu. Ang mahalaga raw ay masaya ang kanilang anak, at hindi sila nagkulang bilang magulang ni Skye.
“Yeah! You don’t need to know the nitty-gritty things. But to be honest, we are all very happy and there’s really nothing bad about it, what we have now as a family.
“Happy ako. Very happy right now where I am in my life, because I’m not really ahh… I don’t like people telling about my personal life so much. I’m more of a private person.
"But when it comes to work, I like being active, I love to work, I love my job as an actress.
“So, now that I’m getting older, parang marami akong pinagdaanan sa buhay, at it makes me more confident, I guess, as a person in my acting capabilities,” pahayag ni Max.
The good thing with Max is that she can continue honing her craft dahil nakitaan na siya ng husay sa pag arte!
All the best, Max!!!
JERRY OLEA
Naulinigan agad natin noon ang marital problems nina Max at Pancho, pero hindi na natin inukilkil. Inasam natin what’s best for both of them, pati na sa kanilang anak.
Sa launch ng AQ Prime Stream noong Hunyo 4, 2022 sa Conrad Hotel ay pinagbigyan ako ni Max sa interbyu, at bilang respeto ay hindi ko pinush noon ang mga ganoong isyu.
Read: Max Collins, sasabak sa action sa pelikula niya para sa AQ Prime
Kumusta kamo ang love life niya ngayon? Basta, happy naman daw ang puso niya.
Pagdating sa mga personal na isyu ay mas gusto niyang mananatili itong pribado.
“Yes, I am happy where I am now," pakli ni Max.
"I feel like I’ve matured a lot in everything that I’ve been through, and I feel like I’ve become a better mom and a better person.
"And I feel like being quiet about my personal issues, it has helped me more, because it allows people to focus more on my work, my body of work as opposed to my issues as a person.”
