PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kate Valdez, inaming nanliligaw sa kanya si Yasser Marta

Kate Valdez at Yasser Marta, nasa getting-to-know-each-other stage pa lang daw.
by PEP Troika
Published May 28, 2023
kate valdez yasser marta
Kate Valdez on being courted by Yasser Marta: “Okay naman. Kahit papano kasi, he’s consistent. So, yun lang ang masasabi ko. He’s consistent, mabait, yun. Kasi, hindi mo naman makilala yung tao agad agad, di ba,for a very short time... So, yun. We’re just taking our time, and take it slow.”

GORGY RULA

Sa nakaraang mediacon ng bagong action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, nagkaroon kami ng pagkakataong matanong si Kate Valdez kung sila na ba ni Yasser Marta.

Nakangiti siyang sinagot kaming nanliligaw pa lang daw ito sa kanya.

“Yeah! He’s courting,” pakli ni Kate.

Pinayagan naman daw siya ng kanyang mga magulang na tumanggap ng manliligaw kaya nag-e-entertain na siya ng mga manliligaw.

“Since, like I said po, my door is open, so we’re getting to know each other, ganyan.”

Naalala pa naming magkasama sila ni Yasser na dumalo sa debut ni Jillian Ward nung February 2023, at tinanong ko pa noon ang Kapuso hunk kung sila na ba ni Kate.

Mabilis ang sagot sa aming hindi raw.

“Friends pa kami nun,” bulalas ni Kate.

Sinundan namin siya ng tanong kung saang level na ngayon ang panliligaw ni Yasser. Puwede na bang sabihing "exclusively dating" na sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Kate, “To be honest, nakaka-confuse yung word na date. Pero, kasi mas traditional ako. So, pupunta po ako sa word na ligaw. So, getting to know each other.”

Nakikita naman daw niya kay Yasser na seryoso ito sa kanyang panliligaw. Hindi pa niya masasabing sasagutin na niya ito.

“Okay naman. Kahit papano kasi, he’s consistent. So, yun lang ang masasabi ko. He’s consistent, mabait, yun.

“Kasi, hindi mo naman makilala yung tao agad agad, di ba,for a very short time.

"And now, busy sa taping. So, yun. We’re just taking our time and taking it slow,” saad ng Kapuso actress.

NOEL FERRER

Si Yasser lang daw ang pursigido sa panliligaw, pero bukas daw si Kate sa ibang gustong manligaw.

“My door is open. Wala pa namang, so far, nangungulit pang iba. He’s consistent,” sabi ni Kate.

Pero si Kelvin Miranda ang inila-love team sa kanya. Tinanggap ng mga fans ang tandem nila sa Unica Hija, at sinundan ito ngayon ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Open kaya siya sa posibilidad na ma-develop si Kelvin sa kanya at ligawan siya?

Sabi ni Kate, “Well, eto po yung trabaho namin. So, we have to balance our personal and yung work. Mga actor kami and we know what we’re doing.

“For now, I can say na we’re really good friends. Really, really good friends.”

JERRY OLEA

Sa totoo lang, may pressure naman daw talaga sa mga magka-love team, sabi ni Kate, dahil may emotions na involved. Kaya hindi malayong magkadebelopan.

“To be honest po, nakaka-pressure," pag-amin ni Kate.

"Kasi, siyempre tao lang naman din po tayo. Hindi maiwasan na mahulog sa katrabaho mo, kasi you’re both giving… lagi kayong may emotional na eksena.

“Siyempre, pag love team, may mga intimate scenes and lagi kayong magkausap. So, parang… sinong hindi, like sa mga marurupok, di ba, sa mga taong hindi kayang i-handle ang mga emotions nila.

"So, I think… opo, nakaka-pressure. Pero kung masaya ka naman sa ginagawa mo, okay lang.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Masaya naman daw siya sa love team nila ni Kelvin, lalo na’t ang gaan daw katrabaho ng Kapuso actor.

“Ako, natutuwa ako sa tandem namin ni Kelvin. Kasi, marami. Marami talaga ang nagkakagusto sa teamwork namin.

"And may mga gumagawa na ng... pinagku-combine na yung name namin,” sambit pa ng Kapuso actress.

Kagaya ng KateVin na meron na rin silang grupo ng fans.

“Opo, yun po! Matagal din naman akong nagka-partner sa ibang mga Kapuso actors natin. And this is the second time na mas marami talagang, kumbaga, nagkakagusto sa tandem namin,” pakli ni Kate.

Light naman daw sila dito sa sitcom. At least, hindi raw sila dramang-drama rito. Ang saya lang daw lagi nila sa set.

Pahayag naman ni Kelvin, “Nakakatuwa kasi nabigyan kami ng panibagong opportunity na magtatambal kami uli.

“So, mas madali na, at the same time, kailangan naming pag-aralan kung papano namin madi-develop yung panibagong timpla na magustuhan ulit ng masa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, iba yung natapos naming show, e. Kailangang mag-create kayo ulit ng panibagong noise para sa team niyo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kate Valdez on being courted by Yasser Marta: “Okay naman. Kahit papano kasi, he’s consistent. So, yun lang ang masasabi ko. He’s consistent, mabait, yun. Kasi, hindi mo naman makilala yung tao agad agad, di ba,for a very short time... So, yun. We’re just taking our time, and take it slow.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results