PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis: LJ Reyes Deserves Joy

Paolo Contis, may maikling mensahe sa engagement ni LJ Reyes.
by PEP Troika
Published May 30, 2023
paolo contis lj reyes engagement
Kinulit ng PEP Troika si Paolo Contis tungkol sa engagement ng kanyang ex-partner na si LJ Reyes sa non-showbiz boyfriend nitong si Philip Evangelista. Nagbigay naman siya ng maikling pahayag.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @lj_reyes on Instagram

GORGY RULA

Deadma si Paolo Contis sa mga tawag at pangungulit sa kanya ng ilang kaibigang entertainment press para hingan ng pahayag tungkol sa engagement ng kanyang ex-partner na si LJ Reyes.

Read: LJ Reyes now engaged to non-showbiz boyfriend Philip Evangelista

Ayaw pang magsalita ng Kapuso actor. Nag-iingat siya para hindi mabuhay ang regular bashers niya.

Pero hindi nakaiwas si Paolo nang naabutan namin siya nang dumalaw sa manager niyang si Lolit Solis na nagpapa-dialysis sa FEU Hospital sa Quezon City, ngayong Martes ng tanghali, May 30, 2023.

paolo contis lolit solis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit katakut-takot na kantiyaw ang inabot ni Paolo sa amin, ayaw pa rin niyang magsalita.

Dumalaw lang daw siya sa kanyang Nanay Lolit dahil hindi niya ito napuntahan nung nakaraang birthday nito. Baka isipin pa raw na humingi muna siya ng payo kung ano ang dapat gawin.

“Ano naman ang sasabihin ni Paolo? Makikisawsaw pa ba siya diyan!” tili naman ni Manay Lolit.

Pero naging seryoso si Paolo nang sabihin niyang ang mahalaga ay masaya ang dating karelasyon.

“Masaya ako for her. Kasi, deserve niya maging masaya,” pahayag ni Paolo tungkol kay LJ.

Sabi ni Manay Lolit, nakikita naman daw niyang masaya si Paolo para kay LJ. Pero mas masaya raw siya kapag makikita na ni Paolo ang anak niya kay LJ na si Summer.

Sana, madalaw na raw niya ito sa New York, at pati na rin ang mga anak niya kay Lian Paz na sina Xonia at Xalene sa Cebu.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Paolo Contis on estranged daughters: "My biggest fear… is for them to actually hate me."

Para hindi na namin makulit pa si Paolo, nagpaalam na siyang umalis dahil kailangan na raw siya sa shooting niya na nasa Fairview lang ang location.

Tinatapos nina Paolo, Kaye Abad, at Patrick Garcia ang mga eksena nila rito sa Maynila. Wala pa pala silang napagkasunduang title sa pelikulang ito.

Read: Patrick Garcia, nakumbinsing magbalik sa pag-arte dahil kina Kaye Abad at Paolo Contis

paolo kaye patrick

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago nila kukunan ang mga natitirang eksena sa ibang bansa, tatapusin daw muna ni Paolo ang promo ng pelikula nila ni Joross Gamboa na Ang Pangarap Kong Oskars, na magsu-showing na sa June 28.

NOEL FERRER

Tama ang posisyon ni Paolo Contis.

Since pareho na silang nasa good place ng dating partner at nanay ng anak niya na si LJ Reyes, sana there is greater understanding and goodwill sa estado nila—and forgiveness na rinat tumutok na sila sa co-parenting duties.

Lagi ring nandiyan ang showbiz na maghihintay sa kanila dahil magagaling naman silang artista, so sana end of issue at everybody happy na lang!

JERRY OLEA

Agosto 19, 2021 pa nag-streaming sa Netflix ang pelikulang A Faraway Land nina Paolo Contis at Yen Santos.

Noong araw na iyon umugong ang paghihiwalay nina LJ at Paolo.

Sa January 30, 2023 episode ng Fast Talk With Boy Abunda, inamin ni Paolo na girlfriend na niya si Yen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Paolo Contis finally admits relationship with Yen Santos; denies Yen as cause of his breakup with LJ Reyes

Ngayong engaged na si LJ, magugulat pa ba tayo o magtataka sakaling dumalo sina Yen at Paolo na magkasama sa isang showbiz event?

Siyanga pala, kasabay ng Ang Pangarap Kong Oskars na magsu-showing sa Hunyo 28 ang Indiana Jones and the Dial of Destiny na pinagbibidahan ng 80-anyos na si Harrison Ford.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinulit ng PEP Troika si Paolo Contis tungkol sa engagement ng kanyang ex-partner na si LJ Reyes sa non-showbiz boyfriend nitong si Philip Evangelista. Nagbigay naman siya ng maikling pahayag.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @lj_reyes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results