PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu at Padre Pio Church During Illness

Kim Chiu, nagbigay ng maikling pahayag tungkol sa pagpapaalam ng TVJ sa TAPE.
by PEP Troika
Published Jun 1, 2023
kim chiu sister lakam
Kim Chiu on TVJ's departure from TAPE, Inc.: “Change is nandiyan na talaga yan, e. Parang hindi naman natin mababago yan. And yung high respect ng bawat isa sa TVJ is really there. Kahit saan man sila mapunta o kung ano man, susuportahan at susuportahan. Walang taong hindi nakakakilala sa kanila. Sobrang taas ng respeto natin sa kanila.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Matagal na palang devotee ni Padre Pio, Francesco Forgione o Saint Pio of Pietrelcina, si Kim Chiu.

Ito ang ibinahagi ni Kim nang inilunsad siya bilang brand ambassador ng Sisters Sanitary Napkins nung Miyerkules, Mayo 31, 2023, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Sandali naming nakatsikahan si Kim bago siya umalis ng Luxent.

Kinumusta namin ang kanyang kapatid na si Lakam na matagal ding na-hospitalize. Sabi ni Kim, sa dasal lang talaga siya kumapit.

Read: Kim Chiu appeals for prayers for sister Lakam’s recovery

Pahayag niya, “Totoo talagang Padre Pio, isa talaga siyang miracle. Another miracle sa buhay ko na nangyari talaga.

“Ah yun! Hindi ko na talaga alam gagawin ko. Akala ko, wala na ganun. Natakot talaga ako.”

Halos buong araw raw siya sa Padre Pio chapel sa Libis, Quezon City, para ipanalangin ang kanyang kapatid.

“Wala! Blangko! Nagkasakit pa ako. Hindi ko na alam kung ano na nangyari. Ang baba-baba na ng energy ko. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tambay na lang talaga ako sa Padre Pio church dun sa Libis. Wala, dun na lang ako buong araw,” dagdag niyang pahayag.

Dahil sa dasal, parang himala raw ang paggaling ng kanyang kapatid. Parang walang nangyari lang daw na balik sa dati, at punung-puno na raw ito ng energy.

“Sobrang okay! Parang birthday! Happy birthday! Mag enjoy ka, ganyan. So, God is really good sa lahat,” sabi ni Kim.

JERRY OLEA

Sobrang mahalaga kay Kim ang kanyang Ate Lakam, at ang natutunan niya sa nangyari ay dapat na pangalagaan talaga ang inyong kalusugan.

“Oo naman! We’ve been with each other side by side. Siya ang nasa harapan ko, parang ganun. Siya talaga yung lakas ko left and right, ang ate ko.

“Kaya nung nangyari yun, snap lang talaga e. Kaya kayo, alagaan niyo yung health niyo. Pag alam niyo na pagod na kayo…. talagang nag-advise pa ako. Pero pag pagod na kayo, matulog na kayo.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi raw nagpabaya ang boyfriend ni Kim na si Xian Lim nung panahong yun na madalas ay nagbabantay siya sa hospital.

“Lagi siya sa hospital kasama ko. And then, after niya mag-taping kasama ko…andun naman siya palagi,” sey ni Kim.

NOEL FERRER

Bilang isa sa main hosts ng It’s Showtime, maingat si Kim sa kanyang mga sagot nang hiningan siya ng reaksiyon sa pagpapaalam nina Tito, Vic & Joey sa TAPE, Inc. sa Eat Bulaga! kahapon, May 31.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

“Change is nandiyan na talaga yan, e. Parang hindi naman natin mababago yan. And yung high respect ng bawat isa sa TVJ is really there.

“Kahit saan man sila mapunta o kung ano man, susuportahan at susuportahan. Walang taong hindi nakakakilala sa kanila. Sobrang taas ng respeto natin sa kanila,” pahayag ni Kim.

May usap-usapang lilipat ito sa TV5, na wala pang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa It’s Showtime sakaling magkakaroon na ng noontime show ang TVJ sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan, maliban sa TV5 ay palabas din ang It’s Showtime sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.

Saad ni Kim, “So, kung ano yung decision nila and whatever is happening sa base nila, it’s for them. But for us, we just have to keep on supporting kung saan man sila mapunta.

“And, that’s what they need also, their support. Lahat naman tayong mga artista, kailangan natin ng suportahan talaga. Hindi tayo maghihilahan pababa.

“We have to push forward. Lalo na sa mundo ng change. Of course, yung respeto natin, nandun talaga. Sila talaga yun.”

Ang cute lang ni Kim, may goodwill siya sa Eat Bulaga! team kahit na taga-Showtime siya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on TVJ's departure from TAPE, Inc.: “Change is nandiyan na talaga yan, e. Parang hindi naman natin mababago yan. And yung high respect ng bawat isa sa TVJ is really there. Kahit saan man sila mapunta o kung ano man, susuportahan at susuportahan. Walang taong hindi nakakakilala sa kanila. Sobrang taas ng respeto natin sa kanila.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results