GORGY RULA
Pagkatapos magsalita sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ng pagbibitiw nila sa TAPE, Inc. bilang main hosts ng Eat Bulaga!, sinundan ito ng resignation ng lahat na co-hosts na nandoon sa APT Studios nitong Mayo 31, 2023.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
Isinumite nila ang kanilang letter of resignation kay Mr. Romeo Jalosjos Jr., ang President at CEO ng Television and Production Exponents, Inc.
Pinirmahan ito nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, at Maine Mendoza.

Bukod sa Dabarkads, nag-resign na rin ang mga production staff ng Eat Bulaga!—mula sa writers, researchers, cameramen, production assistants, at pati sa Sales.
Wala pa kaming ideya kung may mga nakuha na silang staff o kung merong nagpaiwan at tinanggap ang alok ng TAPE, Inc.
Pero ang latest pang nasagap ng PEP Troika, Sparkle artists ang kinakausap ng TAPE para mag-host sa show na iniwanan ng Dabarkads.
Wala pa namang may nagkumpirma, pero ang ilan sa mga pangalang kinakausap umano ay sina Gabbi Garcia, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Archie Alemania, at magkakapatid na Mavy at Cassy Legaspi.
Pero may nagsa-suggest daw na magandang lineup daw na kasama ni Archie sina Paolo Contis at Joross Gamboa.
Tinanong ko naman si Paolo, wala pa raw siyang alam, at wala naman daw kumausap sa kanya.
Natanong kaya si Sir Noel tungkol kay Joross?
Sa ngayon ay replay episodes muna ang ipinapalabas ng Eat Bulaga!. Pero nagmamadali na raw ang taga-TAPE na mag-live ang bagong lineup ng hosts, gamit pa rin ang titulong Eat Bulaga!.
JERRY OLEA
Marso 1 nang i-blind item natin dito sa PEP Troika na magkakaroon ng major-major na pagbabago ang isang long-running show dahil sa pag-alis ng isang well-loved personality.
Read: Long-running show, magkakaroon ng malaking pagbabago sa pag-alis ng isang well-loved personality
Nahinuha natin ang mga pasabog na kaganapan sa Eat Bulaga!, at ngayong Hunyo 1, makalipas ang tatlong buwan… bali-balitang inaayos na raw ng TV5 ang studio nila sa Reliance St., Mandaluyong City para sa show ng TVJ.
Ang ilang shows ng Kapatid Network ay inililipat na raw sa studio nila sa Novaliches para pagbibigay-daan sa magiging programa ng TVJ.
Ang lumulutang na title na gagamitin para sa kanilang magiging show ay Dabarkads. Kaya sa ilang socmed posts daw ng mga dabarkads ay gamit ang #Dabarkads.
NOEL FERRER
Ang daming nagtatanong sa akin ngayon tungkol sa kumalat sa social media na resignation letter ng mga Eat Bulaga! hosts and even the possibility of having any of my talents in whatever program.
Namamangha pa rin ako kung papaano sa gitna ng gulo at kawalan ng kasiguraduhan, malinaw ang pagkatig natin sa kahusayan, kabutihan, katotohanan, respeto at pamilya.
These events reveal true character.
