GORGY RULA
Nung kainitan ng isyu ng Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TAPE, Inc., consistent na nagri-rate ang Eat Bulaga! ng 6.8% hanggang 7.5%, at minsan ay umaakyat pa ito sa 7.8%.
Ang It’s Showtime ay mahigit 2% lang ang rating.
Pero nung nagpaalam ang TVJ nung May 31, 2023, at replay na ang kasunod na mga episodes, bumagsak ang rating nito sa 5.5% hanggang 5.2%.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
Sa kabilang banda, umakyat naman ang rating ng It’s Showtime ng mahigit 3%.
Tinutukan nung Lunes, June 5, ang pagbabalik-live ng Eat Bulaga! kung saan ay ipinakilala na ang mga bagong host.
Read: Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar are the new 'Eat Bulaga!' hosts
Kung ibabase sa pag-trending nito sa Twitter at sa napakaraming komento at bashing ng netizens, akala mo ay nanood ang televiewers mula Aparri hanggang Jolo.
Pero hindi naman pala dahil nahil na-retain lang nito ang rating na 5.2%. Ang It’s Showtime ay naka-3.2% naman.
Ang katapat nilang old movie sa AllFlix ng ALLTV ay nakapuntos ng 0.1%.
So, walang nabago.
Okay na ito sa pagsisimula ng bagong format at hosts ng Eat Bulaga!. Ini-expect na rin naman daw ito ng mga host at ng TAPE dahil nagsisimula pa lang sila at bahagi na ito ng panganganay nila.
Huwag na lang sana bumaba pa, dahil dito rin bumabase ang advertisers. Kahit nga sa ad placements ay halatang nabawasan ito at hindi na yung dating napakahaba ng commercial break.
Pinaghandaan na rin naman ito ng mga taga-TAPE.
Samantala, narito ang rating ng ilan pang programa sa hapon pagkatapos ng Eat Bulaga! noong Lunes...
Ang Abot Kamay na Pangarap ay naka-10.8%. Naka-10.1% naman ang AraBella, at ang sumunod na The Seed of Love ay naka-7.5%.
Naka-5.6% naman ang masayang tsikahan nina Kuya Boy Abunda at Gardo Versoza sa Fast Talk With Boy Abunda.
Ang Game of Outlaws ay naka-3.5%, at naka-9.7% naman ang Family Feud na nasa huling linggo na bago mag-season break.
JERRY OLEA
Noong Linggo, June 4, naman ay nanguna sa primetime ng GMA-7 ang bagong action-comedy series ni Senator Bong Revilla na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.
Nakapagtala ito ng 12.3%.
Mas mataas ito sa GMA-7 rating ng Kapuso Mo, Jessica Soho na 12.1%. Pero ang aggregated ratings ng KMJS ay 14.5%.
Tuwang-tuwa si Senator Bong nang nakausap ng PEP Troika dahil nasulit daw ang lahat ng pagod nila sa taping ng pilot episode nito. Matindi kasi ang mga action scenes na ginawa nila na parang pampelikula.
Read: Bong Revilla at Max Collins, kinabog ang MMFF sa paandar na parada
Sabi ni Senator Bong, ito ang kaibahan nila sa ibang sitcom.
Ang All-Out Sundays ay 5.2%, at ang ASAP Natin To ay 3.5%.
Ang GMA Blockbusters naman ay 3.5%; ang FPJ Da King ay 4.5%. Sumunod ang Regal Studio Presents na naka-3.6%.
Bahagya namang tumaas ang Resibo na naka-4.8%.
NOEL FERRER
Noong nakaraang Sabado, June 3, ay mataas din ang rating ng Magpakailanman na naka-11.5%. Na-feature dito ang kuwento ng buhay ni Buboy Villar na siya rin ang gumanap.
Nakatapat nito ang I Can See Your Voice na naka-2.2% sa TV5, at 1.8% naman sa A2Z.
Medyo bumaba naman ang sitcom nina Vic Sotto at Maja Salvador na Open 24/7, na naka-7.3%. Sumunod ang I-Witness na naka-4.5%.
Madalas ko nang natatanong: ano ang saysay ng numero kung collab na nga dapat ngayon at hindi na kompetisyon, at hindi equal ang playing field dahil hindi patas ang laban dahil walang prangkisa ang ABS-CBN?
Kung minsan, o kadalasan, hindi pangnumero ang basehan kung tama o mali ang ginagawa mo. There’s a whole lot more of difference and meaning than just the numbers.
