GORGY RULA
Ikinuwento ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos sa interview sa kanya ni Pinky Webb sa programang The Source ng CNN Philippines na dapat ay kasama sa mga bagong host ng Eat Bulaga! si Carren Eistrup, pero bigla raw itong umatras at hindi na tumuloy.
Si Carren ang winner ng "Bida Next" search ng longest-running noontime show.
Nabalitaan na lang daw nilang sumama na ito sa grupo ng TVJ na lumipat sa TV5.
Sabi ni Mayor Bullet, “One of our singers, nagri-rehearse na po sa amin, for the opening, umatras bigla.
“We don’t know why, sino nagpaatras, and kung bakit nila ginawa since nagri-rehearse na po siya sa amin during that time.”
Hindi namin alam kung sino ang tinutukoy ni Mayor Bullet na nagpi-pressure daw sa ibang artists, kaya hindi na natutuloy ang mga ito sa Eat Bulaga!.
Ang isa pang nasagap ng PEP Troika, pinababalik din daw si MJ Lastimosa sa Eat Bulaga!, pero last minute ay umatras din ito.
Nahihirapan daw ngayon ang Eat Bulaga! sa pagkuha ng guests dahil tumatanggi sila. Ang iba ay umiiwas lang daw ma-bash nang matindi.
Kagaya nung nangyari kay Kimpoy Feliciano na inakusahan na agad na walang utang na loob dahil galing naman daw siya sa "Bida Next."
Isa ito sa challenges na hinaharap ngayon ng rebranded Eat Bulaga!.
Pero sabi ni Mayor Bullet, gusto nilang ipagpatuloy ang pagpapasaya sa mga tao. Dahil sila naman daw ang iniwan, kailangan nilang maghanap ng ipapalit na hosts.
Sabi rin ni Mayor Bullet, ang taumbayan pa rin ang panalo sa mga nangyayaring ito.
Read: New 'Eat Bulaga! host Paolo Contis appeals to the public: "I hope you give us a chance..."
JERRY OLEA
Nasa Instagram account ni Ai-Ai delas Alas na nagparating siya ng mensahe kay Betong Sumaya.
Nakita niya sa TikTok account ni Betong na nagpapaliwanag ito sa pagtanggap bilang host ng Eat Bulaga!.
Ani Betong, “Kami’y pinatawag sabi nga ni Paolo Contis, kami’y pinatawag para ipagpatuloy yung pagbibigay saya. So, sino po kami para tanggihan po yun, kung yun po yung purpose po? Trabaho po ito at… yun po.
“It’s a big blessing, pero siyempre kaakibat nun ay ito, at alam po namin na ito po talaga yung haharapin namin, guys.
“Basta, salamat po sa nakakaintindi po, at sa mga hindi po nakakaintindi, hindi ko po kayo masisisi… hindi ko po kayo masisisi.
“Pero sana guys, maintindihan niyo rin po. Pero paano? Wala po talaga makakapalit po… guys, ni katiting wala pong makakapalit po sa kanila. Walang wala, as in! Alam po namin yun at… yun! Nandito lang po kami para ipagpatuloy po yun.
“Lahat naman po tayo, guys, ay meron pong choice. Yun po ang naging choice po namin. At kung choice niyo po yan, sobra po naming nirerespeto. Aware naman po kami guys.
“Lahat po na masasakit niyo na sinabi. Yung pagkatao po namin, dinurog… naintindihan ko po. Pero sana po, naintindihan nyo rin po na kailangan din po namin magtrabaho.”
Nasa IG account ni Ai-Ai ang picture nila ni Betong at may quote card sa ilalim na nagsasabing “Kindness is a gift everyone can afford to give.”
Nasa caption nito ang mensahe ni Ai-Ai sa comedian-TV host:
“Bets @amazingbetong nakita kita sa Tiktok malungkot ka, mahirap talaga yang sitwasyon nyo ngayon, bilang manggagawa alam ko sumusunod ka lang siyempre, mabait kang tao, ma respeto sa senior sa yo… isa ka sa mabait na artista na nakilala ko… dasal lang at tibayan mo loob mo… pag nalulungkot ka, isipin mo na lang ang ilang beses ba natin kakantahin ang in New York, Rio, Tokyo — ‘or any other place you see, you feel that dancing fantasy’ na hindi tayo nagkakamali sa phrasing hahaha [laugh emoji]
“God bless you ipagpatuloy mo lang na maging mabait si Lord ang bahala [heart emoji]”
NOEL FERRER
Nabalitaan ng PEP Troika na nag-resign si Carren nito lang Sabado, June 3.
Time and circumstances kung ano ang general sentiment sa nangyayari ngayon. Oo, trabaho ito at naiintindihan natin ang mga moves ng mga tao kung tanggapin man nila itong trabahong ito.
Handa rin sana ang lahat sa posibleng backlash nito kapag hindi nag-work, or papuri kapag nagtagumpay naman. May choices tayo, and we are defined by our choices.
Sa huli’t huli, mangyayari ang nararapat mangyari at may mga leksyon tayong matututunan sa mga ito.
