GORGY RULA
May ipakikilalang bagong host sa Eat Bulaga! ng TAPE, Inc. bukas, June 10, 2023.
May naglabas ng art card na si Isko Moreno o Herlene Budol ito. Hindi nagkomento ang mga taga-EB nang tinanong namin.
Pero posibleng dagdag-ingay na naman ito sa kontrobersiyal na noontime show. Basta abangan na lang daw dahil mukhang may inaayos pa silang segment na dating ginagawa ng TVJ’s Eat Bulaga!.
Kaya lang, may kinukumpirmang pinagkakaabalahan ang legal team ng dalawang kampo. Abangan bukas kung matutuloy ito at kung tatanggapin ng mga manonood ang bagong dagdag na host.
Pero kinumpirma na ng manager ni Isko na si Daddie Wowie Roxas, sa pamamagitan ng Facebook, na lalabas si Isko sa Eat Bulaga! bukas. Hindi lang niya sinabi kung bilang guest o host ang magiging participation ng dating Manila mayor.

Mag-iisang linggo pa lang bagong EB, pero nahirapan pa rin sila sa pagkuha ng guests na magpi-perform. Isa ito sa challenges na pagdadaanan nila na pinaghandaan naman daw nila.
Read: What do netizens say about revamped 'Eat Bulaga!' and its hosts?
JERRY OLEA
Bukas, June 10, ang unang Sabado ng rebranded Eat Bulaga!. Inaasahan nating espesyal ang pagtatanghal na ito ng kontrobersiyal na noontime show.
Bumababa man ang ratings ng bagong EB, mas mataas pa rin iyon kumpara sa katapat nitong It’s Showtime.
Read: Kumusta ang rating ng first day ng revamped 'Eat Bulaga!'?
Matatandaang ang unang live show ng bagong EB noong Hunyo 5, Lunes, ay naka-5.2%, kumpara sa 3.2% ng It’s Showtime.
Noong Martes, 4.2% ang bagong EB, at 3% ang It’s Showtime.
Noong Miyerkules, 4.3% ang bagong EB, at 3.4% ang It’s Showtime.
Kahapon, Huwebes, 3.8% ang bagong EB, at 3.4% ang It’s Showtime.
Ayon sa source ng PEP Troika, nadadagdagan ang commercial load ng programang pinangungunahan ng PB&B (Paolo, Betong & Buboy… or is it Paolo, Buboy & Betong?).
Hulaan ninyo kung mapapanood na bukas sa EB ang updated version ng isang segment ng programa!
NOEL FERRER
Naku, napakahirap maglagay o magpronta ng trio sa bagong show na hindi ihahambing sa pinanggalingan. Sana, iniwasan na lang ito, at gumawa ng sariling identity ang show.
Hindi lang ratings ang sukatan, kundi advertisers din para ma-sustain ang programa. Tingnan natin kung hanggang saan aabot ang advertising ng bagong show, at kung may A-listers nang mga artists na magge-guest dito.
Again, sabi nga, trabaho lang ito. Pero lagi naman tayong may choice kung anong klaseng trabaho ang tatanggapin, di ba?
Again, we are defined by our choices. Kung napupuri o naba-bash o nahuhusgahan man, puwede sabihing ginusto ninyo iyan, choice ninyo iyan!
