JERRY OLEA
Marami-rami nang veteran actors ang nakatrabaho ni Vince Rillon.
Sa Vivamax movie na Hosto, bongga ang dynamics nila ni Jay Manalo na gumanap bilang gay lover ng kanyang karakter.
Kumusta ang pakikipagtrabaho kay Jay, lalo pa’t may balbas at bigote ito sa kanilang harutan? Nakiliti ba siya?
“Unang-una, sina Kuya Jay, sina Kuya Joko [Diaz], yung mga yan, mga kuya ko,” lahad ni Vince sa mediacon ng Hosto nitong Hunyo 13, 2023, Martes ng gabi, sa Center Stage Productions, Busilak St., Mandaluyong City.
“Pag nagkikita kami niyan, solid na kami. Marami kaming pinagkukuwentuhan.
“Dati, ikinuwento rin niya sa akin na yung pagdya-Japan, parang na-experience niya ang ganyan.
“Tapos ito namang paghalik niya sa akin, sinabi ko sa kanya yun. Sabi ko, ‘Kuya Jay, mag-ahit ka naman.’ Sabi ko, nakikiliti ako.
“Sabi niya, ‘Hindi, nag-ahit na ako!’ Sabi ko, ‘Ba’t ganun? Meron pa rin,’ ganyan-ganyan.
"Tapos, pagdating pa lang daw niya rito, bakla na siya. Talagang dyowa na raw niya ako.
“Akala ko nung una, nagti-trip lang siya. So, ganun pala siya. Hindi siya ka-solid na alam mo yun.
“Basta pagpunta niya, ayun ang role niya, bakla siya, ganyan. Hindi pa nagte-take, nilalandi na niya ako sa kama.
“Ginaganun niya ako, ‘Hmmmnn!’ Inaamuy-amoy niya ako. Sabi ko, ‘Kuya, naka-experience ka na ba ng ganito, ganyan-ganyan?’
“Tapos yun nga, dun kami nagkaroon ng connection. Sabi niya sa akin, ‘Akting lang ‘to, hayaan mo ako.’ ‘Sige, kuya, sundan kita. Ikaw gumalaw.’
“So ayun, inalalayan ako ni Kuya Jay, kaya nagpapasalamat din ako kay Kuya Jay.”
May intimate scene din si Vince kina Alexa Ocampo, Angela Morena, at sa isang Japanese actress na gumanap bilang matronang client niya.
Ang Hosto ay idinirek ni Jao Daniel Elamparo, at nagtatampok din kina Ali Asistio, Denise Esteban, Isadora, at Rey ‘PJ’ Abellana.

(From left) Ali Asistio, Denise Esteban, Direk Jao Daniel Elamparo, Angela Morena, and Vince Rillon
Streaming ito sa Vivamax umpisa Hunyo 16, Biyernes.
Mahigit 7M na ang subscribers ng Vivamax. Available ito sa Europe, UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, Qatar, Hong Kong, Japan, Malaysia, Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA, at Canada.
NOEL FERRER
Totoong nakiliti si Vince Rillon habang niroromansa siya ni Jay Manalo sa kama.
“Totoo! Pero alam ni Kuya Jay… Jay Manalo, gaganun! Pucha, ang tigas-tigas nun, e!” sabi ni Vince.
“Lalaking-lalaki yan, e. Idol ko rin yan, di ba? Si Kuya Jay, totoo siya. Wala siyang pakialam, pinagpapawisan kami sa kama.
“Sabi niya, ‘Hindi, hindi! Hayaan mo yan!’ Sabi niya talaga nung inaano niya yung ano ko.
“And then yun nga, inaalalayan niya ako. Pag humahalik siya, humahalik na rin ako sa kanya. Ganun po.”

GORGY RULA
Nasa press screening din ng Hosto ang Manunuri na si Butch Francisco at katabi ko siya ng upuan.
Sabi niya, magaling na aktor talaga si Jay Manalo, na kahit anong role na ibinigay sa kanya sa isang maliit na pelikula, nagagampanan niya nang maayos. Kaya nadadala na rin niya ang kaeksena niya kagaya ni Vince Rillon.
Nag-bading role na si Jay before, pero dito sa Hosto, maraming mga bading ang makaka-relate sa kanya.
Gumanap si Jay bilang mapagparayang bading na masasabing unconditional ang pag-ibig sa lalaking minahal. Hindi lang ang lalaking karelasyon ang sinusuportahan kundi ang buong pamilya nito. Kaya tanggap siya ng pamilya at pati ang asawa ng lalaki.
Mapapa-"aray’" tiyak ang ilang kabadingang wagas kung magmahal.
Maayos namang nailahad ito ni Direk Jao Daniel Elamparo na isa sa promising directors na protégé ni Direk Brillante Mendoza.
Pangalawang pelikula pa lang ito ni Direk Jao Daniel, dahil ang una niyang nagawang Sandwich na ipinalabas din sa Vivamax ay may pagka-psycho thriller.
Itong Hosto ay drama, at in fairness kay Direk Jao Daniel, nagawa naman niya nang maayos, at napaarte niya ang kanyang mga artista, lalo na si Vince Rillon.
Sabi naman ni Direk Jao Daniel, gusto niyang subukan ang lahat ng genre para masabi niya kung alin talaga ang forte niya o ano ang gusto niyang gawin.
“For me, sa stage ng career ko ngayon, medyo marami pa sigurong time. Gusto kong ma-try halos lahat para siyempre, gusto natin maging flexible, siyempre ang mga project hindi naman natin mapipili lahat.
“So, for me, ako, kung ano yung opportunity na nandiyan, iga-grab ko siya,” saad ni Direk Jao Daniel.
