PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol, isinakripisyo ang love life para sa showbiz career

Herlene, nilinaw ang isyu tungkol sa pagiging cause of delay sa taping
by PEP Troika
Published Jun 17, 2023
herlene budol miss grand philippines 2023
Bakit napagdesisyunan ni Herlene Budol na isakripisyo ang kanyang lovelife para sa kanyang showbiz career? Aniya, “Hindi naman po sa sacrifice yun. Kumbaga, nasa point na po kasi kami na kailangan na po naming mag-mature na isipin muna for the future."
PHOTO/S: GMA Network / @herlene_budol on Instagram

GORGY RULA

Isinakripisyo ni Herlene Budol ang kanyang lovelife para makapag-focus na siya sa kanyang trabaho.

Limang taon din ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend at yun daw ang first boyfriend niya. Pero desisyon daw nilang dalawa na mag-cool off na muna para sa kani-kanyang career.

“Ngayon ho, wala na po akong boyfriend. Mas pinili po naming maging… magpayaman na lang ho,” bulalas ni Herlene sa katatapos lang na mediacon ng first drama series na pinagbidahan niya, ang Magandang Dilag.

Hindi naman daw niya masasabing sakripisyo ito. Wala lang daw siyang panahon para sa kanyang nobyo, dahil mas prioritized daw niya ang trabaho, at ang dami raw niya talagang ginagawa sa ngayon.

“Hindi naman po sa sacrifice yun. Kumbaga, nasa point na po kasi kami na kailangan na po naming mag-mature na isipin muna for the future.

“Nandiyan naman po yung love, e. Puwede po namin balikan anytime. Pero kung sa ngayon po na hindi po namin nabibigay nang parehas yung time para sa isa’t isa, mas pinili po naming maging friends po muna,” saad ng beauty queen/actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May komunikasyon pa rin naman daw sila, pero mas mabuting wala raw muna silang commitment sa isa’t isa para mas nakatuon ang panahon nila sa trabaho.

“Desisyon po naming dalawa. Okay pa naman. Friends po kami, nag-uusap po kami, pero pinili po namin magtrabaho, magpayaman muna para sa pamilya po namin.

“Unfair ko naman ho kung hindi ko siya bibigyan ng time para sa sarili niya. Kaya binigay ko po kung ano yung deserve niyang matanggap,” dagdag niyang pahayag.

Medyo emotional nga si Herlene sa mediacon na nagpapasalamat sa ibinigay na magandang break sa kanya ng GMA-7.

Nagpapasalamat din siya sa mga co-actors niya dahil talagang tinutulungan daw siya para magawa niyang maganda ang naturang drama series.

Magsisimula na itong Magandang Dilag sa June 26, sa afternoon primetime ng GMA-7.

JERRY OLEA

Nilinaw na rin doon ni Herlene ang isyung siya ang cause of delay ng taping dahil sa dami ng mga raket na tinatanggap ng manager niyang si Wilbert Tolentino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

READ: Co-stars ni Herlene Budol, nagrereklamo umano sa mga aberya sa taping ng 'Magandang Dilag'

Marami naman daw rason kung bakit nadi-delay ang taping. Hindi lang naman daw ang mga nauna niyang commitments.

“Yun nga po, dahil sa schedule na talagang naunang commitment. Give and take naman po kami.. siyempre sa COVID, sa location, sa lahat naman po. Hindi naman po naka-focus lang sa akin.

“Ganun naman ho talaga, e. Siguro mas masarap sa feeling na everytime na may ginagawa ka may challenge.

“Kasi parang mas lalo kang nangigigil na gawin pa yung, ah ganun ayaw mo ipatuloy ha? Itutuloy pa namin to,” saad ni Herlene.

NOEL FERRER

Totoong napapagod daw si Herlene sa sunud-sunod na trabaho, pero mas gusto raw niya ito kesa sa napapagod kang walang ginagawa.

Ganun naman daw talaga ang buhay. Kailangan mong magpakapagod para kumita.

“Iniisip ko po araw-araw yun e. Ay, parang napapagod ako. E, kung hindi ako mapagod, wala akong pera, wala kaming pagkain, wala kaming kahit ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sarap pong mapagod na may ginagawa, kesa mapagod kang wala naman. Sabi ko nga po sa sarili ko, puhunan ko po ‘to, e.

“Kumbaga sa negosyante, namumuhunan po sila ng pera. Ako po pagod, pawis, dugo, lahat po. Ito po yung puhunan ko,” pahayag niya.

Naintindihan naman daw ng manager niya kung hindi na niya kaya, hindi na ito tinatanggap ang ilang trabahong inaalok sa kanya.

“Alam po ni Sir Wilbert lahat yan. Kapag alam naman po niyang hindi ko kaya, hindi niya po tatanggapin.

“Pag nakikita niyang… ako ho kasi, parang hindi ko kaya pag walang trabaho. So, nandiyan ho siya, sobrang nagga-guide ho siya sa akin nang tama,” pagmamalaki niya.

Read Next
Read More Stories About
herlene budol, magandang dilag
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bakit napagdesisyunan ni Herlene Budol na isakripisyo ang kanyang lovelife para sa kanyang showbiz career? Aniya, “Hindi naman po sa sacrifice yun. Kumbaga, nasa point na po kasi kami na kailangan na po naming mag-mature na isipin muna for the future."
PHOTO/S: GMA Network / @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results