PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis Pinagbinta Boobay at Super Tekla ng Bashers

Paolo Contis, todo-lagare tuwing Lunes.
by PEP Troika
Published Jun 26, 2023
paolo contis tbats
Sa nakaraang guesting ni Paolo Contis sa The Boobay and Tekla Show, ayaw maniwala ng bashers na tinulungan ng Kapuso actor sina Boobay at Super Tekla nung nakaraang pandemya. Sinabi ni Boobay na panay ang padala ni Paolo ng pagkain sa kanya nung lockdown. Sinabi naman ni Tekla na minsan ay pinautang siya ni Paolo.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Nakakapagod ang araw ng Lunes ni Paolo Contis dahil todo-lagare siya sa dalawang shows na ginagawa niya.

Ngayong Lunes, June 26, 2023, maaga pa lang ay nasa GMA studio na si Paolo para sa pagbabalik-taping nila sa gag show na Bubble Gang na nagbago na ng format.

Nag-taping muna siya roon, at bandang alas-onse ng umaga ay kailangan muna niyang umalis ng set para tumuloy sa APT Studios, kung saan nagla-live ang Eat Bulaga!.

Pagkatapos ng Eat Bulaga!, balik siya uli ng GMA-7 para ipagpatuloy ang taping sa Bubble Gang.

“Nakakapagod, pero nag-e-enjoy ako!” text ni Paolo sa PEP Troika.

Sumisingit pa rito ang ilang promo guestings para sa pelikula nila ni Joross Gamboa, Ang Pangarap Kong Oskars, na magsu-showing na sa mga sinehan sa Miyerkules, June 28.

Sinabi naman ni Paolo sa nakaraang mediacon ng Ang Pangarap Kong Oskars na blessing ito lahat.

“Blessing yan! Magandang problema yan, ang madaming trabaho,” pakli ng Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huwag lang daw sana siyang magkasakit, pero kaya niya ito at gustung-gusto niya ang kanyang ginagawa niya.

Ito na ang gagawin niya every Monday dahil regular taping ito ng Bubble Gang.

Samantala, bagong format na ang longest-running gag show ng GMA-7 na ang dinig namin ay magbabago na ng timeslot. Starting July ay tuwing Linggo na raw ito mapapanood ng alas-sais ng gabi.

Read: 'Bubble Gang', lilipat ng timeslot; magtatanggal at magdadagdag ng cast members

Bukod kay Paolo at kay Michael V, kasama pa rin nila sa bagong Bubble Gang sina Betong, Chariz Solomon, at Kokoy de Santos.

Nadagdag na rito sina Buboy Villar, Analyn Barro, at ang bagong taga-Sparkle na si Cheska Fausto.

Dapat ay kasali raw si Zeinab Harake, pero parang natakot daw ito at tila hindi pa handa maging comedienne.

NOEL FERRER

Hindi pa rin tinatantanan si Paolo ng bashers na wala namang ibang ibinabato kundi ang hindi pagbibigay ng aktor ng sustento sa mga anak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa nakaraang guesting ng Kapuso actor sa The Boobay and Tekla Show, ayaw maniwala ng bashers na tinulungan ni Paolo sina Boobay at Super Tekla nung nakaraang pandemya.

Sinabi ni Boobay na panay ang padala ni Paolo ng pagkain sa kanya nung naka-lockdown pa tayo. Sinabi rin ni Tekla na minsan ay pinautang siya ni Paolo.

Ang hanash ng bashers, nagugutom na raw ang mga anak niya, hindi man lang makapagpadala ng pagkain ang aktor. Nagawa pa raw magpautang, pero hindi nga raw makapagpadala ng sustento sa mga anak nito.

Hatalang pinababango lang daw nina Boobay at Tekla ang pangalan ni Paolo.

Read: Paolo Contis on estranged daughters: "My biggest fear… is for them to actually hate me."

Pagdating sa mga anak niya, ayaw na talaga ni Paolo magsalita dahil hindi naman daw mga artista ang mga ito.

Tama na, tantanan na si Pao. Asikasuhin na lang natin mga buhay natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Interesting ang mga kaganapan kay Paolo at sa showbiz sa mga susunod na araw.

Kasabay ng Ang Pangarap Kong Oskars na mag-o-open sa local cinemas sa Wednesday, June 28, ang Indiana Jones and the Dial of Destiny, Ruby Gillman, Teenage Kraken, Woman in the Maze, at Student Body.

Simula Sabado, Hulyo 1, ay labu-labo ang revamped Eat Bulaga! sa GMA-7, ang It’s Showtime sa bagong tahanan nito sa GTV, at ang bagong noontime show ng Legit Dabarkads sa TV5.

Read: TVJ on 'It’s Showtime': “Di naman sila na-bump off, e. Natapos na yung kontrata.”

Kung simple lang daw ang unang hirit nina Tito, Vic & Joey sa Kapatid Network, siguradong may payanig sina Paolo Contis, Mayor Isko Moreno, et al sa Eat Bulaga!, pati sina Vice Ganda, Anne Curtis, et al sa It’s Showtime.

Abang-abang tayo kung saan at kailan natin mapapanood muli ang segment na "Pinoy Henyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alin kayang programa ang wagi sa ratings at commercial load? Sa ganitong pasiklaban ng mga TV program, panalo ang televiewers.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa nakaraang guesting ni Paolo Contis sa The Boobay and Tekla Show, ayaw maniwala ng bashers na tinulungan ng Kapuso actor sina Boobay at Super Tekla nung nakaraang pandemya. Sinabi ni Boobay na panay ang padala ni Paolo ng pagkain sa kanya nung lockdown. Sinabi naman ni Tekla na minsan ay pinautang siya ni Paolo.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results