PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pauleen Luna, buntis sa second baby nila ni Vic Sotto?

Ito ba ang dahilan kaya di kasama si Pauleen sa noontime show ng legit Dabarkads?
by PEP Troika
Published Jun 26, 2023
vic sotto pauleen luna daughter tali
Hindi pa sinasagot ni Pauleen Luna ang pangungulit ng PEP Troika tungkol sa komento ng netizens na nagdududang nagdadalantao ang actress-TV host.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram

GORGY RULA

Sobrang na-enjoy ni Pauleen Luna nang sinamahan niya ang anak na si Talitha sa culminating activities ng summer class nito nung nakaraang Sabado, June 24, 2023.

Tuwang-tuwa siyang naka-four medals ang anak sa gymnastics.

Read: Pauleen Luna flexes Tali's medal haul in gymnastics competition

Sa ipinost na video ni Pauleen, talagang nangunguna si Tali sa pagsasayaw at kitang-kitang nag-e-enjoy ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-start lang si Tali a week before Holy week sa gymnastics. Super enjoy siya!” text ni Pauleen sa PEP Troika.

Hilig naman daw talaga ni Tali ang pagkanta at pagsayaw, kaya mabuti at nakapasok ito sa summer class.

Ngayon ay nasa Kindergarten na si Tali, pero gusto nitong ituloy pa rin ang pagsasayaw at pati sa pagkanta.

Samantala, hindi na muna sinasagot ni Pauleen ang pangungulit namin tungkol sa komento ng netizens na nagdududang nagdadalantao ang actress-TV host.

Nagsimula raw silang magduda nang di kasama si Pauleen kina Bossing Vic at Tali sa kasal ni Kathleen Hermosa sa Cebu.

Read: IN PHOTOS: Kathleen Hermosa now married to banker Miko Santos

Nadagdagan pa sa huling post ni Pauleen sa Instagram na "salon date" daw nilang mag-asawa.

Bukod sa lalong gumuwapo si Bossing Vic na parang bumagets, kapansin-pansing medyo malusog si Pauleen sa kuha nilang iyon. Hindi raw kaya buntis na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ng ilang taong malapit sa aktres, hindi kailangang magtaka kung totoong buntis dahil may asawa naman siya. Pero hindi pa sinasagot ni Pauleen ang pangungulit namin tungkol dito.

Kung totoo ngang buntis siya, baka hinihintay lang nila ang tamang panahon para i-announce ito.

Sana talaga! Dahil matagal na rin itong winu-work out ng mag-asawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malay natin, baka isa ito sa pasabog ni Bossing Vic sa pagsisimula ng noontime show ng TVJ sa TV 5 sa July 1? Abangan na lang natin!

NOEL FERRER

Naku, matutuwa talaga tayo kung totoo mang on the family way ulit si Pauleen.

That also gives the public a good reason kung bakit hindi na siya makakasama sa bagong TVJ at Dabarkads program umpisa sa July 1.

Time na rin para magkaroon ng kalaro si Tali, at mag-concentrate sa pagiging homemaker talaga si Poleng.

Maghihintay tayo sa kanyang public announcement soon — if ever.

JERRY OLEA

How interesting! Waley sa TV5 mediacon ng Legit Dabarkads sina Pauleen Luna at Alden Richards. So, hindi natin ine-expect na mapanood sila sa bagong noontime show nina Tito, Vic & Joey.

Sakaling hindi pa muna mag-announce si Pauleen sa isyung nasa “interesting stage” siya sa Hulyo 1, Sabado, hintayin natin kung a-attend siya sa kasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Baguio City next month.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labu-labo ang mga daily noontime programs umpisa sa Sabado, at inaasahan nating may mga payanig ang It’s Showtime sa GTV, at revamped Eat Bulaga! sa GMA-7.

Tumpak ba ang naulinigan nating bonggang-bongga ang mga papremyo ng revamped Eat Bulaga! sa Sabado kaya dapat tumutok doon ang mga loyal Kapuso?!

Read: TVJ on 'It’s Showtime': “Di naman sila na-bump off, e. Natapos na yung kontrata.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa sinasagot ni Pauleen Luna ang pangungulit ng PEP Troika tungkol sa komento ng netizens na nagdududang nagdadalantao ang actress-TV host.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results