Ikinasal na ngayong araw, June 8, 2023, ang aktres na si Kathleen Hermosa sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Miko Santos.
Si Miko ay isang banker na tubong Cebu.

Ginanap ang kanilang garden wedding sa Montebello Villa Hotel sa Cebu.
Ang maid of honor ni Kathleen ay ang kapatid na si Kristine Hermosa.
Bridesmaids naman sina Danica Sotto at Ara Mina.

Kasamang dumalo ni Ara sa kasal ang asawang si Dave Almarinez.

Ninong naman si Vic Sotto at flower girl ang anak nila ni Pauleen Luna na si Tali Sotto.
PHOTO: PEP Source / Pauleen Luna on Instagram

Sa hotel na rin ginanap ang reception.
KATHLEEN ON MEETING THE LOVE OF HER LIFE
Noong February 2023, nagbahagi si Kathleen ng ilang detalye tungkol sa love story nila ni Miko.
“People would always ask me, ‘Bakit di pa ako nagbo-boyfriend?’ Parang single ako for almost three years. Bakit hindi, e, annulled ako for almost seven years na.
“So, basically, nung nagkakilala kami, immediately sinabi ko na kaagad sa kanya na hindi ko intensiyon mag-boyfriend lang.
“Sabi ko, ‘I’m not interested in relationships anymore, gusto ko marriage, yun talaga ang direction ko kasi I’m not getting any younger,’ sabi ko. Sabi niya, ‘Okay lang.’
“So usually, men, when they hear that, parang alarm yan sa kanila, parang red flag yan sa kanila. Ayaw nila yang mga ganun na straightforward na babae.”
Read: Kathleen Hermosa to wed non-showbiz boyfriend Miko Santos in June
