JERRY OLEA
Nanguna muli sa takilya ng North America last weekend (Hunyo 23-25) ang animated film na Spider-Man: Across the Spider-Verse ($19M). Ikaapat na weekend na ito ng nasabing pelikula.
Read: 'Spider-Man: Across the Spider-Verse' humamig na ng $120.7M sa takilya
Pangalawa pa rin ang animated film ding Elemental ($18.4M).
Ang No. 1 last week ay bumagsak sa pangatlong puwesto, ang The Flash ($15.1M).
Nag-open sa pang-apat na puwesto ang No Hard Feelings ($15M).
WORLDWIDE, pansampu na this year ang The Flash, samantalang pumuwesto sa ikalabing-anim ang Elemental.
So far, ang pinakamalalakas na pelikula this year sa global (domestic + international) market ay The Super Mario Bros. Movie ($1.3B); Guardians of the Galaxy Vol. 3 ($831M); Fast X ($689M); Spider-Man: Across the Spider-Verse ($560M); The Little Mermaid ($500M); Ant-Man and the Wasp: Quantumania ($476M); John Wick: Chapter 4 ($428M); Transformers: Rise of the Beasts ($341M); Creed III ($275M); The Flash ($211M); Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves ($208M); Scream VI ($169M); Evil Dead Rise ($147M); Shazam! Fury of the Gods ($134M); Pathaan ($129M).
Noong Hunyo 14 pa palabas sa local cinemas ang The Flash, Elemental, at Run Rabbit Run.
Hunyo 21 nag-open sa mga sinehan ng bansa ang Will You Be My Ex?, The Revelation, Hypnotic, at No Hard Feelings.
Hunyo 28, Miyerkules, ang opening day sa Pilipinas ng Indiana Jones and the Dial of Destiny, Ruby Gillman, Teenage Kraken, Student Body, Knights of the Zodiac, Woman in the Maze, at Ang Pangarap Kong Oskars na bida sina Paolo Contis at Joross Gamboa.
Sa Hulyo 5 nakatakdang ipalabas ang Detective Conan: Black Iron Submarine, Insidious: The Red Door, Kandahar, at Shin-Masked Rider.
Magpapasiklab sa Hunyo 12 ang Mission: Impossible — Dead Reckoning Part 1. Meron kayang pelikulang Pilipino na mangangahas makipagbakbakan dito?
Nakapuwesto sa July 19 playdate ang Barbie at Oppenheimer.
Nasa July 2 playdate naman ang Haunted Mansion, Litrato ni Ai-Ai delas Alas, at The Cheating Game nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Nasa August 2 playdate ang Meg 2: The Trench.
Agosto 4-14 ang 19th Cinemalaya filmfest sa Philippine International Convention Center (PICC).
Nang makatsikahan natin si Direk Jose Javier Reyes sa presscon ng Pelikulaya 2023 filmfest noong Hunyo 21, Miyerkules, sa Privato Hotel, Sct. Castor, Quezon City, sinabi niyang dalawang pelikulang Pinoy pa lamang ang kumita nang lubos mula nang mag-reopen ang local cinemas noong Nobyembre 10, 2021.
Ang mga ito ay ang Maid in Malacañang, at ang MMFF 2022 topgrosser na Deleter kung saan bida si Nadine Lustre.
Read: Direk Jose Javier Reyes, creative consultant ng Regal pero nagdidirek din sa Vivamax
NOEL FERRER
This Wednesday na ang showing sa mga sinehan ng pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars, na idinirek ni Jules Katanyag para sa MAVX Productions.
Maliban kina Paolo Contis at Joross Gamboa, nasa cast nito sina Kate Alejandrino, Faye Lorenzo, Yukii Takahashi, Long Mejia, Jon Santos, Gian Magdangal, Erlinda Villalobos, at Junjun Quintana.

Sana naman, kumita ito kahit papaano since holiday naman. Any additional push for the local movie industry is needed kaya magtulungan na lang tayo!
This is also a good time for our producers and theater operators to assess this sorry state of Philippine movie watching. If only all the stakeholders will unite and form a program para naman tuluyan nang makabangon ang industriya natin!
Ano kaya ang unang isa-suggest niyo? I really want to know and give those a try!!!
GORGY RULA
Tingnan natin kung kakagatin ng mga manonood ang kakaibang pelikulang ito na iba ang tipo ng comedy. Pang-adults ang mga patawa ng Ang Pangarap Kong Oskars, kaya R-13 ang classification dito ng MTRCB.
Pero kung ipinalabas siguro ito sa Pasko, baka magustuhan ng karamihan dahil may mga aswang-aswang pa na mala-zombie ang dating.
Kailangan nga sigurong hainan natin ang mga manonood ng kakaiba at hindi predictable na kuwento.
“Acquired taste ang humor niya which is yun naman talaga yung goal. We were doing the film para maging slapstick or whatsoever.
“Medyo ibang humor talaga siya, yung goal namin. I’m proud nung napanood ko. Ba! Isa ito sa mga pelikulang gusto ko… proud ako sabihing kasama ako,” pahayag ni Paolo.
Ang isa pang nakakatuwa, walang kiyeme at arte ang dalawa ng bida. Kahit hindi kailangan, marubdob ang mouth-to-mouth resuscitation nina Joross Gamboa at Paolo. Talagang madiin ang paglapat ng kanilang mga labi para ma revive lang si Paolo sa pagkalunod sa eksenang iyun.
“Actually, to be honest, take one lang yun dahil lagi kaming nagri-rehearse ni Pao. We make sure na take one kami, kaya todo rehearse kami,” biro ni Joross.
Dinugtungan pa ni Paolo na wala naman daw talaga sa script yun. Nakasanayan na lang daw nila na pag nagkikita sila, nagbebeso silang dalawa.
“Parang first time din namin ma-experience e. Okay naman! Makati lang pagkatapos. Hayop yung balbas ni Joross.
“Makati siya. Mouth-to-mouth naman siya, e, kailangan talaga. Eksena lang yun, at talagang inulol lang namin!” natatawang pakli ni Paolo.
“Meron naman kasi siyang purpose dun e. Gusto namin ipakita yung friendship kung gaano ko siya gusto mabuhay,” sabi pa ni Joross.
