PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapuso Stars on It's Showtime, Skip Eat Bulaga?

Eat Bulaga! staff, nagtampo sa mga Kapuso stars na nang-dedma sa guesting invite
by PEP Troika
Published Jul 2, 2023
It's Showtime
Sinu-sino ang Kapuso artists na G na G umapir sa It's Showtime pilot airing, pero matagal na palang nangdededma sa guest invitation offers mula sa production staff ng revamped Eat Bulaga!?

GORGY RULA

Bukod sa mainit na balitaktakan sa isyu ni Awra Briguela at ang mainit na tapatan ng tatlong noontime shows na nagsimula nung July 1, 2023, isa sa nasagap naming kuwento ay nag-emote daw ang ilang staff ng Eat Bulaga! nang nakita nila ang ilang Kapuso stars na nag-guest sa It’s Showtime.

Read: Kapuso stars appear on 'It’s Showtime': “Ang saya naman dito!”

It's Showtime

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bongga ang production number nina Rayver Cruz at Rodjun Cruz kasama sina Vhong Navarro at Jhong Hilario. Pati kina Pokwang, Sanya Lopez, Barbie Forteza, at Mark Bautista.

It's Showtime

Sabi ng ilang staff ng revamped na Eat Bulaga!, karamihan sa Kapuso stars na lumabas sa It’s Showtime ay ilang beses daw nilang inimbitang mag-guest pero hindi puwede, busy raw sila, puno ang schedule.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nahahalata tuloy na ayaw talaga nilang sumuporta sa revamped Eat Bulaga!.

Sabi ng isang staff, naintindihan daw nila kung loyal sila sa TVJ kaya umiiwas na lang silang umapir sa bagong Eat Bulaga!. Pero lumabas pala sa It’s Showtime na tumapat sa pagsisimula ng E.A.T. ng TVJ.

Read: Watch: Which among E.A.T., Eat Bulaga!, and It's Showtime delivered the best episode?

Siguro naman, susuportahan ng Sparkle ang Eat Bulaga! dahil ilang taon na rin itong namamayagpag sa GMA-7.

Sa totoo lang, ang busy ngayon ng mga Sparkle artists dahil hindi lang sa Eat Bulaga! sila malakapag-guest, pati na rin sa It’s Showtime.

Nasa EB naman nung Sabado sina Glaiza de Castro at Faith Da Silva, pero sana raw makakapag-guest din ang iba pang A-listers ng Sparkle.

Sabi ng taga-Bulaga, sobrang na-enjoy ni Glaiza ang pag-guest co-host niya sa naturang noontime show. Sana nga, maging regular na siya.

NOEL FERRER

Yun na nga ang plot twist na nangyari—ang pagsuporta ng A-lister GMA artists sa isang ABS-CBN Production na It’s Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vice Ganda on 'It’s Showtime' airing on GTV: “Pinakamatinding plot twist ng taon.”

Yes, hintayin natin ang gagawin na suporta ng GMA sa revamped Eat Bulaga! if ever.

Pero alam ba ninyo ang isa pang PLOT TWIST na iniisip ko?

WISHFUL THINKING, BUT I MIGHT JUST THROW IT TO THE UNIVERSE at sa mga netizens natin for their opinion.

Hindi simple ito (katulad ng hindi rin naman simple ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA. BRAVO!!!)

This can only happen with real goodwill.

I asked a friend in GMA if possible na ibigay ng grupo ng TAPE ang EAT BULAGA! title sa TVJ/Dabarkads group. And then, start with a clean slate with a new title.

Maganda ito kung mangyayari pero malalim ang panggagalingang goodwill nito kung sakali.

Ang sabi na lang ng kausap ko, “Maybe let’s pray na lang na lahat ma-guide ng kung ano tama.”

JERRY OLEA

Nagsanib-puwersa ang ilan sa pinakamalaking bituin ng ABS-CBN at GMA para makisaya sa unang episode ng It's Showtime sa subsidiary channel ng GMA na GTV noong Hulyo 1, Sabado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binuksan ng It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Amy Perez, Ryan Bang, Ion Perez, Cianne Dominguez, Jackie Gonzaga, MC, at Lassy ang naturang show sa pagkanta ng "Toxic Free.”

Nagpasiklab ng iba't ibang production numbers ang Kapamilya stars na sina Belle Mariano, Alexa Ilacad, Jolina Magdangal, Chie Filomeno, at Erik Santos, at Kapuso stars na sina Sanya Lopez, Rodjun and Rayver Cruz, Pokwang, Mark Bautista, at Barbie Forteza.

Ani ni Vice, "It’s really happening. Buong bansa at buong mundo ang saksi dito sa makasaysayang selebrasyon natin.

“Wala nang titindi sa pinakamatinding plot twist ng taon. Dahil ang Kapamilya at Kapuso ngayon ay pinag-isa. Nakakatuwa na pinagsasama-sama ang Kapamilya at Kapuso stars. ”

Agad nag-trending number 1 sa worldwide ang hashtag ng show na #GnaGsaShowtime samantala naging parte ng trend list sina Belle, Christian, Barbie, ABS-CBN, Argus, at Rayver.

Nagbigay ng kanilang suporta para sa show at hosts ang ABS-CBN president at CEO Carlo L. Katigbak at head of TV Production at head ng Star Magic Laurenti Dyogi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lubos na nagpasalamat si Vice sa mga boss ng GMA na sina chairman at CEO Felipe Gozon, president at COO Gilberto R. Duavit, Jr., executive vice president at CFO Felipe S. Yalong, at senior vice president for programming, talent management, worldwide, at support group, at president at CEO of GMA Films Annette Gozon-Valdes sa pagbibigay sa kanila ng bagong tahanan.

"Maraming salamat po pati na rin sa mga Kapuso na naki-party at naki-sayaw sa akin noong nagshoot ako sa GMA. Ang sarap ng pagtanggap at pagmamahal niyo diyan," pasasalamat ng Unkabogable Star.

Read: 'It’s Showtime' gives its all in GTV premiere

Mas pinagtibay ni Vice ang pagpapatuloy ng magandang pagsasanib-puwersa ng dalawang kumpanya nang sumakay siya ng helicopter mula sa ABS-CBN hanggang sa GMA at nag-perform sa harap ng GMA Network Center.

Nakisama rin sa selebrasyon sa It's Showtime ang lead stars ng programang Unbreak My Heart na sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Joshua Garcia, at Gabbi Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasabay ng pag-premiere ng programa sa GTV ang grand finals ng “Tawag Ng Tanghalan Duets Huling Tapatan" kung saan nanaig ang duo nina Marielle Montellano at JM dela Cerna.

Nakakuha sila ng standing ovation sa kanilang bersiyon ng "Now and Forever" at nasungkit ng total score na 98.3% mula sa hurados na sina Louie Ocampo, Zsa Zsa Padilla, Nyoy Volante, Marco Sison, Erik Santos, Gary Valenciano, Jona, and Darren Espanto at Kapuso singers na sina Christian Bautista at Mark Bautista.

Tinalo nila sina John Saga and Kim Nemenzo (95.3%) at Eumee Capili and Anton Antenorcruz (91.6%).

Bilang grand champions, nag-uwi sina Marielle at JM ng P500,000 at trophy na dinesenyo ni Toym Imao.

Sa Hulyo 3, Lunes, pangmalakasang bosesan muli ang patuloy na maririnig sa pagbubukas ng ikapitong edisyon ng "Tawag ng Tanghalan."

Panoorin ang It’s Showtime, 12:00 nn mula Lunes hanggang Sabado sa GTV, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app or website.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, natutuwa raw ang mga taga-TAPE at mga hosts ng Eat Bulaga! kay Andrew E.

Sobrang napasaya ng master rapper ang audience at pati na rin mga televiewers. Kaya tiyak na babalik daw siya.

Type din naman daw ni Andrew E. na maging regular na siya sa Eat Bulaga!.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinu-sino ang Kapuso artists na G na G umapir sa It's Showtime pilot airing, pero matagal na palang nangdededma sa guest invitation offers mula sa production staff ng revamped Eat Bulaga!?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results