JERRY OLEA
As expected, nanguna sa takilya ng North America nitong nakaraang weekend (Hunyo 30-Hulyo 2, 2023) ang bagong bukas na Indiana Jones and the Dial of Destiny ($60.4M).
Read: 'Spider-Man: Across the Spider-Verse' humamig na ng $120.7M sa takilya
Ito ang ikalima at huling pagganap ni Harrison Ford bilang archeologist na si Indiana Jones. Mag-e-81 years old na si Harrison sa Hulyo 13.
Sa istorya na 1969 ang main setting, nagretiro na si Indiana bilang propesor sa Hunter College.
Naghiwalay sila ng asawa niyang si Marion (Karen Allen) matapos mamatay ang anak nilang si Mutt (Shia LaBeouf) sa Vietnam War (1955-1975).
Tampok si Marion Ravenwood sa unang Indiana Jones film na Raiders of the Lost Ark (1981).
Napanood muli si Marion sa ikaapat na pelikula sa franchise, ang Indiana Jones and the Kingdom of the Crystal Skull (2008), kung saan na-reveal na meron silang anak, si Henry Walton Jones III o Mutt. Sa ending niyon ay ikinasal sina Marion at Indy.
Bukod kay Marion, nasa Indiana Jones and the Dial of Destiny rin ang karakter ni Sallah (John Rhys-Davies) na napanood before sa Raiders of the Lost Ark at Indiana Jones and the Last Crusade (1989).

At any rate, pangalawa sa takilya ng U.S. at Canada last weekend ang animated film na Elemental ($12.1M).
WORLDWIDE, pinakamalakas so far this year ang The Super Mario Bros. Movie ($1.3B), Guardians of the Galaxy Vol. 3 ($837M), Fast X ($699M), Spider-Man: Across the Spider-Verse ($608M), The Little Mermaid ($525M); Ant-Man and the Wasp: Quantumania ($476M), John Wick: Chapter 4 ($428M), Transformers: Rise of the Beasts ($382M), Creed III ($275M), The Flash ($246M); Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves ($208M), Elemental ($188M), Scream VI ($169M), Evil Dead Rise ($147M), Shazam! Fury of the Gods ($134M); Indiana Jones and the Dial of Destiny ($131M), Pathaan ($129M), Detective Conan: Black Iron Submarine ($91M), AIR ($90M), at Cocaine Bear ($88M).
Kasabay ng Indiana Jones and the Dial of Destiny na nag-open sa local cinemas ang Ang Pangarap Kong Oskars, Ruby Gillman, Teenage Kraken, Student Body, Knights of the Zodiac, at Woman in the Maze.
Bukas, Hulyo 5, ipapalabas sa mga sinehan ng bansa ang Detective Conan: Black Iron Submarine, Insidious: The Red Door, Kandahar, The Childe, at Shin-Masked Rider.

Magpapayanig sa Hulyo 12 ang Mission: Impossible — Dead Reckoning Part 1.

Kasado sa July 19 playdate ang Barbie at Oppenheimer.
Para sa July 26, nakapuwesto ang Haunted Mansion, Litrato, at The Cheating Game.
Puwedeng magkaroon pa ng pagbabago ang playdates ng mga pelikulang ito. Para sa updates, bisitahin ang Facebook page ng SM Cinema, Ayala Cinemas, at Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), maging ang website ng Click The City.
GORGY RULA
Kulang pa rin sa sigla ang takilya sa Pilipinas. Hindi pa rin dumadagsa ang moviegoers sa mga sinehan.
Sabi-sabi, kulang ang suporta ng national government sa local entertainment industry, lalo pa kung ikukunsidera ang suporta ng gobyerno ng South Korea sa kanilang mga pelikula at TV series.
“May kulang talaga,” pag-ayon ni Congressman Richard Gomez nang makapanayam namin noong Hunyo 26, Lunes, sa Ormoc City Hall.
“Simply because it is very expensive to produce a movie. You know, they compare our movie industry to let’s say for example, Koreans.
“But Koreans are spending millions of dollars to produce movies. Tapos tayo, we’re only spending a hundred thousand dollars for one movie.
“So, dun pa lang, makikita mo na, ang laki na ng discrepancy. So it affects yung production, it affects yung location, it affects yung equipment.
“Until we reach a point na kaya nating mag-market out of the country, we can reach bigger audience… "
Nobyembre 10, 2021 nag-open ang local cinemas.
Ayon kay Direk Jose Javier Reyes, dalawa pa lang pelikulang Pinoy ang tinangkilik talaga ng moviegoers sa panahon ng pandemya — Maid in Malacañang at Deleter.
Read: Leyte Rep. Richard Gomez, Ormoc Mayor Lucy Torres-Gomez relate their first year in new posts
NOEL FERRER
Expecting by the end of the week ay mailalabas na ang unang apat sa walong opisyal na lahok sa darating na Metro Manila Film Festival sa Kapaskuhan.
Ito na lang ang inaasahang malakas na playdate para sa pelikulang Pilipino dahil may extra money to spare ang ating mga kababayan sa mga napamaskuhan.
Sana, makatulong talaga ito sa pagpapasigla muli ng ating matamlay na industriya ng pelikula kaya namang napakaraming producers ang umaasa rito ang sumali.
Sana talaga ay tangkilikin ng mga kababayan natin ang mga mapipili.
