JERRY OLEA:
Nagkasama sina Awra Briguela at Gladys Reyes sa pelikulang Here Comes The Groom na entry sa 1st Summer MMFF.
Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline
Nag-react ba siya nang mapabalita ang paglalasing, pagwawala at pagkakulong ni Awra?
"Well, good to know, nakalabas na siya, ‘no," sambit ni Gladys sa post birthday celebration niya noong Miyerkules ng gabi, Hulyo 5, 2023, sa Plaza Ibarra, Timog Ave, Quezon City.
Sa pagkakakilala raw ni Gladys kay Awra, marespeto raw ito sa kanila ni Eugene Domingo, o kilala rin sa palayaw na Uge, nang magkatrabaho sila sa pelikula.
"Ang experience ko sa kanya, working with him, wala, nakakatawa kahit off cam. Respectful din siya.
"Pero mahilig mam-prank. Kami ni Ate Uge, pina-prank niya. Lalo na si Ate Uge.
"Pero wala, wala akong bad experience kay Awra. Kasi very ano naman yung bata, marespeto sa amin."
Sabay tukoy ni Gladys sa bar incident na kinasangkutan ni Awra, "So, hindi ko alam kung ano man ang nangyari dun nung gabing yun.
"Pero I’m sure naman, si Awra, meron din siyang natutunan with that, di ba?
"Kumbaga, ganun naman tayo. May mga pinagdadaanan tayo na natututo tayo.”
Hopefully ay may natutunan din ang netizens sa isyung ito ni Awra, lalo na iyong mga celebrity at influencers na nanawagan ng "Justice For Awra" at kinutya ang lalaking pinilit nitong magtanggal ng pantalon, maging ang mga pulis-Makati na humuli rito.
Ang Facebook ni Direk Jose Javier Reyes noong Hulyo 1, "MORAL LESSON OF THE DAY: Never judge an issue before you see the CCTV recording."
Read: Awra Briguela, pinosasan matapos masangkot sa rambulan sa Makati
GORGY RULA:
Walang alak sa post birthday celebration ni Gladys. Wala ni katiting na alkohol sa mga inumin, kaya naghimutok ang isang kilalang showbiz columnist na dumalo roon.
"Pasensya na. Kasi siyempre, di ba? Sorry!" bulalas ni Gladys, na member ng Iglesia ni Cristo.
Siyanga pala, kasama si Gladys sa cast ng pelikulang Unspoken Letters at Kapuso primetime series na Black Rider.
NOEL FERRER:
Meron bang matinding experience before si Gladys na naglasing siya o nagwala sa public place? Parang wala!
"Homebody kasi ako. Unang-una, alam din ni Juday yan!" bulalas ni Gladys.
Ang tinukoy niyang Juday ay si Judy Ann Santos na matagal niyang nakatrabaho sa Mara Clara.
"Maliit lang yung circle of friends ko rin talaga kahit noon. At saka yun nga, hindi pa bar ang term noon, e… mga disco, mga ganyan.
"So wala, hindi kasi ako mahilig sa ganun. Kaya si Carmi, kilalang-kilala na niya ako."
Ang Carmi na tinutukoy ni Gladys ay si Carmi Martin.
"Tawag nga niya sa akin, parang ako yung manang, sa aming dalawa ni Carmita. Kasi alam niya, hindi ako palalabas.
"So, wala akong naging ganung experience. Ayokong maka-experience siyempre ng ganun!"
Maganda pa ring malaman ang natutunan ni Awra sa nangyari, at sa mga netizens na ang bilis magpo-post ng kung anu-ano sa social media.
Read: CCTV footage of Awra Briguela, complainant inside Makati bar released
