GORGY RULA
Mega-exciting ang 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) na ihu-host ng CaMaNaVa (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela).
Base sa script, inihayag ang first four official entries ng MMFF 2023 nitong Hulyo 10, 2023, Lunes ng hapon, sa bagong gusali ng MMDA sa Doña Julia Vargas Avenue, Pasig City.
Read: Sharon-Alden, Dingdong-Marian starrers among first four official entries to MMFF 2023
Andiyan ang A Mother and Son’s Story nina Sharon Cuneta at Alden Richards. Ito’y sa direksyon ni Nuel Naval, mula sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario, para sa Cineko Productions — the same director-scriptwriter-producer team behind the MMFF 2022 entry Family Matters. Ang dating nga nito ay Family Matters 2.
Read: Sharon Cuneta at Alden Richards, nag-workshop na para sa unang pelikula nila together
Hilakbot ang idudulot ng K(ampon) nina Beauty Gonzalez at Derek Ramsay. Ito’y sa direksiyon ni King Palisoc, mula sa panulat ni Dodo Dayao, para sa Quantum Films ni Atty. Joji Alonso.
Maaalalang napili ang K(ampon) sa first four entries ng MMFF 2019, at pagbibidahan sana ito nina Kris Aquino at Derek Ramsay. Kaso, umayaw si Derek sa project.
Na-disqualify ang K(ampon) sa MMFF 2019 dahil limang araw nang lampas sa July 30, 2019 deadline ang request nito na ipalit si Gabby Concepcion kay Derek bilang lead actor.
Read: Kris Aquino, tulala dahil hindi matutuloy ang horror movie sa MMFF 2019
Ang pumalit sa K(ampon) ay ang horror film ding Sunod, na tinampukan nina Carmina Villarroel at Mylene Dizon. Matutuloy na kaya si Derek sa K(ampon) this year?
Read: Derek Ramsay, tuluyan nang nag-backout sa MMFF 2019 entry
Fantastic adventure ang hatid ng modern retelling ng Penduko nina Matteo Guidicelli at Cristine Reyes. Ito’y sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana, para sa Sari-Sari Network ni Jane Basas.
Maaalalang pormal na ini-announce ng Epik Studios at Viva Films ang pagbibida ni James Reid sa pelikulang Pedro Penduko: The Legend Begins noong Hunyo 14, 2018. Ididirek iyon ni Treb Monteras II, at kasama sana sa cast si Nadine Lustre bilang Maria Makiling.
Umalis si James sa Viva at sa nasabing project. Kumalas din doon si Direk Treb.
Read: James Reid, may pa-abs bilang bagong Pedro Penduko
Noong Oktubre 2019 pa ini-announce na si Matteo na ang bida sa nasabing Penduko movie.
Read: Matteo Guidicelli doesn't mind being second choice to James Reid for Penduko
Romance drama ang Rewind na balik-tambalan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ito’y sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar, mula sa panulat ni Enrico Santos, para sa ABS-CBN Film Productions.
Read: Kapuso couple Dingdong Dantes, Marian Rivera to headline Star Cinema's "Rewind"
NOEL FERRER
Ang ganda ng roster ng first four films ng 49th MMFF na pinili mula sa twenty-six (26) screenplays. Talagang hindi nasilaw sa star value lang kundi ganda at ayos ng materyal ang naging basehan.
Meron pang ibang entries na mas gaganda pa kapag isinubmit as finished films. September 29 ang deadline ng pagsusumite ng finished films, kung saan apat pang pelikula ang pipiliin.
Tulad ng horror (na karamihan ng nag-submit ay nasa ganitong genre), mas maa-appreciate pa ng Selection Committee ang ganda ng horror film kapag napanood na ito complete with the sound, music, at visual effects.
Sana rin, meron pang mag-submit ng pambatang pelikula at comedy na pampamilya dahil ito ang genre na hindi pa represented aside from the ones na na-consider na sa script submission.
This is also our countdown to year 50 of the MMFF under Atty. Don Artes na talaga namang pinalalaki at pinalalawak pa ang exposure ng Filipino film, hindi lang locally kundi internationally.
JERRY OLEA
Ang Chairman ng MMFF 2023 Selection Committee ay ang respetadong producer na si Jesse Ejercito, na kabahagi na ng MMFF mula pa sa pag-uumpisa nito noong 1974.
Si Papa Jesse ang nag-announce ng first four official entries ng 49th MMFF.
Ang nagbasa ng synopsis ng bawa’t entry ay ang multi-awarded scriptwriter na si Roy Iglesias, na member ng Selection Committee.
Pahayag ni MMDA Acting Chairman and MMFF Concurrent Chairman Atty. Don Artes, “Ako po kasi, hindi ako nagbabasa ng script. Pero sa nakita ko pong synopsis, title, yung mga bida po na naka-indicate… satisfied naman po ako.
“Again, 26 entries po yan. Marami po, magaganda. So among them, pinili po yung pinakamaganda based on the script.
“Hindi naman po ibig sabihin na hindi maganda yung iba, pero maaari pong hihintayin natin yung finished films kung sakali nilang gawin at i-submit.
“Yung natitira pong apat, pipiliin po based on finished film. At ang pagbabasehan na po ay yung final output nila.
“Hihintayin po natin yan, but insofar as these four are concerned, ako po ay satisfied naman po sa list.”
Ano ang target earnings ng 49th MMFF?
“They were saying na more than P500M. Definitely now, sabi ng mga taga-cinema, siyempre I’m not an expert naman,” lahad ni Chair Don Artes.
“With this submission po na 26 na magaganda po yung titles, malalaki yung artista, they’re projecting na mahi-hit namin ang P500M, at masu-surpass namin yung previous year’s earning na P501M.
“So nagpo-project naman sila na mas mataas yung ating earnings.”
Hopeful ang mga tagasinehan na sisigla na talaga ang industriya ng pelikula?
Mabilis na tugon ni Chair Don Artes, “Yes! In fact, sila nagsasabi nga na… ako kasi, nung nag-uusap kami, sabi ko nga, ‘Ma-hit lang natin yung P500M, OK na sa akin din.’
“Kasi, hindi pa naman tayo fully recovered economy-wise. Ini-encourage pa natin yung mga tao na bumalik sa sinehan.
“Pero sila yung nagsabi mismo na confident sila na… may binanggit silang percentage na increase, e. Hindi ko na lang sasabihin.
“So confident sila na masu-surpass naman yung previous year’s earning.”
