PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tito Sotto on 'Eat Bulaga!' 44th Anniversary Plan

TVJ, tahimik tungkol sa isinampang reklamo laban sa TAPE at GMA-7.
by PEP Troika
Published Jul 13, 2023
tvj eat bulaga anniversary
Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (kaliwa) tahimik tungkol sa isinampa nilang reklamo laban sa TAPE at GMA-7, ang producer at network kung saan pinapalabas ang noontime show na 'Eat Bulaga!'.
PHOTO/S: Ryan Agoncillo / TAPE Facebook

GORGY RULA

Hindi nagbigay ng komento si dating Senador Tito Sotto kaugnay sa reklamong copyright infringement and unfair competition na isinampa nila sa Marikina Regional Trial Court laban sa TAPE, Inc. at GMA-7.

Nasa korte na raw ito kaya ayaw na niyang magbigay ng anumang pahayag.

Kasamang naghain ng reklamo ni Tito ang kapwa niya original Eat Bulaga! hosts na sina Vic Sotto at Joey de Leon, at ang dating creative director ng TAPE na si Jeny Ferre.

Read: TVJ, Jeny Ferre file copyright infringement and unfair competition complaints vs TAPE, GMA-7

Sinubukan din naming kunan ng pahayag si Vic, na idinaan namin kay Pauleen Luna, pero "no comment" lang si Bossing sa PEP Troika.

Si Joey naman ay hindi pa rin sumasagot sa aming text message.

Hiningan din namin ng reaksiyon ang TVJ sa binabalak ng Eat Bulaga! na mag-celebrate ng 44th anniversary sa July 29.

Read: 'Eat Bulaga!', may pasabog sa 44th anniversary; 'G sa Gedli' ni Isko Moreno, patok sa viewers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay may maanghang na sagot si Tito Sen.

Sabi niya, “Kaming orig ang may karapatan mag-celebrate. For TAPE people and current hosts, none of them were there 44 years ago. The nerve!"

Hindi lang niya nilinaw kung magsi-celebrate ba sila sa E.A.T., ang bago nilang noontime show sa TV5.

Samantala, sa gitna ng isyung demandahan, halos magkadikit na ang ratings ng Eat Bulaga! at E.A.T., base sa datos ng Nielsen.

Nung Miyerkules, July 12, ay naka-3.3 percent ang Eat Bulaga! ayon sa NUTAM survey. Halos humahabol na ito sa 3.6 percent g E.A.T..

Ang It's Showtime naman ay 3.2 percent, pero malakas pa rin ito sa social media na laging nagti-trending sa Twitter.

Read: TV ratings: TVJ prove they are still the kings of noontime shows

Sabi ng legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Garduque, nung araw na lumabas ang balitang kinasuhan ng TVJ ang TAPE at GMA-7, bumaba ang rating ng programa ng TVJ sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We are very happy with this. It happened maybe because focused lang naman talaga ang production at mga hosts sa pagbibigay ng 'tulong at saya.'

"Masaya sila sa ginagawa nila kaya kahit anong ibato sa kanila, tuluy-tuloy lang sila," sabi niya.

JERRY OLEA

Totoo bang magdadagdag ng studio ang E.A.T. sa TV5 Media Center, Mandaluyong City, kaya ililipat sa Novaliches ang studio ng Face 2 Face ni Karla Estrada?

Kahit magdagdag at magdagdag o magpalaki nang magpalaki ng studio ang E.A.T., kung hindi pinapalakas ang signal ng TV5 nationwide at internationally, balewala iyon.

Naghimutok ang kaibigan nating senior citizen na si Tito Louie na nasa Arizona, USA, “Tinanggal ko na ang TV5 access ko. Una, I have to pay an extra $12.95 tapos ang reception ang labu-labo. Hindi katulad ng GMA, GMA Live TV at ABS-CBN, ANC na very sharp ang TV reception dahil high density ang gamit. I’m disappointed. Hmph!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Before dumating ang TV5 I’m paying $25.99 and this includes 2 DVR recorders, HD advance receiver para maging sharp ang mga shows. Pero kahit meron akong HD receiver, waley pa rin ang sharpness ng TV5 programs. Tapos dagdag $12.95 para sa TV5?

“Jusko! Ang blurred ng reception, parang nanonood ako noong kapanahunan 1975. Bow! Magkaka-cataract pa ako kaya huwag nahhh!”

At any rate, ayaw pang isiwalat ng mga taga-Eat Bulaga! kung ano ang pinaghahandaan nilang selebrasyon sa July 29. Pero nakarating sa kanila ang komento ni Tito Sen, at si Paolo Contis ang nagbigay ng sagot.

Read: Eat Bulaga! congratulates TVJ on its new noontime show, welcomes It's Showtime to its new home

Ani Paolo, “We are celebrating the show. Not the hosts. Eat Bulaga! is about the people, the viewers. Yung celebration ng EB ay para sa tao.

"Parang ang Bubble Gang, mag-28 years na. Pero ako, nasa 15 years pa lang more or less. Does it mean I can't be part of the celebration ng anniversaries, too?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaming mga artista, hosts, we come and go. But the show stays. Trabaho lang po namin i-celebrate yung show."

Ngayong Huwebes ng gabi, July 13, ay tutulak na si Paolo patungong Australia para sa pelikulang ginagawa niya sa Mavx Production kasama sina Patrick Garcia at Kaye Abad.

Read: Tabing Ilog stars Patrick Garcia, Kaye Abad, Paolo Contis reunion project, tuloy na

Magsu-shoot sila sa Tasmania ng 11 days, kaya hindi siya mapapanood sa Eat Bulaga! ng ilang araw. Nakapag-tape si Paolo ng ilang segments at isang episode ng noontime show.

Hindi pa raw niya alam kung magagawa niyang mag-Bulaga nang naka-remote sa Tasmania.

Si Isko Moreno naman ay mag-iikot sa ilang lalawigan sa Visayas at Mindanao para doon mag-"G sa Gedli."

NOEL FERRER

Malalim ang sugat na kinasasangkutan ng TAPE at TVJ kaya malabo pang mangyari ang plot twist na gusto nating magkaayos ang lahat.

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana na lang, bukod sa court cases, patuloy na pagandahin pa rin ang mga programa ng lahat ng noontime shows.

Nasa Amerika ngayon si Jose Manalo, nasa New Zealand naman si Ryan Agoncillo sa annual family vacation nila na nakatakda na noon pa, at si Maine Mendoza ay naghahanda na sa wedding niya soon.

Buti na lang nahuhugot ng E.A.T. sina Ice Seguerra at Miles Ocampo, at kung minsan si Maja Salvador din kung may oras ito.

Sa It’s Showtime naman ay magkaka-concert tour ang ibang mga performer/hosts/hurado tulad nina Ogie Alcasid, Erik Santos, atbp. kaya okey din ang move nilang kumuha ng mga bagong hurado para tuluy tuloy lang ang segments ng show.

Kaya maganda rin na kahit nagsu-shooting si Paolo sa Australia, tuloy pa rin ang Eat Bulaga!.

Pagandahan na lang talaga. At ang televiewers, susuportahan ang trip nila. Panalo tayong lahat!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (kaliwa) tahimik tungkol sa isinampa nilang reklamo laban sa TAPE at GMA-7, ang producer at network kung saan pinapalabas ang noontime show na 'Eat Bulaga!'.
PHOTO/S: Ryan Agoncillo / TAPE Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results