GORGY RULA
Malutong na halakhak ang sagot sa amin ni Julie Anne San Jose nang tinanong namin kung may kissing scene ba sila ni Rayver Cruz, at kung gaano ka-torrid ito sa pelikula nilang The Cheating Game.
“Hindi po ako yun!" natatawa niyang sagot.
Hindi lang niya maipaliwanag kung gaano siya ka-daring sa pelikulang ito, dahil base sa trailer, parang ibang Julie Anne ang makikita na malayung-malayo sa pagiging Maria Clara niya sa Maria Clara at Ibarra.
Read:
- Team behind Maria Clara at Ibarra reveals who stands out best among impressive cast
- Maria Clara at Ibarra's X factor: great storytelling, stellar cast, big-budget production
"Yung pagiging daring naman po, it doesn't just mean na kailangang magpakita ng skin. Siguro mas bolder yung character, mas matapang na mas empowered.
"You will really find out, kasi may kakaibang twist po yung movie, at saka yung story," pakli ni Julie Anne.
Ano ang pakiramdam ni Julie Anne sa pelikulang ito kung saan susubukan ang love team nila ni Rayver, kung kakagatin ba ito sa mga sinehan?
Sagot ni Julie Anne, “Actually, every project naman po talaga, palagi pong kinakabahan kasi, iba-ibang ano, e, iba-ibang rules. So, eto po ang Cheating Game, isang role na naman as an actress.
"Very excited as well, kasi siyempre, ibang Julie Anne ang makikita nila rito. Siguro mas mature yung attack dun sa role.
"Nakakapanibago, but it was a humbling experience as well na kapag tini-tape namin yung mga eksena sa movie."
Sa July 26 na ang showing sa mga sinehan ng The Cheating Game, na inaasahang susuportahan ng JulieVer fans.
Read: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz: Better together
"Siyempre ano, e, siyempre, first movie naming dalawa ni Ray. Kaya, talagang siyempre I'm happy and excited, and looking forward kami sa outcome. Kasi hindi pa po namin napapanood pa, e. Kaya sabay-sabay po namin papanoorin yun.
"I guess it's a good thing, because yun naman po talaga ang iba-ibang mga emotions and ma-feel ng mga supporters. Ibang Julie," napapangiting pahayag ni Julie Anne.
JERRY OLEA
Challenge ito sa GMA Public Affairs na sumugal sa love team nina Julie Anne at Rayver, lalo na ngayong hindi pa talaga nakakabalik ang mga local films sa cinema.
Pahayag ni Rayver, “Siguro for me, unti-unti naman talaga bumabalik na tayo sa normal. And I think yung movies naman talaga natin ay bumabalik na rin unti-unti sa normal.
“Kasi iba rin naman talaga ang pakiramdam kapag sa sinehan ka nanonood kasama yung pamilya mo, and nag-popcorn habang nanonood ng napakagandang pelikula.
"Hindi naman tayo mawawalan ng pag-asa na bumalik tayo sa success ng mga Filipinos like before.
"Kaya nga thankful kami na may mga GMA Pictures, may GMA Public Affairs na nag-produce na ulit sila, may mga line-up ng movies na talagang kakaiba na para sa mga moviegoers and supporters.
"Kaya nga talagang this is the year and for the future years na talagang malakas ang loob ko na talagang sure na ako na babalik na tayo sa normal sa mga pelikula.
"Hopeful kaming lahat. Pero for me kasi, if you love your craft, and pati sa GMA Pictures din, it's not gonna stop you from doing naman e, like producing or kagaya naming mga artista na gumawa ng maraming pelikula. Kasi ano yun, e, experience din yun for us, e.
"Magandang experience yun para sa amin. Gawa ka nang gawa ng pelikula, kasi ibang mundo yun, e. Yun yung way namin para makaalis sa real world. And dito kami sa mundo na hindi namin na-experience in real life, pero na-experience namin sa mga ganitong istorya."
Kasabay ng The Cheating Game na magso-showing sa July 26 ang supernatural horror comedy na Haunted Mansion, Australian supernatural horror film na Talk To Me, Litrato nina Ai-Ai de Alas at Quinn Carrillo, at anime sci-fi crime film na Psycho-Pass: Providence.
Moreover, the Film Development Council of the Philippines (FDCP) licensed the rights to four new titles from Belgium, Austria, Cambodia, and the United Kingdom earlier this year which are now set for commercial release, in partnership with Ayala Cinemas, from July 26 to 30.
The FDCP’s Audience Development Program and Ayala Cinemas’ The A-List Series aim to bring acclaimed films more accessible to movie lovers through the “A-List Series Presents: FDCP World Cinema.”
With this partnership, the FDCP and the Ayala Cinemas will bring world cinema titles to the Filipino audience with its initial offering of films that have won multiple recognitions in reputable film festivals and award-giving bodies.
Cannes-winning titles Aftersun directed by Charlotte Wells, Close directed by Lukas Dhont, Corsage directed by Marie Kreutzer, and Return to Seoul directed by Davy Chou will be screened in select Ayala Cinemas in Metro Manila, Bacolod, Cebu, Cinema ‘76, and in FDCP Cinematheque Centres in Manila, Davao, Iloilo, Nabunturan, and Negros.
NOEL FERRER
Ang balita ko ay maayos ang pelikulang The Cheating Game, at revelation daw rito si Julie Ann San Jose sa kanyang kakaibang husay na ipinamalas with nuances at levels of acting. Kaya kasama ng charisma ni Rayver Cruz, sana naman ay tangkilikin ito ng mga tao.
Magaling din ang pagkaka-market ng pelikula with the unusual na creative billboard sa may GMA area na text message lang, pati yung merchandise which said, “Paano ba mag-move on sa bansang di umaandar?”
Halata mong kinarir, pinag-isipan, at tagos sa puso.
Nasa sa atin na ang suportang hinihingi ng pelikula at bawat manlilikha ng sine ngayon.
