GORGY RULA
Unang tinapos ang shooting ni Paolo Contis sa pelikula ng Mavx Productions na kinukunan sa Tasmania at sa Melbourne, Australia.
Nag-last day na siya nung Biyernes, July 21 at sa Linggo, July 23, at babalik na siya ng Pilipinas. Gusto na raw ni Paolo bumalik ng Eat Bulaga! sa Lunes, July 24.
May maiiwan pa raw na ilang eksena ang co-stars niyang sina Patrick Garcia at Kaye Abad kaya sa Martes, July 25, pa raw ang balik ng ilang maiiwan.
Read: Patrick Garcia, nakumbinsing magbalik sa pag-arte dahil kina Kaye Abad at Paolo Contis

Patrick Garcia, Kaye Abad, and Paolo Contis
Nagpapasalamat si Paolo sa tumataas na rating ng Eat Bulaga!, lalo na nang naungusan nito ang E.A.T. ng TVJ sa TV5 nung July 19.
Read: Revamped 'Eat Bulaga!' naungusan sa ratings ang 'E.A.T.' ng TVJ
“We're very happy. Kami naman na grupo sa Eat Bulaga!, e, ginagawa lang namin kung ano yung kinakaya namin. Thankful lang kami.
"Mahaba pang ano yan... ayoko sabihing laban, e. Kumbaga, mahaba pang pag-entertain sa mga tao.
“Basta ako, we're just doing what we can. Hangga't kaya namin makapagbigay ng tulong at saya. Pag manalo, of course, very thankful kami dun," pahayag ni Paolo nang nakapanayam namin via zoom sa DZRH nung nakaraang Biyernes.
Pagbalik niya ng Eat Bulaga! ay malalaman na raw ni Paolo kung ano ang gagawin nila sa kanilang anniversary celebration sa July 29.
Sa YouTube ng E.A.T. ay merong interview sa mga Legit Dabarkads kung saan sinasariwa nila ang most memorable moments nila sa Eat Bulaga! after 44 years. Kaya naiintriga kami kung meron din kayang celebration ang TVJ sa E.A.T.?
Pero sabi ni Paolo, malaking selebrasyon ang gagawin nila sa 44th anniversary ng Eat Bulaga!.
"Definitely, it will be very big, it will be very grand. Katulad nga po ng sinasabi ko lagi. Yung sini-celebrate po natin ay yung show. Sini-celebrate po natin yung institution ng Eat Bulaga!.
"We're not celebrating the past, we're not celebrating the hosts. We're celebrating the people who have been supporting the show for the longest time.
"Kami po ay taga-host lang ng show. Pero ang isi-celebrate po natin ay yung show 'ika nga," sabi pa ni Paolo.
JERRY OLEA
Ang isa raw sa mga hiling ni Paolo ay makasalubong niya o magkita sila ng mga Legit Dabarkads, lalo na sina Tito, Vic & Joey. Open daw siya sa posibilidad na isang araw, makatrabaho niya ang ilang dating hosts ng Eat Bulaga!.
"Ako, wish ko yun na magkasalubong kami," seryosong pahayag ni Paolo.
"Ako siyempre... again, trabaho lang talaga yung sa akin, e. Wala naman talagang personalan yun.
"And I'm really hoping... to be honest, I'm hoping na makasalubong ko yung mga nauna sa amin ano. Si Tito Sen, si Bossing, si Tito Joey. Siyempre si Tito Joey kumpare ko nga yun, e.
"Wish kong makasalubong sila, mayakap sila at makakuwentuhan ko sila.
"Naniniwala ako na ang isyu nila is with the production, di ba? Pero personally, naniniwala ako na wala naman sanang galit or kumbaga, ngitngit between the hosts, ika nga.
"Kung ano man yung problema nila with the production, sana naintindihan nila that we're just working.
"Ako talaga, I'm looking forward na makita ko sila to be honest."
NOEL FERRER
Good for Paolo Contis to wish for the best para sa kanilang show, but I guess ang labanan ngayon ay pagandahan na ng show at consistent na pag-deliver ng good ratings at commercial load.
It might also help kung less words na rin ang maririnig sa kahit na sinong kampo. Nasa korte na ang ibang usapin, hayaan na lang gumulong ang batas doon.
As it is, wala naman nang nagsasalitang iba. So be it na lang muna siguro.
