PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paul Soriano nag-leave bilang presidential adviser

Hindi raw totoong wala na sa Malacañang si Paul.
by PEP Troika
Published Jul 26, 2023
paul soriano toni gonzaga pregnancy
Presidential Adviser for Creative Communications Paul Soriano repporteldy took a leave absence a few days before SONA to focus on his wife Toni Gonzaga, who is about to give birth to their second child anytime.
PHOTO/S: @celestinegonzaga on Instagram

GORGY RULA:

Napaulat nitong Martes, July 25, 2023 ang pagli-leave ni Presidential Adviser for Creative Communications Paul Soriano.

Si Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil ang nagbalita nito sa ilang taga-media na nag-cover sa State visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malaysia.

Hindi idinetalye ang dahilan, pero "personal reasons" daw.

Nung nakaraang linggo ay nasagap ng PEP Troika na nakatutok umano si Paul sa pagbubuntis ng kanyang asawang si Toni Gonzaga dahil malapit na itong manganak.

Read: Toni Gonzaga formally announces second baby via surprise baby shower

Ayon sa ilang taong malapit sa mag-asawang Paul at Toni na nakausap ng PEP Troika, bago pa mag-SONA ay nag-file na ng leave si Paul.

Minabuti umano ni Paul na hindi idirek ang SONA ni President Marcos Jr. dahil anytime ay manganganak na ang kanyang asawa.

Nung Martes, July 25, ay nag-post si Toni sa Instagram story ng kanyang kalagayan na labas-masok ng hospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa caption nito, “Since the start of July it's been Home-Doctor-Home-Doctor for me..."

Nagpasalamat din si Toni sa kanyang asawang lagi umanong nakabantay sa kanya.

Aniya, “Thank you for never leaving my side in this last stretch... Needed you now more than ever... Thank you for being the best partner in this journey... Anytime now... Love you."

Mensahe naman ni Paul, na idinaan din sa Instagram story: "Kuya Seve and I are always here for you"

paul soriano instagram story

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mensahe rin ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga para sa kanyang ate, "Thought I was going to be Tita again last July 23, but still waiting and praying for you sisss. Kayang kaya mo yan! Laban lang walang bawi."

toni gonzaga instagram story

JERRY OLEA:

Ayon sa ilang taong nakausap ng PEP Troika, talagang hirap si Toni sa kanyang pagbubuntis ngayon kaya hindi raw ito maiwan-iwan ni Paul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa riyan ay ang direktor daw ang nag-aalaga sa panganay nilang si Seve.

Mismong si President Bongbong daw ang nagsabi kay Paul na mas mabuting mag-focus muna ito sa pamilya. Taliwas daw ito sa mga usap-usapang wala na sa Malacañang si Paul

“Kaya matagal na siya nag-leave as in, before the SONA, last week.

"Ang due date ni Toni nung July 23. Dapat manganganak na si Toni nung Linggo. Pabalik-balik na sila ng hospital.

"Kasi may nagkakalat na wala na siya sa Malacañang. Hindi totoo. Kasi mali talaga.

"Ang totoo, manganganak na si Toni.

"Ang hirap naman na nasa SONA siya, anytime manganganak na si Toni," saad ng isang source ng PEP Troika na ayaw nang pabanggit ang pangalan.

Read: WHAT PEP KNOWS: Paul Soriano in the center of controversy at Vanessa Hudgens' presscon

Tahimik lang si Toni, pero nahihirapan na raw ito sa kanyang kalagayan. Iba raw itong pinagdadaanan niya ngayon kung ikumpara sa una niyang pagbubuntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng source, "Siyempre, tahimik lang si Toni, mabait lang talaga. Pero itong pregnancy na 'to, hindi madali.

"Una, di ba, natanggalan bago nabuntis, di ba?

"Pitong taon, almost seven years, tapos nung nabuntis uli, 39 na siya. Kaya hindi talaga madali.

"Hirap siya ngayon. Mabigat na mabigat daw yung baby. Saka balik-balik na sila ng hospital.

"Minsan, pinapa-bed rest pa ng doktor."

Hindi lang daw si Paul ang nakatutok ngayon kay Toni kundi ang buong pamilya.

Anytime ay manganganak na raw si Toni kaya dalangin nilang lahat maging safe ang TV host-actress hanggang sa kanyang panganganak.

NOEL FERRER:

Panalangin natin ang safe delivery ng bagong baby nina Toni Gonzaga at Paul Soriano. Take care and God bless.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Presidential Adviser for Creative Communications Paul Soriano repporteldy took a leave absence a few days before SONA to focus on his wife Toni Gonzaga, who is about to give birth to their second child anytime.
PHOTO/S: @celestinegonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results