PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mutya Orquia, Beaver Magtalas Movie Delayed

Dating child actress na si Mutya Orquia, ngayon lang magkakapelikula.
by PEP Troika
Published Jul 27, 2023
mutya beaver maxine magic hurts
Young stars (from left) Mutya Orquia, Beaver Magtalas, and Maxine Trinidad will star in the romance movie 'Magic Hurts.'
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Naantala ang first shooting day ng pelikulang Magic Hurts dahil sa bagyong Egay. Kukunan ang pelikula sa Baguio City at Atok, Benguet.

Umakyat na ang buong cast sa Baguio para mag-shoot na dapat ay magsisimula kahapon, Miyerkules, July 26. Pero ang lakas daw ng ulan at hangin kaya naka-standby pa rin sila nung huling kinumusta ng PEP Troika.

Read: Angelica Jones's 10-year-old son still not acknowledged by the father

Itong Magic Hurts ay maglulunsad sa tambalan nina Mutya Orquia at Beaver Magtalas, na parehong talents ng Star Magic.

Sabi ng direktor ng pelikula na si Gabby Ramos, inspired ito sa pelikulang Got 2 Believe nina Claudine Barretto at Rico Yan. Pero may pagka-Korean daw ang look, kaya karamihan sa cast ay mga tsinito at tsinita.

"Ang gusto ko pong ipakita talaga na kaya naming gumawa ng replica, hindi lang replica, mas maganda sa Korean film. Kaya number one choice ko medyo tsinito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung kapag pinadala sa ibang bansa ito, maiisip nila kung anong nationality ito?" pakli ni Direk Gabby sa nakaraang story conference ng Magic Hurts na ginanap sa Relish nung Sabado, July 22, 2023.

Excited si Mutya sa proyektong ito dahil first movie niya pala ito. Ang huling ginawa niya ay ang Kapamilya series na Mars Ravelo’s Darna.

“Super excited po ako ngayon to film this," bulalas ni Mutya.

"Super excited po ako nung nabasa ko yung script. Nag-meeting kami ni Direk... kasi si Direk po, very open po siya sa mga suggestions ng artists niya.

"Nakipag-communicate po siya, kaya feel ko na mas maging magaan and light po talaga yung set namin.

"And also Beaver, matagal ko na rin pong gustong maka-work si Beaver sa isang project. Kasi, matagal na po kaming friends. And also Ate Maxine," dagdag niyang pahayag.

Kasama rin sa pelikulang ito si Claudine Barretto at ang anak niyang si Aryanna Barretto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakita raw ni Direk Gabby na may potential si Aryanna nang isinama ito ni Claudine sa set ng pelikulang Loyalista na si Direk Gabby rin ang nagdirek.

Kabilang din sa cast ng Magic Hurts sina Dennis Padilla, Angelica Jones, Ricardo Cepeda, Julian Roxas, Archie Adamos, Aileen Papin, Whitney Tyson, Blumark Roces, at Maxine Trinidad.

Read: Dennis Padilla, hinihintay pa ring mag-reach out ang mga anak kay Marjorie Barretto

NOEL FERRER:

Si Beaver Magtalas naman ay lumabas na sa pelikulang Genius Teens, pero dito sa Magic Hurts ay siya na mismo ang lead actor.

Nagpapayat muna siya dahil sinabihan siya ni Direk Gabby na hindi ibibigay sa kanya ang role kung hindi siya magbawas ng timbang.

"Kasi sabi po sa akin ni Direk Gabby po, kung hindi raw po ako magpapayat, hindi na po ibibigay sa akin yung role. So, talagang nagpursige po ako," pakli ni Beaver.

"What I did po is actually, I didn't eat rice po. And I haven't been eating rice for a long time na. Pero I still eat healthy po, like vegetables and of course, I eat meat pero without rice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang din si Beaver sa bagong grupong Gitara Boys na ipinakilala sa nakaraang Star Magical Prom. Kasama niya rito sina Luke Alford, Rob Blackburn, Drei Sugay, Recio, at CJ Navato.

Baka isasama rin daw si KD Estrada, pero mukhang mahirap mag-adjust sa schedule dahil ang dami ring ginagawa nito.

JERRY OLEA:

Excited siyempre si Beaver sa grupo nilang Gitara Boys dahil lalong nahahasa ang pagkanta niya.

"Nahihilig din po kasi ako sa music ngayon. So, we're basically a group of boys po na nagigitara. Then we also sing.

"Kaya nag-aaral po talaga ako kumanta," sabi ni Beaver.

Nawa’y mag-magic ang tambalan nila ni Mutya, at nawa’y mairaos nang maluwalhati ang kanilang shooting.

Kung ang tambalan nina Jhassy Busran at John Hendrick ay tinaguriang “KathNiel ng Facebook,” ano naman kaya itong VerMut tandem nina Beaver at Mutya?

Read: Newbie loveteam Jhassy Busran at Heindrick Sitjar, binansagang "KathNiel ng Facebook"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young stars (from left) Mutya Orquia, Beaver Magtalas, and Maxine Trinidad will star in the romance movie 'Magic Hurts.'
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results